Chapter 8

73 9 0
                                    


CHRISTIAN POV

Papunta na kaming mansyon ni Mitch, papahiram ko sa kanya ang gamit ni Sea, sigurado naman na hindi yun magagalit sa akin. Hiram lang naman. Habang nasa sasakyan kami, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nalaman ko sa kanya, mas lalo tuloy akong nacurious kung sino ba talaga siya… SOBRANG interesado na ko sa buhay niya…

“Dito na tayo.” Sabi ko sa kanya, hindi siya na gulat sa nakita niya… Siguro sanay na siyang makakita ng Mansyon sa Maynila.

“Ang laki pala ng Mansyon niyo.. ilan kayong nakatira dito?” tanong niya…

“Si Lolo lang talaga ang nagstay dito, kasama ang mga katulong.” Napatango tango na lang siya. Hinawaka ko siya sa kamay para hatakin sa kwarto ni Sea.

“Apo? Sino yang kasama mo?” si Lolo… nasa hagdan na kami ng makita niya kami. Binitawan ko naman ang kamay ni Mitch, bumaba ako para magBless.

“Lo, si Mitch pala.. kaibigan ko.”

“Hello po,.” Nakangiti si Mitch at bumaba na rin para magmano.

“Siya na ba ang magiging asawa mo? Tatlong araw pa lang nakahanap ka na agad.” Natutuwang sabi ni lolo.

“Lolo, hindi po, nagkakamali po kayo… “ magpapaliwanag sana ako ng magsalita si Mitch.

“ASAWA? Ako po? Hahahhahaha.” Grabi ang tawa ni Mitch. Anong nakakatawa dun?

“As I was saying… hindi po siya… Ahmmmmm andito po siya para manghiram ng damit para sa sayawan mamaya.” Napatango tango na lang si lolo habang nakatitig kay Mitch.

“Christian, if ever na siya ang mapapangasawa mo ay hindi ako tututol, siguradong magiging maganda at gwapo ang magiging apo sa inyo.” Napatigil sa pagtawa si Mitch ng sabihin yun ni Lolo.

“Tara na nga Mitch, Lolo, matagal pa yan. Wag nyo kaming pangunahan.” Hinatak ko na si Mitch na nakatulala sa sinabi ko. Nasa kwarto na kami ni Sea ng magsalita siya.

“Anong WAG PANGUNAHAN ? AT MATAGAL PA YAN?” Nakakatuwa yung ekspresyon ng mukha ni Mitch namumula pa sya.

“ANO? Wala naman akong sinabing masama kay Lolo ahh..” Hindi rin magtatagal eh magiging Girlfriend naman kita.. kahit pa hindi pa kita lubos na kilala.

“Tsss…. Ewan ko sayo.” Matapos nyang sabihin yun ay pumasok pa kami sa walking closet ni Sea, namangha siya sa dami ng gamit…

“Bahala ka dito ahh.. pumili ka nang kahit ano dyan.” Sabi ko, at iniwan ko na siya…

“At isa pa pala, wag mo kong pag-hintayin ng matagal ahh.” Pagksabi ko nun, tuluyan ko ng isinara ang pinto.

MICHELLE POV

Iniwan na ko ni Christian sa malaking CLOSET. Nakakaloka ituu! Parang namiss ko ang mga gamit ko sa Manila. Inisa-isa ko ang mga damit… Siguradong Fashionista ang may-ari nito. NapakaGanda ng Taste niya sa damit. Pumili na rin ako ng susuotin mamaya… Nang makapili na ko ay naalala ko na naman ang sinabi ni Christian. “….wag mo kong pag-hintayin ng matagal ahh.” Napangiti na lang ako ng maalala ko yun… parang double meaning kasi! HAYAAN nyo na nga.

Nagbihis at nag-ayos na ko... pati make-up at heels dito ginamit ko na… pati accessories… di kaya magalit sa akin ang may-ari nito? Teka? Sino bang may-ari nito?

Lumabas na ko dahil tapos na ko mag-ayos.. nakita ko naman agad sa baba si Christian, nakabihis na din ito.. may kausap siya sa Cell Phone ng maabutan ko siya.. dahil nakatalikod siya ay di niya ako agad nakita.. narinig ko tuloy yung pag-I-LOVE-YOU niya sa katawagan niya… TSSSS…. Mukhang may Girlfriend na siya…

“Hello…” kunyari di ko na lang narinig…

“Oh, tapos ka na pala. Tara na?” Tsss… di niya man lang napansin ang suot ko… eh baka naman kasi mas maganda ang fitting nito sa GF niya.. sa GF niya siguro yung kwarto na yun…

“Oh, bat nakabusangot ka? May problema ba?” tanong niya… MANHID. Manhid ka. Yun yung problema ko. Pinapunta niya ba ko sa mansyon para di mag-assume? At ipakita na may GF na siya..? kaya pala sabi niya hindi ako yung ASAWA na tinutukoy ng Lolo niya… Bat nga ba ko nagkakaganto? Eh Ano naman sa akin kung may GF na siya.. hindi naman nakakapagtaka sa kanya kung may GF siya… Mayaman at Gwapo siya… malamang sa malamang eh marami siyang babae.

“Wala.. may naalala lang kasi ako.” Pagdadahilan ko.

“Ano naman naalala mo?”

“Si Lolo, namimiss ko si Lolo.” As if naman na talagang namimiss ko si Lolo. LOL xD

“May Lolo ka?”

“Meron. Kakasabi ko lang diba.” Nagulat siya.. di niya siguro inaasahan ang sagot ko.

“Okay. Pagod ka na ba? Pwede naman di na tayo pumunta sa sayawan. Hatin na kita sa simbahan.”

“Okay lang ako.. gusto ko din naman maranasan ang sayawan sa probinsya. Kaya tutuloy tayo. O kung gusto mo ihatid mo na lang ako dun at umuwi ka na. mukhang ikaw yung pagod eh.” Sabi ko. Di ko mapigilang di mainis… Ano bang nangyayari sa akin? Di naman makapaniwala ang reaksyon ni Christian.

“Hindi, sasamahan na kita. Baka mamaya kung mapano ka pa.” sabi niya pa.

“Bakit Christian? Mukha ba kong magdadala ng gulo sa sayawan nay un? Sasayaw lang naman diba? Di mo na ko kailangan pang samahan.” Naiinis na talaga ko. Meron na ba ko kaya ako ganito?

“Okay ka lang ba talaga? Ano bang problema mo?” sakto naman nasa tapat na kami ng entrance ng sayawan. Bumaba na ko ng di nagpapaalam sa kanya. NAIINIS ako. Bumaba na rin siya ng sasakyan. Tinawag niya pa ko pero di ko na siya pinkinggan. Dirediretso na lang ako sa loob.

Maraming tao. Malakas ang tugtugan. Parang nasa Club ka pero Open Field. Maraming lalaki ang bumati sa akin. Nag-Hi’ ako naman di sila pinansin. May nakita akong bakanteng upuan. Umupo muna ako at kinalma ang sarili ko. Di ko alam kung sumunod ba si Christian. WALA AKONG PAKIALAM SA KANYA. Maya maya pa eh may tumabi sa akin.. isang babae, magandang babae.

“Hi? Bago ka dito?” tanong niya sa akin. May dala rin siyang inumin. Inalok niya ako. Tinanggap ko naman.

“Bakit di ka makipagsayaw? Maraming nag-aaya sayo kanina ahh?” dagdag niya sa tanong niya.

“Ayako sumayaw. Wala ako sa mood. Ako nga pala si Mitch. Ikaw? Anong pangalan mo? Bakit di makipagsayaw?” itinuro ko pa nag dance floor.

“Ako si Lexie… ayaw ko din sumayaw. Hahaha napilit lang ang ni tatay na pumunta dito.” Ininom ko yung inabot niyang inumin. BAT GANTO LASA NITO? Nakita naman niya ang reaksyon ko. Halos mapapikit ako sa PAKLA at hagod nito sa lalamunan.

“Mapakla talaga yan.. natural na alak yan eh.. Lambanog.” Ahh alak pala.. malakas kaya tama nito?

“Mas matapang yan kesa sa mga inuming nabibili sa tindahan. Libre lang din yan dito.” Itinuro niya pa kung saan makakakuha.

“Salamat Ahh…” sabi ko sa kanya. May mga lumapit na naman na mga lalaki sa amin. Inaaya ako at pati siya pero tinanggihan namin. Nag-usap na lang kami dalawa, marami akong nalaman tungkol sa kaniya at sa pamilya ng mga King’s. Isa pala siyang Mekaniko dahil yun din ang trabaho ng tatay niya, nakakatuwa na makakakilala ako ng Babaeng mekaniko. Nag-iisa rin ang talyer nila sa probinsya kaya lahat ng mga sasakyan o makina sa kanila rin ipinapaayos.

“Si Senyorito Christian, mabait na senyoorito namin yan. Seryoso sa negosyo. Magaling sa lahat ng bagay. Yung kapatid niyang si Sea, nag-aaral ngayon sa Maynila. Kaibigan ko yun. Mababait ang mga King’s kaya swerte ang mga taong malapit sa kanila. Kaya mahal na mahal sila ng mga tagarito.” Dagdag na kwento ni Lexie.. halata ko na lasing na siya..

“Hehehehehe ghanun bha? Anhong shabeh mho?… hik. Hik. Khapatidh Nhino?” Nahihilo na ko. Pero tama naman siguro ako ng dinig.. KAPATID NIYA YUNG SEA.

Dahil sa hilo ko di ko na alam yung iba pa niyang sinabi… Basta na blanko na ko… NAKATULOG na ko.

---
A/N: May Episode 20 na ang The Legend of the Blue Sea ! The Last Episode 😭😭😭
Nuod na guys 😉
-LNWP

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon