VI: Luha
—————
Heto nanaman ako. Iniisip ka. Naglalakbay sa gitna ng dilim ng aking imahinasyon.
Imahinasyon na tayong dalawa ay masayang magkasama.Hindi matanggap na hanggang dito nalang talaga tayo. At sa bawat pagsampal sa akin ng reyalidad ay mas nadaragdagan ang pagluha.
Ako na naman ay lumuluha. Lumuluha kasabay ng malakas na pag-ulan sa labasan. Ako ay nalulunod. Nalulunod sa pakiramdam ng pag-iisa.
Hindi ko alam kung paano—kailan ako sasaya kung sa buhay ko'y wala ka na at kailanma'y 'di na babalik pa.
Luha na walang tigil.
Luha na kinalabasan ng mga sakit na tila ba wala nang makakapagpigil.