Chapter 22

74 10 0
                                    

MICHELLE POVs

Nasa tapat na kami ng bahay niya... 4am na... hayy mukhang di na ako makakatulog nito...

"Chris..."

"...." natutulog (-______-)

"Chris..." ginigising ko siya... bumaba na rin ako ng sasakyan at pumunta sa pwesto niya...

"Chris... bumngon ka na dyan.. di kita kayang buhatin..." unti-unti naman siyang dumilat.

"Senyorito, andito ka na po sa bahay mo... bilisan mo na't gusto ko na din umuwi." tumayo na siya. isinara ang pintuan ng kotse ko. babalik na sana ako sa driver seats pero hinatak niya ko papasok ng bahay niya...

"Ano ba Chris? Di na ko magtatagal... uuwi na ko... may trabaho pa ko mamaya..." di siya nagsalita. dirediretso lang siya at hatak-hatak ako... wala naman akong magawa kundi bungangaan siya. Mas malakas kaya siya kesa sa akin. ang laking tao/lalaki niya pa.

"AYYT!" hatakin at itulak daw ba ko sa kama niya! para akong bagay na inihagis niya sa kama...

"CHRIS! ANG SAKIT AHH! Makahatak at tulak ka naman..." bigla akong kinabahan... ngayon lang nag-sink-in sa akin kung nasaang sitwasyon ako... nasa kama ako, nasa bahay niya.. NASA KWARTO NIYA! Tatayo na sana ako pero ni-lock na niya yung pintuan at dinamba ako, para pareho kaming makahiga...

"Chris... uuwi na ko..."

"Nakauwi ka na..."

"Bahay mo toh... di ko toh bahay..." tatayo pa sana ko ulit pero nakapulupot na yung braso niya sa bewang ko..

"Bitiwan mo nga ko! Uuwi na ko! ISA CHRIS!"

"Dito ka na matulog..." tiningnan ko siya... nakapikit na siya...

"Hindi pwede... hahanapin ako ni lolo..." dumilat siya... pero di niya pa din ako binibitawan... kinuha niya lang pala sa bulsa yung phone niya at may dinial...

"Hello, Sir. Yes. Its me... sa akin na po muna si Michelle. Yes po. Yes. Okay po." pagkatapos nun inilagay na niya sa side table yung phone niya...

"Sino yun?"

"Lolo mo." (O_______O)

"ANO?!"

"Ang ingay mo naman Mich. Gusto ko na matulog."

"Anong sabi ni Lolo..."

"Matulog na tayo.."

"Ano muna sabi ni Lolo?!"

"Gumawa na daw tayo ng apo niya..."

"G*GO! Seryoso ano ngang sabi" napabangon siya at umibabaw sa akin.

"Minumura mo ba ko young lady?" nanlaki ang mata ko... OPPSS... Mukhang galit na si Christian.

"Ahh..ano.. hindi ahh... nagtatanong kasi ako... tapos... ano bang ginagawa mo?!" naghubad ba naman sa ibabaw ko.. yung pangtaas lang naman na damit niya...

"Ginagawa ko... yung utos ng lolo mo."

"G*go! tigilan mo nga yan!" *Tsup! hinalikan niya ko! smack lang naman pero napahinto ako...

"Isa pang mura mo tototohanin ko ang utos ng lolo mo..." humiga ulit siya at niyakap ako... nakahawak pa rin ako sa labi ko... pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko... waaahhh!

"Wag mong pigilan ang kilig mo... matulog na tayo" ramdam ko ang paghinga niya, ang lapit kase ng mukha niya sa leeg ko.. ano ba toh! nakakadagdag ng init sa pakiramdam.

"Chris..."

"Hmmmmmmm...."

"Ang init kasi... pwede bang umurong ka.." umurong nga siya.. pero yung urong na mas lalong dikit sa akin.. mas niyakap niya pa ko...

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon