II: Paano?
—————
"Paano?" Tanong ko sa aking sarili.
Mga ngiti mong nakakahawa,
Mga mata mong singkinang ng mga tala.Paanong mahahagkan ang mga kamay mo,
Paano ihihinto itong pagnanais sa'yo.Paano magmahal ng hindi nasasaktan ng ganito.
Pinagmamasdan mula sa malayo, hinihiling na ika'y bumalik,
Ganitong kalayo sa'yo,
Makita mo'y takot ngunit higit ay sabik.Paanong umabot tayo sa puntong ito,
Pinagmamasdan kang masaya kasama ang iba, na siyang dapat ako.Kaya ang tanong sa sarili'y, paano?
Paano ko malilimutan ang isang tulad mo?