Chapter 7

67 9 0
                                    


MICHELLE POV

Nagising ako sakto tanghali, at agad na naisip ko yung ginawa ko kanina sa harap ni Christian saka ko naisip na nagugutom na pala ako. (Otor: Yung una mo talaga naisip eh hahahahaha xD)

Haist! Nakakainis! Bakit ko ba inaalala yun? (Otor: baka nakakabastos?) tama tama nakakabastos talaga yung ginawa ko Otor, salamat sa pagpapa-alala mo ahh.. ang laking tulong po. (Otor: you're welcome)
Kakain muna ako.

Nagugutom na ako eh. (-_____________-")

Pagkalabas ko ng simbahan may nakahilerang mahabang lamesa... tinanong ko si Angelo kung anong meron, ang sabi niya lang eh may salo-salo. Kakain lahat ng nakakamay. Bahagi pa rind aw ito ng selebrasyon.

"Pupunta ba si Christian ngayon?" hinahanap ko siya para makapagSorry... wag bigyan ng malisya ahh.

"Ayiiieehh.... Si Ate Mitch may crush kay Senyorito."

"Wala akong Crush sa kanya Angelo..."

"Kasi mahal niya ko kaya di niya ko Crush" naputol ako sa sasabihin ko ng bigla siyang dumating sa harap ko. Kanina pa siguro ito nakikinig sa amin.

"Magsosorry lang ako Christian, saan mo naman nakuha yung mahal mahal?"

"Tsss.... Eto naman, bakit ka nagsosorry?" tinitingnan lang kami ng mga tao, papunta na kami sa may mahabang mesa, umupo na rin at nahihintay na ihain ang pagkain. Nakapwesto na rin pala kanina pa ang iba.

"Kasi napagsarhan kita ng pinto."

"Okay lang... naiintindihan ko, baka napagod ka sa mahabang lakaran kanina eh. Namutla ka kaya." Nakakatuwa na sensitive pala si Christian.

"Napagod nga ako..." tatabi na sana si Angelo sa akin sa kaliwa ng dumating si BRUNO.

"Kamusta na MAHAL ko?" napalingon lingon na lang ako, baka kasi hindi ako ang kausap niya.

"Ako ba kausap mo?" tanong k okay Bruno.

"Oo, MAHAL." Tinignan ko lang siya... ang lakas ng loob nitong tawagin akong MAHAL.

"Excuse me, Bruno... sa pagkakaalam ko eh may GF ka?..." sabi ni Christian.

"Meron nga, si Mitch." Sabay hatak niya sa balikat ko papunta sa kanya.

"Hehehehe BRUNO, Kailan pa naging tayo? Parang wala akong maalala na sinagot kita? Teka lang ahh... nanligaw ka ba?" sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko. Ang sama na rin ng titig ni Christian sa kanya... nakakuyom na rin ang kamay ni Christian na parang nanggigil at handa ng manapak.

"Mitch naman, kailangan pa ba yun?" sagot naman ni Bruno sa akin... halata na may tensyon sa pagitan ni Christian at Bruno, grabi sila magtitigan.. si Bruno naman ay halatang nang-aasar lang.

"Paano magiging kayo kung Ilang araw pa lang nandito si Mitch? 3days." Sabi naman ni Christian.

"Tama na nga yan... ayan na ang pagkain oh..." sabi ko para matigil lang sila.. baka kung saan pa mapunta ang usapan nila.
Inilatag na ang pagkain, kanya kanyang dakot naman ang mga tao... ako? Nakatitig lang sa kanila... paano kakain ng walng kutsra at tinidor?

"Ngayon ka lang makakain sa sapal ng saging noh? Ang tawag dito Boodle Fight." Sabi ni Christian. BOODLE FIGHT? Ahh.. napanuod ko na toh sa TV... yung mga campers na nakakamay lang.

"Ahh, alam ko na... naCulture Shock lang siguro ako? Hahaha lagi kasing kutsara at tinidor ang gamit ko sa pagkain." Kumuha na rin ako ng kanin na nasa gitna... habang si Christian naman ay kumuha na din ng kanya, kumuha pa nga siya ng bangus na inihaw... ang laki ng bangus nila dito ahh... hinimay himay niya yun at binigyan ako. Si Bruno naman kumuha ng Sugpo, naghimay din at binigyan ako... Tatanggapin ko ba?

"Eh? Bruno.. salamat na lang.. may Allergy kasi ako sa Sugpo eh." Totoo naman na may Allergy ako sa sugpo. Baka mamaya magulat na lang sila nakahadusay na lang ako dito pagkinain ko yun.

"Ang sabihin mo mas gusto mo lang kainin yung binibigay ni Senyorito." Galit niyang sabi.

"Ano bang problema mo Bruno? Eh may Allergy nga siya diyan eh..." sabi naman ni Christian.

"Tssss... arte." Sabi ulit ni Bruno, parang umakyat lahat ng dugo ko sa narinig k okay Bruno. Nakakainis siya.

"Bruno, gusto mo ba kong mamatay?" tanong sa kanya. Napatigil naman siya. Maya maya eh napangisi ng nakakaloko.

"Wala naman namamatay sa Sugpo eh."

"Meron... yung MAMA ko nga namatay ng dahil sa Seafoods eh." Natahimik siya ng sabihin kong namatay ang mama ko sa Seafoods.

"Sa Pamilya namin, may allergy kami sa sobrang lansa o seafoods, maraming pagkain ang bawal sa akin, si mama kaya siya namatay dahil may nagpakain sa kanya ng seafoods." Malungkot kong sabi. Si Christian naman nakikinig lang, gulat sa mga nalaman.

"Maraming bawal sayo? Ibig sabihin mayaman ka? Taga saan ka nga ba? Bakit ka nandito sa probinsya namin.?" Dagdag na tanong ni Bruno, mukhang si Christian din ay naghhintay sa isasagot ko.

"Sa Manila, tsaka di ako mayaman noh hahhaha nagbabakasyon lang ako."

"Wala ka naming kamag-anak dito. Bakit dito mo naisip magbakasyon?"

"Kailangan ba sagutin ko lahat ng tanong mo? Kumain ka na nga lang dyan."

Natapos na kaming kumain. Hindi na rin nagtanong si Bruno. Nagsimula na rin ang mga palaro tulad ng Palo Sebo, Manghuhuli ng baboy at kung ano ano pa. gusto nga nila akong isali pero sabi ko hindi pwede.

Pero pinilit ako ni Christian, sumali kami sa panghuhuli ng baboy. Hahahah oo! Naghuli kami ng baboy. Si Christian kahit marami ng putik sa katawan ay gwapo pa rin... wala itong arte kahit magkahalo na sa putik ang tae ng baboy... nagging masay naman ang panghuhuli namin. And guess what.. kami lang naman ang nanalo.

Pagkatapos naming maglaro ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib... napansin din Christian ang panghihina ko. Nahihirapan akong huminga... hinanap ko yung inhaler ko... nasa bulsa ko lang yun eh.. kainapa-kapa ko lahat pero wala. Nasan na yun? Hindi ko na kaya! Nasan na ba yun? Inabot sa akin ni Christian yung inhaler ko... agad kong kinuha yun. Nahulog ko pala iyon, buti na lang nakuha ni Christian.

"May hika ka pala?" tanong niya. Habang ako naman ay humihigop ng hangin.

"Sorry.." sabi niya, bakit siya nagsosorry?

"Hindi mo kasalanan. Ganto talaga ako kapag nasobrahan sa pagod. Hahaha nag-enjoy naman ako sa laro natin."

"Okay ka na ba talaga?" tanong niya ulit, tumango na lang ako bilang tugon.

"Ano pa bang di ko alam sayo? Baka mamaya kasi ako pa ang dahilan ng kamatayan mo." Seryso niyang tanong. Tinitigan niya lang ako. Nginitian ko lang siya.

"Wag mo lang akong sasaktan."

"Bakit naman kita sasaktan." Nagtataka niyang tanong.

"Wala, joke lang hahaha basta wag lang ako mapagod ng sobra. Yun yung ibig kong sabihin."

"Ahh.. kala ko kung ano na, pupunta ka bang sayawan mamaya?"

"Hindi ko alam eh? Wala naman kasi akong susuotin."

"Tara." Aya niya sa akin. 5pm na pala.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa Mansyon, alam ko may damit dun si Sea eh."

"Huh?" hinatak niya na lang ako, nagatataka pa rin ako kung anong gagawin namin sa Mansyon nila. At sino si SI? SY? C?

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon