Chapter 6

73 10 0
                                    


Someone's POV

Isang araw na lang at SAGALA na, nagtipon tipon sa simbahan ang mga kalahok sa prusisyon upang pag-usapan ang ruta na dadaanan ng Prusisyon, kasunod kasi nun ay ang SAGALA... Naroon ang lahat maliban lang kay Christian at Pasing... habang nagpupulong sila ay nag-aayos naman ng mga bulaklak sa altar si Mitch at Angelo.

"Kung sino pa ang pinakaHighLight ng SAGALA sila pa ang wala." Sabi ng isa sa organizer ng Sagala.

"Bukas na lang daw po dadalo si Senyorito.. ibigay na lang daw po natin ang ruta ng dadaanan para alam daw niya." Sabi pa nung isang organizer...

"Eh si Pasing? Sigurado na bang pupunta?" tanong ng baklang organizer na kanina pa iritado dahil wala nga ang mga importanteng tao sa sagala.

"Nagsabi si Mayor na hindi na makakadalo ang anak niya.. kaninang umaga lang nagkumpirma na di na siya sasali."

"Eh paano na yung Sta. Maria natin?? Sino na ipapares natin sa senyorito?" napabuntong hininga na lang ang mga kalahok dahil wala silang maisip na ipares sa senyorito. Wala rin silang maimungkahi kaya natahimik sila.

"Si Ate Mitch na lang ipares natin kay senyorito." Sabi ni Angelo na kanina pa pala nakikinig sa pagpupulong nila. Napalingon naman ang baklang Organizer sa gawi ni Angelo.

"At sino naman si Mitch?" itinuro ni angelo si Mitch na abala sa paglalagay ng bulaklak sa taas ng altar.

"Ate Mitch, baba ka muna.. kausapin ka nila.." nagtatakang bumaba ng hagdanan si Mitch.

"Ahh bakit po?" may alikabok man ito sa katawan at mukha ay makikita pa rin ang kagandahan nito.

"Perfect. Siya na lang... parang bumaba talaga si Sta. Maria dito sa simbahan natin."

"Huh? Ano pong sinasabi nyong ako na lang??" nagtataka pa rin si Mitch sa sinasabi ng bakalng organizer.

"Ikaw ang napili namin na maging Sta. Maria, na magiging partner ni Senyorito Christian." Napangnga pa si Mitch.

"Seryoso?! Weh? Di nga???"

"Oo. Kaya maghanda ka na."

"Eh? Wala naman po akong gagamiting Gown..."

"Don't worry.. ipagkatiwala mo sa brilyante ko yan." Sabi pa niya..

"Mukhang di na kami mahihirapan mag-ayos sayo."

Natapos na ang pagpupulong nila. Tapos na rin lahat ng decorations.

KINABUKASAN

Maagang nagising ang lahat. Alas Tres pa lang eh nakabihis at naka-ayos na ang lahat, ang simula ng prusisyon ay alas kwatro dahil ang misa ay alas singko.
Pumalakpak ang baklang organizer para makuha ang atensyon ng lahat.

"Okay, dito muna lahat ng mga kasali sa prusisyon..." agad naman lumapit ang mga kalahok. Binilang ng organizer kung kumpleto na ba ang lahat.

"NA SAAN ANG SANTA MARIA?" kahit ang mga kalahok ay di napansin na wala pa si ang Santa Maria.

"Good Morning." Malapad na nakangiting bati ni Mitch. Hindi pa ito nakabihis, halatang bagong gising ito.

"Anong oras ba tayo magsisimula?" tanong niya sa mga tao na nakatingin lang sa kanya.

Sa di kalayuan, parating na ang sasakyan ni Senyorito Christian. Alam na nito na hindi makakadalo si Pasing. Kaya iniisip niya ngayon kung sino ang papalit kay Pasing bilang Santa Maria.

"Mitch! Kasama ka naman sa pagpupulong kahapon ahh! Nakalimutan mo agad?! Tsk! Anong oras na! mag-aayos at magbibihis ka pa!" pagalit na sabi ng organizer saka ito hinatak pabalik sa loob ng simbahan. Sakto naman ang pagdating ni Christian (3:45am) agad na binati ang pari, mga pulitiko at mga kalahok sa prusisyon.

"Good Morning po Father, balita ko po'y di na makakarating si Pasing. Sino na po ang magiging kapareha ko?" magalang na tanong ng binata.

"Hintayin mo na lang mamaya, eh mukhang nag-aayos pa ang kapareha mo hahahaha. Kagigising pa lang niya eh. Hindi talaga sanay magising ng maaga ang mga taga-maynila." Pailing-iling pa ito habang natutuwa sa naalala niyang reaksyon ni Mitch na bagong gising kanina. Nagtaka naman si Christian kung sinong taga-maynila ang tinutukoy ng Pari.

Dumating na rin si Don King... mag-aalas kwatro na eh wala pa rin ang Sta. Maria.
Nakapwesto na rin ang lahat sa kanya kanyang arko pero ang Sta. Maria sa dulo ay wala pa rin, naiinip na rin si Christian dahil kanina pa nito tinitingnan ang orasan sa simbahan at sa kanyang relo.

Saktong alas kwatro ay lumabas ang baklang Organizer sa gitna ng pintuan ng simbahan.

"Let's all welcome... Ang Sta. Maria ng San Sebastian.... Mitch Navarro."

Napalingon ang lahat sa binibining palabas sa pintuan at pababa na ngayon ng simbahan. Lahat sila ay namangha sa nakita. LITERAL silang napanganga sa GANDA ni Mitch. Bumagay kasi rito ang suot na Golden Gown. Mukha siyang dinamitan na manika, mukha talaga siyang si Mama Mary. Napakaganda rin ng ayos nito.. hindi makapal ang make-up at nagmukha siyang Reyna.

Malapad ang ngiti niya sa reaksyon ng mga tao. Habang pababa siya ng hagdan ay napansin niya si Christian na titig na titig sa kanya... alam na nito na si Christian ang makakapareha niya.

Pagkadating niya sa pwesto niya ay nagsimula na ang prusisyon.

Inilahad naman ni Christian ang braso nito para kapitan ni Mitch. Malapad din ang ngiti nito at binulungan pa si Mitch. "Ang ganda mo." Namula naman ang binibini at nagpasalamat sa papuri ni Christian.
Habang naglalakad sila ay nakangiti lang si Mitch sa mga tao, samatalang si Christian ay titig sa mga mata nito.

"Wag ka masyado tumitig. Malulusaw na ko nyan eh." Pabirong sabi ni Mitch kay Christian pero di parin nito inaalis ang ngiti sa labi at kumakaway kaway pa sa mga tao sa paligid.

"Napakaganda mo kasi... Hahaha pati mga MATA mo ngumingiti. Inaakit mo ba ko Miss?"

"Hahahaha hindi ahh! May mata bag ngumingiti? Bago yu ahh Hahahaha..." Namula ulit si Mitch dahil sa pagtawa o dahil sa kilig?

"...Tsaka anong inaakit kita? Excuse me, wala akong ginagawa sayo ahh."

"Wala ka pa ngang ginagawa pero iba na ang tama ko sayo..." halos pabulong na sabi ni Christian.

"Ano yun? Anong sabi mo??"

"Wala. Wala akong sinabi."

Habang patuloy ang prusisyon, maraming mata ang nakatuon lang kay Mitch. Halos lahat ay gusto siyang kuhaan ng Litrato.

Nang matapos ang prusisyon, nakabalik na ulit sa simbahan ang lahat, nagsimula na ang Misa. Nung oras na ng sermon ng Pari ay nagpasalamat ito sa matagumpay na selebrasyon ng kanilang Pista.

Ng matapos ang misa ay nagkaroon pa ng mga pahabol na anunsyo ang organizer, magkakaroon pa ng mga aktibidades sa kanilang lugar tulad ng mga palaro mula umaga hanggang hapon. Sa gabi naman ay magkakaroon ng sayawan.

Tapos na ang misa pero marami pa ring tao, maraming lumalapit kay Mitch at Christian para magpapicture. Bagay na bagay kasi ang dalawa. Mukha silang mga Hari at Reyna.

Napansin naman ni Christian ang pamumutla ni Mitch kaya agad niya itong inexcuse sa mga tao, baka napagod na ito. Hinatid na ni Christian sa kwarto si Mitch.

"Salamat Christian ahh..." isinara na nito ang pinto kahit nandun pa si Christian. Hindi tuloy nakapagpaalam ng maayos si Christian dahil sa ginawa ng dalaga. Inisip na lang ni Christian na pagod si Mitch sa prusisyon.

Sa loob ng kwarto...

Agad na kinuha ni Mitch ang Inhaler niya. Nahimasmasan naman siya ng makahinga na ng maayos. Hindi niya kasi akalain na napakalayo pala ng iikutin o dadaanan ng prusisyon. Hindi pa naman niya dala ang inhaler niya. Isa rin sa dahilan kung bakit sobra kung protektahan siya ng Lolo niya ay dahil may Hika ito. Natakot na kasi ang Lolo ni Mitch na magaya ito sa kanyang ina na namatay sa Hika.

Nagpalit na rin ng damit ang dalaga, naka-jeans at t-shirt na white lang ito... naalala niya ang ginawa niyang pagsasara ng pintuan kay Christian kanina.

"Naku! Nakakahiya naman kay Christian." Nasabi niya habang pahiga sa kama niya, nagwawala.

"Mamaya magsosorry na lang ako." Pagkatapos nun ay nakatulog na siya.

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon