Dilim

130 2 0
                                    

XV- Dilim

—————

Noon, pinagtataka ko kung bakit hilig ko ang kulay itim,
Dilim ng kalangitan,
Lamig ng kapaligiran,
Katahimikan,
At ang pagiging mag-isa.

Pero ngayo'y alam ko na.

Simula noong ako'y naglakad ng mag-isa habang madilim, tahimik at malamig ang paligid,
Puno ng kasiyahan ang aking naramdaman.

Nagtaka kung bakit ngunit agad di'ng napag-alaman matapos magpatuloy ang ganoong eksena.

Habang ako'y naglalakad,
Aking naramdaman ang kalungkutan, kabiguan, pag-iisa, sakit at pagod.

Kalungkutan sapagkat may mga taong mahal ko ang muli nanamang lumisan.

Kabiguan, pagkat ang aking puso'y dinurog ng taong aking minamahal.

Pag-iisa dahil walang taong handang sa aki'y dumamay.

Sakit dahil sa mga problema'ng kinakaharap.

Pagod dahil patuloy kong iniintindi ang mga taong hindi ako maintindihan.

Dahan-dahan ang aking paglakad,
Nakayuko at tila ayaw nang harapin ang bukas,
Iniisip kung kailan ba ito magwawakas.

Sa kadilimang ito,
Saan ako tutungo?
Hanggang saan ako magpapatuloy?
Kailan ko maaabot ang liwanag?
Paano ko mararamdaman ang init ng kasiyahan?.

Itong lahat,
Bakit hindi pa ngayon matapos?

THOUGHTS (Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon