Huli na

145 2 0
                                    

XII: Huli na

—————

Sa panahong ako'y nag-iisa,
Sumusulat sa blanko'ng papel ng panibagong tula.
Biglang lumitaw sa buhay ko,
Ang minahal kong totoo.
Ang taong iningatan,
Walang iba kundi ikaw.
Ikaw na nagpaliwanag ng aking madilim na mundo,
Nagpa-ayos sa isip kong gulong-gulo.

Ang espesyal nating pagtitinginan,
Tumagal ng ilang linggo-buwan,
Paghihiwalay 'di na naisip pa,
Naging kampante kung kaya ngayon ay wala ka na.

Miss na kita,
Aking nai-tipa,
Mensahe hindi kayang ipadala,
Kaya agad rin binura.

Ang sakit isipin na wala ka na,
Hindi ka parin malimot aking sinisinta.

Wala na 'kong magagawa,
Masaya ka na sa piling ng iba.
Gustong ika'y bawiin,
Ngunit huli na.

May anak na kayong dalawa.

THOUGHTS (Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon