IV: Bakit?
—————
Bakit kailangan kong magdusa sa sakit na ito?
Walang lunas. Hindi ito sakit na napapagaling ng kahit anong gamot.
Hindi ang lunas ay "ano", kung hindi "sino".Ikaw ang lunas ng sakit na nadarama kong ito,
Siyang nagbigay ng sakit na mayroon ako.Bakit kasi ikaw pa ang minahal ng puso?
Bakit labis na pagmamahal ay naibigay sa isang tulad mo?Bakit sa iyo pa?
Siyang kilala ng lahat bilang aking matalik na kaibigan.Bakit kahit ilang taon nang nilulunasan ay higit pa din ang sakit?
Hindi kinausap ng ilang buwan—taon upang malunasan at maibalik ang akaraang wala pang nararamdaman.
Tinanong kung bakit ngunit hindi kita masagot.Inakalang sarili'y maayos na ngunit nang ika'y muling makita,
Muling napatanong—bakit ganito pa rin ako? Patuloy na nagmamahal sa'yo?