XIV- Patawad
—————
Akala ko'y matutupad lahat ng aking pangako.
Akala ko'y magagawa ko lahat ng paalala niyo.
Akala ko'y makakakaya ko ang lahat ng ito.Ngunit hindi pala.
Dahil kahit taon na ang lumipas nang kayo ay mawala,
Nakikita ko parin ang aking sariling lumuluha sa pakiramdam ng pagiging ulila.Lagi niyong paalala bago kayo tuluyang mawala,
Mag-aral mabuti at huwag magiging pariwara,
Akin iyon'g tinutupad,
Ngunit ito'y patuloy akong tinutulak.Patawad sainyo pagkat ako'y patuloy na lumulubog,
Patawad pagkat ako'y walang pag-angat,
Patawad dahil wala pa rin akong kwenta.Patawad.
Patawad dahil unti-unti na 'kong nawawalan ng pag-asa.
Patawad dahil nanatili akong isang pagkakamali.
Patawad dahil nasira ko ang inyong tiwala.
Patawad dahil mas ginugusto kong sumunod nalang sa inyo.
Patawad.