Chapter 24

69 8 0
                                    

CHRISTIAN POVs

*Ring...
*Ring...
*Ring...

"Bakit kuya?"

"Hi Sea... can we talk? are you free?"

"Tonight kuya?"

"Yeah... if its okay?"

"Hmmmmm... okay." pagkatapos nun binaba na niya... Nagpaalam na ko kay Michelle na pupunta ako kay Sea. Pagdating ko sa bahay ni Sea. nakita ko agad siya sa pintuan.

"Long time no see kuya..." nakangiting bati niya sa akin kahit alam kong pilit lang iyun... Napabuntong hininga na lang ako.

"Sea..."

"Pasok ka muna kuya, tamang tama may sasabihin din ako sayo." pumasok na nga kami at dumiretso sa kusina, sakto dinner na pala, naghanda pala siya sa pagdating ko.

"Pwede naman tayong mag-usap habang kumakain... hmmmmm, sino pala gusto mong mauna? ako o ikaw?"

"Ako na lang..." tumango tango siya bilang pag-sang-ayon.

"Sea, I'm sorry kung wala akong magawa sa desisyon ni Lolo. Alam kong alam mo naman na hindi basta basta nababali ang mga desisyon na ginagawa Lolo. At isa pa, tiwala naman ako kay Joshua para sayo... I train him to become a MAN. A real one. I Train him not just for business but to become perfect for you."

"I know kuya... hindi naman na ko tumatanggi, alam kong darating talaga ang araw na kailangan ko lang sumunod, sa tanang buhay ko ngayon lang humiling si Lolo sa akin. Tatanggihan ko pa ba?" napangisi siya habang sinasabi niya yun.

"Ang di ko lang naman matanggap kuya bakit yung pagpili ko pa ng papakasalan? hindi ba pwedeng iba na lang ang hilingin ni Lolo?" malalim na buntong hinga ko lang ang sagot ko sa kanya. kahit kasi ako di ko alam ang isasagot sa kanya.

"Anyways... that issue may settle after of my last wish." nagtaka ako. LAST WISH?

"Huh? what do you mean by 'last wish'?"

"Mag-aaral ako sa ibang bansa... I want to graduate and be part of the broadway."

"Anong sabi ni Lolo tungkol sa desisyon mo?" sigurado kasi na hindi papayag si Lolo dahil ayaw nitong malayo sa kanya... kahit nga ang pagStay niya mag-isa rito sa Manila ay tutol siya, pag-alis pa kaya ng bansa?

"I made a deal." nagulat ako. hindi dahil aalis na talaga siya, kundi she's sound a business, bagay alam kong hindi naman talaga siya ganun mag-isip..

"So.. kailan ang alis mo?"

"After your proposal to Ms. Michelle Panganiban." So, hindi niya pa rin pala sinusukuan ang plano namin. humingi kasi akong ng tulong sa kanya tungkol sa proposal, and she volunteered everything about it, kahit na ideya lang talaga ang hiniling ko sa kanya.

"Anong iniisip mo kuya?" matagal na pala akong tahimik.

"Wala naman... akala ko kasi hindi na matutuloy yun dahil galit ka sa akin."

"Hahhahaha Hindi ako ganyan kuya, pag-sinabi ko sinabi ko... nangako ako sayo ng engrandeng Proposal Plan. So dapat nandun ako para masaksihan lahat, bago man lang ako umalis." natapos na kaming kumain. idinetalye na rin ni Sea lahat ng tungkol sa proposal. after Sem plano gawin para sabay sa summer vacation. Its a beach proposal plan. tulad ng naunang plano. Pagkatapos pag-usapan ang mga plano at detalye nagpaalam na rin ako. inihatid niya lang ako sa sasakyan ko.

"Bye Sea..." niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko.

"I miss you princess, sorry kung walang magawa si kuya." mas lalo ko pang hinigpitan ang pag-yakap sa kanya dahil ramdam kong paiyak na siya.

"Salamat kuya.. sorry din kung nagalit ako sayo. pero ngayon okay na ko... kita na lang tayo sa Resort ahh." yun lang at tuluyan na ko nagpaalama sa kanya..

------- Michelle POVs

Nagising ako ng mga 7:00am... wala sa tabi ko si Christian... teka? umuwi ba siya? tumingin tingin pa ko sa CR at pinto ng kwarto, baka kasi nandun siya. Pero wala... napalingon ako sa side table. may Note na nakalagay.

"Hi Mich, take your breakfast before anything else... maaga akong umalis para sa trabaho." napangiti ako. maaga pala siyang umalis... di man lang ako ginising, di ko kasi namalayan yung pag-uwi niya kagabi... Hayy.. ano kayang gagawin ko ngayon? Pagbaba ko nakahain na sa mesa yung almusal ko, may note ulit.

"Eat well my future wife" napangiti ulit ako (/////////) ano ba toh! kinikilig ako !

"FUTURE WIFE DAW!" kaya kumain na ko... saktong pagkatapos kong kumain may nagdoorbell... pagbukas ko ng pinto.. (O_____O)

"MICHAEL?" huling naalala ko na kasama ko si Michael ay nasa America kami. nakausap ko nga din ang parents niya dun.. naging okay naman ang pagstay ko dun kahit ang kulit ni Michael. FRIENDS na ulit kami. Ang nakapagtataka, anong ginagawa niya dito sa Pilipinas?

"Yeah... Good Morning Chelle." malapad na ngiting bati niya sa akin.

"Kailan ka pa nakabalik?"

"3 days ago... Hmmmmm pwedeng pumasok?"

"Ayy! oo nga pala, pasok ka. kamusta ? nag-almusal ka na ba? gusto mo paghainan kita?"

"Hindi na. tapos na rin naman ako kumain... nandito lang naman talaga ko para dalawin ka."

"Pano mo nga pala nalaman na nandito ako?"

"Sa Lolo mo."

"Ahhh..." nagulat ako ng pitikin niya ang noo ko.

"Aray naman Michael! masakit yun ahh!"

"Hahahaha nakakatawa kasi yang mukha mo! para kang nakakita ng multo"

"Tsss... baliw..."

"Ikaw lang mag-isa dito?"

"Hindi."

"So, may kasambahay ka pang kasama bukod kay Christian?" (O____O)

"Panong...?" pinitik na naman niya ang noo ko.

"Pano ko nalaman? Hahahaha! ayusin mo nga yang mukha mo xD"

"nakakadalawa ka na ahh!"

"Hahahaha! Magbihis ka na nga!" tinulak tulak niya pa ko.

"Bakit? san tayo pupunta?"

"Sa Lolo mo...."

"Anong gagawin natin dun?"

"Gusto kang makausap ng Lolo mo... alam na rin ni Christian toh, pero di niya alam na ako ang sumundo sayo... kaya bilisan mo na!" todo tulak na siya sa akin.

"OO! ETO na nga! wag mo na akong itulak! maghintay ka dyan sa sala!" Nang makabihis ako, agad kaming pumunta sa kotse niya...

"Bakit ba ko pinasundo ni Lolo sayo?"

"Basta... malalaman mo na lang kapag andun ka na."

Nasa byahe na kami, iniisip ko pa rin kung bakit ako pinatawag ni Lolo....
Hmmmmmm....


[To be continue]

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon