Motibasyon

324 5 0
                                    

VIII: Motibasyon

—————

Motibasyon.

Isang simpleng salita ngunit malaking pangangailangan ng karamihan.

Isang salita na hindi alam ng isang tao kung saan kukuha.
Isang tao na pakiramdam ay nag-iisa.
Isang tao na hindi na alam kung makaka-ahon pa.

Motibasyon- salita na hindi alam kung paano ibibigay ng iba.

***
Paki-sagot ang aking mga katanungan. (May pa quiz bee si Mayor).

_
Sa tuwing naririnig o nababasa mo ang salitang "Motibasyon" ano ang linya na una mong naiisip? (Sagot muna bago magpatuloy sa pagbabasa).

Hindi ba't ang mga salitang "Kaya mo yan", "Lagi lang akong nandito. Susuportahan kita", "Laban lang! Kasama mo ako"?

Paano kung ang taong sinasabihan mo niyan ay sumasagot sa kanyang isipan ng "Hindi ko talaga kaya", "Pag kailangan kita nasan ka?", "Laban? Wala na nga 'kong maipanglalaban"?

Ano ang mararamdaman mo? (Sagot muna bago magpatuloy sa pagbabasa).

Kung malaman mo na kaya siya sumasagot sa isipan niya ng ganoong mga salita ay dahil alam niyang hindi mula sa puso mo yung mga pang-motiba mo sa kanya, anong mararamdaman mo? (Sagot muna bago magpatuloy sa pagbabasa).

Hindi ba't wala lang? Dahil wala ka naman kasi talagang pakialam.

Hindi tanga ang isang taong nakaranas na ng iba't ibang sakit.

Ang mga taong namamanhid na ay alam na kung sino ang totoo sa nagpapanggap lang.
Alam nila kung sino ang napipilitan lang silang samahan.

At dahil alam nila, mas lalong nadadagdagan ang sakit na nararamdaman nila.
Mas lalong nalulunod.

Yung tipong alam mo nang nalulunod pero hindi mo pa tulungan. Ano ngayon kung di ka marunong lumangoy? Edi maghanap ka ng taong marunong! Gising! Dahil sa kapag dumating ang panahon na ikaw naman ang nangailangan ng salitang iyan, hindi mo alam mas malala pa ang pwedeng mangyari saiyo.

_
Lahat tayo'y makakaahon.

THOUGHTS (Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon