Happy 1k reads!!
Thank you for the cover 18a18i :)))XI: Ikaw
-----
Ikaw. Oo, ikaw.
Ikaw ang siyang laging laman ng aking isipan.
Isipan na walang ibang inisip kung hindi ikaw.Ako kaya? Naiisip mo parin ba?
Minsan ba naisip mo kung kamusta na ako? Kung ayos lang ba ako sa araw na ito?Ikaw. Oo, ikaw.
Ikaw ang nagparamdam ulit saakin ng sakit na kailanman hindi ko na hiniling na maulit.
Ikaw ang muling nagpasakit sa aking damdamin.
Ako na ngayo'y namamanhid.Ikaw. Ikaw lang ang gusto kong makasama ngunit paano? Paano kung ang inaasam mo naman ay iba?
Ikaw.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako ay patuloy na lumuluha.
Hinihiling ko pa nga'y ikaw ang magpunas nito sapagkat ikaw ang dahilan ng mga ito.
Pero paano?
Paano kung ang atensyon mo ay nasa iba?
Paano kung ang nasa isip mo palagi ay hindi ako at siya?Ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko na muling maintindihan ang aking sarili.
Bakit ganoon?
Ayaw kitang makita sapagkat nasasaktan lang ako lalo.
Ngunit gusto rin kitang makita sapagkat ikaw lang din ang nag-iisang dahilan para ako ay sumaya.Ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ay ganito.
Ikaw. Ikaw rin sana ang maging dahilan upang maging masaya ulit ako.