Kailan

302 5 0
                                    

V: Kailan?

—————

Kailan ko kaya makakalimutan ang isang tulad mo?

Tulad mong nagpasakit sa aking puso.

Tila ba ako'y namanhid.

Masakit na kulang nalang pumunta ako sa malayong lugar para makalimot.
Para makalimutan ko ang tulad mo.

Tulad mo na tinalikuran ako. Matapos ako--ang puso ko paligayahin ay dudurugin din.

Tulad mo na matapos akong ipakilala sa lahat bilang iyong mahal ay tinalikuran.

Nakakatawa hindi ba? Dahil dinurog mo ngunit patuloy parin kitang minamahal.
Patuloy parin ang pag-iisip ko sa iyo hanggang sa ako'y makatulog—hinihiling na ika'y mahagkan.

Kailan? Kailan ba ako magiging maayos muli?

Kailan kaya ako muling makakangiti?

Kailan kaya ulit magiging malaya ang puso kong sawi?

THOUGHTS (Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon