Chapter 19

63 9 0
                                    

Third Person POV

Nagising si Michelle. Pamilyar na lugar ang bumungad sa kanya... Nakita niya ang mga nakakabit na aparato sa kanya. Dama niya rin ang panghihina.

Inalis niya ang oxygen mask para tawagin si Christian...

"Chris? Chris?" Maya maya ay bumukas ang pinto... Nakita niya si Michael.

"Michelle... Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Nasaan si Christian?" Naalala kasi nito ang boses ng tumatawag sa kanya kanina. Ang dahilan kung bakit siya humihinga ngayon.

"Umalis siya... Biglaan lang..."

"Saan siya pumunta?"

"Korea... May aasikasuhin daw siya... Importante daw."

"Mas importante pa sa akin?" Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkadismaya kay Christian.

Natahimik naman si Michael. Di nito alam kung anong dapat na isagot.

"Nga pala... Babalik na ko ng America."
Kasabay ng pagsasabi ni Michael ang pagbukas ng pinto ng kwarto at pumasok ang mga body guard, nurse at doctor. Huling pumasok si Don Juan.

"Gising ka na pala Iha. Alam mo bang tinakot mo kaming lahat." Di pinansin ng dalaga ang sinabi ni Don Juan. Nagpatuloy sa pagsasalita si Don Juan.

"Michael... Buti andito ka pa.. sumabay ka na sa amin." Agad na lumapit ang mga nurse at doctor kay Michelle para iayos ito at ilipat sa isang stroller.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa America apo."

"Hindi! Hindi ako sasama sa inyo!"

"Iha. Wag matigas ang ulo..."

"No Lo! Alam ba toh ni Christian?!"

"Oo apo. Alam ni Christian na kukunin kita. At pumayag siya." Umiiyak na ang dalaga. Pero dahil sa panghihina ay nailagay na siya sa lilipatan niyang kama.

"Bakit? Bakit siya pumayag? Anong sinabi niyo sa kanya? Tinakot niyo ba siya Lo?"

"Apo... Huminahon ka.. makakasama sayo ang umiyak ng umiyak... Baka di kayanin ng Baga mo." Lumapit naman si Michael kay Michelle.

"Don't worry Michelle. I'll be at your side."

"No! I don't want you Michael! I love Christian!" Hindi tumigil sa pag-iiyak si Michelle. Habang umiiyak siya ay tinurukan na pala ng isa sa mga Doctor yung swero na nakakabit sa kanya dahilan para kumalma ito at makatulog.

Habang natutulog si Michelle ay binuhat na siya papuntang Private Helicopter ng Panganiban. Kasama nilang umalis si Michael.
------

MICHELLE POV

Nagising ako... Puro puti lang ang nakikita ko... Naalala ko yung mga nangyari kanina. Napaiyak na naman ako.

"Iha?! Are you okay? Why are you crying? Is there something hurt in you? Tell me?" Si Lolo pala nasa gilid ko lang.

"Is it true? Christian let me go?" Talaga bang hinayaan ni Christian na maghiwalay kami?

"Yes Iha... But..." Naiyak na ko.

"Bakit Lo? Anong ginawa niyo?" Alam kong hindi basta basta susuko si Christian... Sigurado akong may ginawa si Lolo.

"I need you here apo... May usapan na kami ni Christian."

"Anong usapan Lo?"

"Just give me few months apo. I'll tell you everything after Christian do his job."

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon