Chapter 9

67 9 0
                                    


CHRISTIAN POV

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang naging ganun ang pakikitungo sa akin ni Mitch... may nagawa ba ko? May nasabi ba ko sa kanya?

"Hello..." sabi ni Mitch. Tumatawag si Sea sa akin ng dumating siya, di ko namalayan na andun na pala siya.

"Oh, tapos ka na pala. Tara na?" sabi ko na lang at ibinaba ko na rin ang tawag ni Sea, nangangamusta lang ito at namimiss na daw kami ni Lolo. Pagkasakay namin ng sasakyan napansin kong tahimik siya.

"Oh, bat nakabusangot ka? May problema ba?"

"Wala.. may naalala lang kasi ako." Sagot naman niya.

"Ano naman naalala mo?"

"Si Lolo, namimiss ko si Lolo." So may lolo rin pala siya.. naalala niya siguro yung Lolo niya kay Lolo kanina kaya niya namiss ito.

"May Lolo ka?"

"Meron. Kakasabi ko lang diba." Nagulat ako sa way ng pananalita niya. May mali ba sa tanong ko?

"Okay. Pagod ka na ba? Pwede naman di na tayo pumunta sa sayawan. Hatid na kita sa simbahan." Alok ko sa kanya, malamang pagod lang siya kaya ganyan siya magsalita.

"Okay lang ako.. gusto ko din naman maranasan ang sayawan sa probinsya. Kaya tutuloy tayo. O kung gusto mo ihatid mo na lang ako dun at umuwi ka na. mukhang ikaw yung pagod eh." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.. ano bang ginawa ko? Parang inis na inis siya sa akin? Kayo nga readers? Sabihin niyo kung anong nagawa kong mali para itama ko na ngayon pa lang (OTOR: SHADAP! Walang readers na sasagot sayo. Wala naman nagbabasa neto eh.) GRABEH SI OTOR! Oo na! di na ko magtatanong... pero... ano ba talagang nagawa ko?

"Hindi, sasamahan na kita. Baka mamaya kung mapano ka pa." sabi ko sa kanya, nag-aalala ako sa kinikilos niya ngayon. Kalian lang naman kami nagkakilala pero parang matagal na siyang kilala ng PUSO ko. (OTOR: SHEDA! Daming alam! Tuloy mo na lang ang pag-amo kay Mitch Baby) paano mo siya naging BABY OTOR? (OTOR: Nagseselos ka? Gusto mo wag ko ng ituloy toh?) Sabi ko nga BABY mo siya eh.. Labyu OTOR. Tuloy na ang kwento? HAHAHAHA *Fake Laugh sa ISIP. (BALIW)

"Bakit Christian? Mukha ba kong magdadala ng gulo sa sayawan na yun? Sasayaw lang naman diba? Di mo na ko kailangan pang-samahan." Sabi ni Mitch, Inis talaga siya sa akin. BAKIT? BAKIT? Inaalala ko lang na baka pagkaguluhan siya ng kalalakihan dun. Ang ganda niya kaya.

"Okay ka lang ba talaga? Ano bang problema mo?" Inihinto ko ang kotse, sakto naman nasa tapat na kami ng entrance ng sayawan. Agad niyang binuksan ang pinto at lumabas na. sinubukan ko pa nga siyang habulin. Pero dirediretso lang siya at parang di narinig ang pagtawag ko.
Inayos ko na lang ang pagPark ng Kotse ko at pumasok na rin sa loob. Hinanap k agad siya.. pero dahil maraming tao, di ko agad siya nakita.

Nakita ko si Bruno na nakangisi. Lumapit pa nga ito.

"Magandang Gabi Senyorito. Mukhang galit si Mitch sayo ahh... anong ginawa mo sa kanya?" nakita niya siguro kami kanina sa labas.

"Wala ka ng pakialam kung may away kami. At kung ako sayo lalayuan ko na si Mitch dahil akin siya." Sabi ko ng walang emosyon sa kanya.

"Tsss... hindi mo naman siya Girlfriend, ni hindi mo rin siya ASAWA. Kaya wala kang karapatan para talian siya."

"HINDI PA sa ngayon. SOON. She'll be mine. She will be the queen of the KING'S" Sabi ko at tinalikuran na sya.. nakakaubos ng oras ang kausapin si Bruno.

Hinanap ko siya sa mga nagsasayaw, baka mamaya eh may kasayaw nang IBA yun. Tsss... ITUTULAK ko talaga kung sinong lalaki ang hahawak sa kanya.
Dahil di ko siya makita sa Dance Floor, hinanap ko siya sa mga nakaupo sa gilid, baka mamaya eh may kausap na IBANG LALAKI yun.

Matagal bago ko siya mahanap, pero nakita ko naman siya.. at buti na lang hindi LALAKI ang kumakausap sa kanya.. si LEXIE, yung kaibigan ni SEA. Mukhang lasing na silang dalawa, halata naman sa ikinikilos nila... nakailang BOTE ba sila ng LAMBANOG? Narinig ko pang usapan nila.

"Si Senyorito Christian, mabait na senyoorito namin yan. Seryoso sa negosyo. Magaling sa lahat ng bagay. Yung kapatid niyang si Sea, nag-aaral ngayon sa Maynila. Kaibigan ko yun. Mababait ang mga King's kaya swerte ang mga taong malapit sa kanila. Kaya mahal na mahal sila ng mga tagarito." Napangiti lang ako sa kwento ni Lexie kay Mitch, sa pananalita niya ay parang hindi pa siya lasing pero yung totoo lasing na yan.. namumula na oh hahaha. Si Lexie ay kasing edad lang ni Sea. (19)

"Hehehehehe ghanun bha? Anhong shabeh mho?... hik. Hik. Khapatidh Nhino?" sabi ni Mitch. Eto siguradong lasing na... halos nakahiga na yung ulo niya lamesa eh... nabitawan na rin niya yung boteng hawak niya.. NAKATULOG na ang Reyna.

"Lexie... ihatid na kita. Ako na din maghahatid kay Mitch."

"Sige po BOSS." Nakangiting pagsang-ayon ni Lexie, nagsaludo pa ito. Matibay din pala sa alak tong si Lexie.. hindi halata ang pagkalasing niya.

Naglakad na kami ni Lexie papuntang sasakyan, habang si Mitch naman ay tulog na tulog, binuhat ko na lang siya. Magaan lang naman siya eh.

Nung nakasakay na kami. Nagsalita pa si Mitch.

"KAPATID? KAPATID lang pala? hehehehe" kung ano ano na pinagsasabi nito sa sobrang kalasingan.

"Senyorito? Kilala niyo po pala si Mitch?" tanong ni Lexie.

"Oo... nakasabay ko siya sa Bus."

"Ahh... ganun po ba.. akala ko Girlfriend niyo po siya." Napangiti ako sa IDEYANG GIRLFRIEND ko siya.

"Hindi, teka. Alam bang tatay mo na uminom ka ng alak?"

"Hihihihihi hindi po. Siya naman nagpapunta sa akin doon eh... hihihihihi naparami na pala nainom naming ni Mitch." Pilyang sabi ni Lexie.

"Nakailan ba kayong bote?"

"Hindi ko na po mabilang eh.. Oh ayan na, nasa talyer na tayo BOSS. Salamat po sa paghatid." Bumaba na siya at pumasok loob. Hindi na din ako nagpaalam sa tatay niya. Malamang ay tulog na din yun.

Dumiretso naman akong simbahan para ihatid si Mitch pero sarado na.. kakatukin ko pa si Father? Hmmmmmmm.... Sa amin ko na nga lang iuuwi si Mitch. Ipapaliwanag ko na lang bukas kung bakit sa amin ko siya inuwi.

11:30pm na pala. Pagdating sa Mansyon ay binuhat ko ulit siya at inakyat sa kwarto ni Sea.

"Christian..." tawag niya sa akin... Gising na ba siya? Tiningnan ko siya.. gising nga siya... nakatitig lang siya sa akin at naghihintay na magsalita ako... nagsalita ulit siya.

"Christian... May GirlFriend ka na ba?" natawa ako sa tanong niya...

"Lasing ka Mitch, bukas na lang tayo mag-usap ahh..." Ibaba ko na sana siya sa kama ng HALIKAN NIYA KO.

Hindi agad ako nakakilos. Para akong nanigas sa ginawa niya. Ang higpit din ng pagkakayakap niya sa leeg ko. At ang hormones ko naman ay agad na nagresponse sa halik niya.. parang sinasabayan ko siya.

HINDI PWEDE TOH! LASING SIYA!
Humiwalay ako... pakiramdam ko tuloy ang INIT. Tiningnan ko ulit si Mitch... TULOG na ulit siya. Napailing na lang ako... MUNTIK NA. Muntik nang hindi ko mapigilan nag sarili ko.

"Good Night Mitch" hinalikan ko na lang siya sa noo para magpaalam.

-----
A/N: Waaaahhh ! Wala lang xD Walang Bed Scene dito 👊👊👊
---LNWP

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon