Chapter 4

78 11 2
                                    


MICHELLE POV

Lumipas ang maghapon ay gala lang ako ng gala... masakit na rin ang paa ko kakalakad… Ang saya pala mag-isa. Ang sarap palang maging MALAYA :D

Dahil pagod na ko ay huminto ako sa isang lumang simbahan… maganda yung simbahan.. kung siguro ikakasal ako ay umupo ako at nagdasal. Maya maya ay may batang lumapit sa akin. Aalukin niya ba ko ng sampaguita? Eh wala naman siyang dalang bulaklak.

“Hello po ate. Anghel po kayo?” sabi nung batang babae nasa 3 years old ata? Medyo bulul pa nga siya eh ang KYOT.

“Huh? Hindi eh…hehehehe. Nasan kasama mo? Dapat di ka humihiwalay sa kanila.”

“Diyan lang po ako eh…” turo niya sa malayo.. Saan kaya?

“Ahhh… hindi ka pa ba hinahanap sa inyo? 5PM na oh… magdidilim na mamaya.”

“Babay po Angel.”kumaway kaway pa siya sa akin bago tuluyang umalis. Ang cute naman nung bata na yun hahaha.

Padilim na din pala, buti na lang at bukas pa ang simbahan na pinagpahingahan ko. Ngayon ko lang narealize na gala ako ng gala eh wala naman akong matutuluyan. Tsss…. Saan ako matutulog? Sa kalye?

“Binibini…” isang binatilyo ang lumapit sa akin… base sa ayos niya eh mukha siyang naninilbihan sa simbahan.

“Bakit po? Magsasara na po ba kayo?” Nginitian niya lang ako at tumango… Napayuko na lang ako dahil di ko alam kung saan ako tutuloy ngayon…

“Ahh… kuya, may alam ka bang pwede kong matuluyan dito? HOTEL? O APARTMENT?”

“Upahan ho ba? Sigurado pong puno na po ngayon ang mga upahan, marami po kasing turista ang maagang nagsidating bago mag-pista sa linggo.”

“Ganun ba… Hayy…” malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko..

“Kung gusto niyo po ay ipakiusap ko po kayo kay Father na makituloy muna dito sa simbahan hanggang matapos ang pista?” nabuhayan ako sa sinabi ng binata.

“Talaga? Salamat ahh! Ano pa lang pangalan mo?” napangiti siya ng malapad.

“Angelo po. Tara po at puntahan natin si Father.” Pumunta nga kami kay father at pumayag naman ito. Nangako ako na tutulong sa Pista nila bilang kapalit ng pagtulong nila sa akin.. ayaw din kasi nila na magbayad ako ng Upa. Bukas daw lagi ang simbahan sa lahat ng nangangailangan.

Dalawang araw na pala ang preparasyon para sa Pista… lahat ay abala ng magising ako ng Umaga… tanghali na nga daw sa kanila ang gising kong alas syete. Ang oras daw kasi ng trabaho sa kanila ay alas kwatro. (-___________-) eh.... nasa dreamland pa ko nun hahahaha :D pero naintindihan naman ako ni Angelo at ni Father. Ang mga tao dito sa San Sebastian (simbahan) ay mababait.. nakakatuwa sila kasama.

Simula umaga eh nag-aayos na sila ng palamuti (decorations) sa entablado (stage) at pati na rin sa Altar.

“Ate Mitch.” Tawag sa akin ni Angelo, at pakilala ko sa kanila ay ako si Mitch Navarro bakasyunista. Papatawarin naman ako ni Lord kahit nagsinungaling ako… *SANA. Para lang di nila malaman kung sino talaga ako.. baka mamaya pa eh may maka-kilala sa akin.

“Bakit Angelo?”

“Pwede mo ba kong samahan sa Bayan? Kulang pa daw kasi yung bulaklak sa Altar sabi ni Father.”

“Ganun ba? Sige… Tara…” sumakay kami sa sasakyan ni Father… kaya lang walang Driver.

“Asan yung driver?” tanong ko kay Angelo. Pero parang siya ay di rin alam kung na saan yung driver.

“Hello Miss.. ngayon lang kita nakita dito sa amin ahh.. anong pangalan mo?” tanong ng lalaking kararating lang na di ko malaman kung saan talaga siya nanggalin.

“Kuya Bruno, si Ate Mitch yan. Tumutuloy muna siya sa simbahan dahil walang bakanteng upahan.” BRUNO naman pala … ang pangit ng pangalan hahahaha !

“Hi. I’m Mitch Navarro… alam mo ba kung nasan yung driver namin?”

“Ako na magddrive sa inyo Binibini…” taas baba pa ang kilay niya. Err… Okay.

“Tara na… kailangan na ata ni Father yung mga bulaklak.” Sabi ni Angelo at inalalayan akong sumakay.

Habang nasa byahe kami ay walang humpay ang pagkkwento ni Bruno ng mga kayabangan niya sa katawan. Nginingitian ko na lang siya kunyari ay nakikinig ako… Nang makarating kami sa bayan ay hinatak na ko ni Angelo sa bilihan. THANK GOD!

“Ate Mitch, ganun talaga si Kuya Bruno, maraming kayabanagan sa katawan. Wag ka na lang lalapit sa kanya ahh… may pagka-ano kasi yan si kuya eh..” hindi na natuloy ni Angelo ang sasabihin niya dahil nakahabol na amin si Bruno…
GAAAAHHHH !!!… nakakainis na yung presensya niya…

Ng mabili na namin ang mga kailangan pang bulaklak, ay pinagtulungan na nila Angelo at Bruno na buhatin iyon sa sasakyan.

Habang ako naman ay abala sa pagtingin-tingin ng mga bulaklak ay nabangga ko ang isang Lalaki. Ay hindi pala ako ang nakabangga. AKO ANG BINANGGA! Dahil na-out-balance na ko ay abang na abang na ko sa pagbagsak ko sa mga bulaklak.
NAPAPIKIT NA LANG AKO. Pero pinakiramdaman ko ang katawan ko kung babagsak na ko… bakit ang tagal kong bumagsak?

Dinilat ko nag mga Mata ko.. at nakita ko ulit si Mr.Business-Man-In-The-Bus. Titig na titig sa akin habang naka-alalay ang mga bisig nya sa likod ko. Kaya ako rin ay napatitig sa kanya..

MATAGAL NA ATA yung titigan namin? Kasi dumadami na ang tao. Di ko nga alam kung nangangalay na siya sa pwesto namin? Kasi halos lahat ng bigat ko nasa bisig niya.

“Wag ka masyadong tumitig. Baka mahulog ka.” Pagkasabi ko nun ay agad naman siyang bumalik sa huwisyo at inayos ang sarili…

Naka-sando at Shorts lang pala ito.. Mas kita tuloy ang Built ng katawan niya.. MACHO. Hahaha jk lang.

“Ahm.. Sorry…” nahihiya niyang sabi… saka bumalik sa pagtingin ng bulaklak. Hindi pa rin nawawala ang mga tao… para silang nanunuod ng Dramarama sa hapon?

“Okay lang.. Sorry din.”

“Nakakakilig! May shooting ba? Sila ba yung ipapalabas na bago sa T.V.”—narinig kog sabi nung tindera.

“Hindi mare! Si Senyorito Christian kaya yan… Baka GIRLFRIEND niya yung babae.”—komento pa nung isang tinder.

“Ale, hindi ko po siya BOYFRIEND. Ni hindi ko nga po siya kilala eh.” Paliwanag ko sa tinder.

“Christian nga pala.” Sabay lahad ng palad niya, di pa pala siya umaalis.

“I’m Mitch Navarro.” At nakipagshakehands sa kanya…

“So? Nagbabakasyon ka dito? May kamag-anak ka ba dito?” tanong niya.

“Wala akong kamag-anak dito… gusto ko lang umalis sa amin, magbakasyon, magliwaliw, magpahangin.”

“Ahh… kung ganun? Mag-isa ka lang?”

“Oo.”

“ATE MITCH!” Tawag sa akin ni Angelo mula sa malayo.

“Alis na ko Christian.. tinatawag na ko ng kasama ko. Salamat pala kanina.” Pagkatapos ng small talks ay iniwan ko na si Christian.

“Kilala mo na pala si Senyorito Christian?” Tanong sa akin ni Angelo.

“Hindi, nakasabay ko lang siya sa Bus papunta dito. Ngayon ko lang din nalaman ang pangalan niya eh.”

“Ahh… mabait yan si Senyorito… ang kisig niya pa.”

“Tama na nga yan ANGELO! Tsk.” Naputol si Angelo sa pagkkwento dahil sa nakakabwisit na mukha ni BRUNO. Base sa mukha ni Bruno ay galit siya? Bakit kaya?

Hinawakan ko na lang ang kamay ni Angelo para senyasan siya *MAMAYA-IKWENTO-MO.

Nakabalik na kami sa simbahan at ipinagpatuloy namin ang pag-aayos ng altar.

----
A/N: waaaaahhh ! Wala lang sige magbasa lang kayo hahahaha 😂😂😂👊
~Hyper'Ow (Sea)

#TWYLAM

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon