Ulap

124 2 0
                                    

XVII- Ulap

—————

Hindi ko akalain na magiging bahagi ka nalang ng aking mga tula.

Mga tula na sabay na'ting ginagawa.
Mga tula na sabay na'ting ginagawa na parehong may ngiti sa mga mukha.
Mga tula na sabay na'ting ginagawa kung saan hindi mawawala na sa akin ang iyong mga titig.
Mga tula na sabay na'ting ginagawa na saksi ang Araw,
Ulan,
Buwan,
At mga ulap.

Saksi ang mga ulap.
Mga ulap na sabay na'ting pinagmamasdan.
Mga ulap na nagpapa-gaan sa mabibigat na bagay na ating dinadamdam.
Mga ulap na sa ating dalawa'y dumadamay.

Mga ulap.
Mga ulap na patuloy na nagpapamulat sa akin na wala ka na.

Na ako ang bumitaw.
Na ako ang nag-iwan ng mga salitang "Mahal, hindi mo ako kailangan. Hindi mo kailangan ng taong sayo'y magiging pang-gulo lamang".

Mahal, para sa ating dalawa rin ang pinili kong tahakin na daan.
Ganoon kita kamahal.

Mahal, hindi ako kailanman sa'yo magpapa-alam.

Dahil patuloy kitang mamahalin,
ng hindi mo nalalaman.

THOUGHTS (Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon