Chapter 11

75 10 0
                                    


Christian POV

Nakasakay na ko ngayon sa Helicopter, alam na ni Lolo kung saan at sino ang makakausap ko.

Malalim ang tingin niya sa akin, mukhang alam na niya kung anong pag-uusapan namin.

Paglipad namin, tanaw ko ang lawak ng aming probinsya, lalo na ang hacienda. Natanaw ko pa nga si Mitch na palabas ng simbahan. Sana magkita pa kami. Parang pakiramdam ko ito na ang huling pagkakataon para makita ko siya. Sigurado kasing magiging busy na naman ako sa
kumpanya namin.

Ilang minuto lang ay nasa airport na ako, nakaabang naman ang isang private plane. At tulad ng nauna, may tatak itong “M”, matapos ang maikling oras ng byahe nasa korea na ko.

Sumakay naman kami sa isang itim na sasakyan. Didiretso agad sa kumpanya ng mga Minn. Nang huminto kami, isang nakakalulang gusali ang natanaw ko. Hindi ako makapaniwala na nasa sentro ako ng siyudad ng Korea, at nasa tapat mismo ng napaka taas na building, siguro ay
nasa 30 floors ito? Di ko sigurado.

Ng papasok na ko, marami naman ang nakaabang at nakasunod sa akin. VIP Treatment? Agad naman akong ginuide ng isa sa mga tauhan ni Mr. Minn sa private elevator. Ng makakaakyat kami, isang malawak na opisina ang tumambad sa akin. Lahat ng kasama ko sa loob ng
elevator kanina ay pumunta na sa kanya kanyang posisyon. Para silang mga robot na awtomatikong gagalaw at hihinto.

“Mr. Minn, Mr. Christian is here.” sabi ng isa sa mga nakasuit malapit sa kanya. Nakatalikod kasi ang swilvel chair nito. Halatang tinatanaw nito ang magandang liwanag ng syudad. Gabi na rin kasi ng makarating ako kaya kahit ako ay namangha sa ganda ng Korea. Nasa itaas pa kami kaya matatanaw mo ang City.

“Ehem… Good Evening Mr. Minn.” napalunok pa ko nyan.

“Good Evening Christian.. Siguro nagtataka ka sa biglaan kong pagpapatawag sayo.”

“No worries sir, basta business…” naputol ako sa sasabhin ko.

“Hindi business ang dahilan kung bakit kita pinatawag.”

“Ahmm.. ano po pala ang kailangan niyo.”

“Gusto kong turuan mo ang apo ko sa business… Kilala mo naman si Joshua diba?’ tumango ako bilang sagot. Si Joshua Sarmiento anak ni Ms. Misha Sarmiento. Adopted ni Mr. Alex Minn. Isang Racer, Model at studyante. Nakakapagtaka lang na ako ang napili ni Mr. Xander Minn na
magturo sa apo niya…

“Alam kong nagtataka ka… You know the character of my grandson, He’s too stubborn and very harsh person. But I like his character of being eager. He has this personality of being on Top. Kaya gusto ko siya sayo ipagkatiwala. Bukod kasi na ikaw ang Top Businessman at very young
age, I know my grandson will learn a lot from you.” na overwhelmed naman ako sa mga sinabi ni Mr. Xander.

“Can you do it Mr. Christian? Or you want me to deal with something?” BUSINESS marinig ko lang ang ‘DEAL’ napapaisip na ko ng magandang ‘DEAL’.

“You know Mr. Xander, I can help your grandson… but there is one thing I want to have…”makahulugan ko siyang tingnan.

“I know what you want.. The investment? Napag-usapan na namin ni Mr. King yan kanina.”

“Then we have a deal.” nakipagkamay pa ko sa kanya.

“May isa pangdeal na sinettle ako sa Lolo mo…” nagtaka ako kung anong deal pa ang meron sila ni Lolo. Pero sigurado ako na pabor yun sa amin.

“Anong deal pa po yun Mr. Xander?” napangiti siya. Ngiting nakakapanghinala.

“Your Sister and my Grandson marriage.” nagulat ako… TOTOO ba toh?

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon