Chapter 3

97 15 0
                                    

CHRISTIAN POV

Di ko pa rin makalimutan ang mga mata nung babae sa Terminal. Di ako magkakamali… MAGANDA siya.. kahit kasi nakamask siya at nakapikit natutulog sa balikat ko. *Alam ko na nakatulog talaga siya sa balikat ko~HINAYAAN ko na siya kasi mukhang PAGOD siya…. Ang haba ng pilikmata niya at pantay ang korte ng kilay niya… matangos din ang ilong… maputi siya at mukhang mayaman. Pero bakit nga ba siya balot na balot?

Pagbaba niya pa ay narinig ko ang sinabi niya “HAYY! Kalayaan!” Luh? Mukhang galing siya sa bilangguan? O sa mental? Kaya ba siya balot na balot? Tssss…. Bakit ko nga ba siya iniisipan ng masama? Di ko naman siya kilala? O baka naman may tinatakasan siya?

Nagring ang CP ko at tumalikod na. Sayang lang at di ko nakita ang buong mukha niya... Sinagot ko naman ang tawag sa akin sa CP… si Lolo pala…

“Apo. Hintayin mo na lang yung sasakyan na susundo sayo. Bakit kasi di ka na lang nagdala ng sasakayan? Para sana dumiretso ka nalang dito.”

“Lolo, okay lang po…. Pagod din po ako sa meeting, kaya di ako makakapagdrive ng maayos… tsaka bakit kasi madaling araw nakipagmeeting ang mga Sy?” nakakainis kasi MADALING ARAW na transaction? Akala mo naman eh may secret ventures kaming gagawin.

“Nag-iingat lang ang mga Sy… hayaan mo apo pagnaclose mo ang deal ay sasabihan ko si kumpadre na magmeeting kayo sa Office Hours. Hahahaha :D ” tinawanan lang ako ni Lolo. Alam niya kasi na importante sa akin ang Business namin at pati na rin ang oras.

“Sige Lo, baba ko na… palabas na ko ng terminal…. Doon na lang ako sa labas maghihintay.”

“Sige, Apo. Mag-ingat ka.” Sabi pa ni Lolo at ibinaba ko na din…

Maya maya ay dumating na ang sundo ko… napahinto ako ng lumabas din ng terminal yung babae kanina. SHE’S STUNNING. Kahit nakajeans at jacket lang siya ay MAGANDA siya. Napahinto rin siya ng titigan ko siya.. ganun ba ko ka Obvious? Hindi naman ako nakanganga… nagpalinga linga pa siya at tiningnan kung sino ang tinitingnan ko… napansin niya rin na halos lahat ng tao sa kanya lang nakatingin.

Tiningnan niya pa ang sarili niya kung may mali ba sa kanya~ hahaha Cute. Teka? Sinabi ko bang Cute? Makauwi na nga lang…

“Manong, tara na po.” Sabi ko sa driver.

“Aba Iho. Nakita mo ba yung babae? Ang ganda niya noh… taga saan kaya siya.” Nagkibit balikat nalang ako habang nakatitig pa rin sa kanya.

“Di ko po alam eh… pero halatang hindi talaga siya taga-rito. Sa pustura niya pa lang ay mukha siya maarte.” Dagdag ko sa komentong ‘maganda’ siya. Parang ewan? Naiirita ako bigla sa katotohanang AGAW PANSIN siya…

“Malapit na pala ang pista dito sa atin… sa Linggo na ang prusisyon (sagala). Ikaw daw ang magiging partner nung Sta. Maria.” Sabi pa ni manong. Kaya pala ako pinapauwi ni Lolo (-____________-)

“Sino naman po ang Sta. Maria?” tatlong araw pa bago mag-linggo. Paano naman kaya yung Business namin sa Manila kung magtatagal ako dito? Mukhang matatambakan ako ng trabaho… Arghhhh!

“Si Pasing… yung anak ni Mayor.” Tssss… Bakit siya pa? Mukhang di naman siya Santa. Napahawak na lang ako sa pagitan ng kilay ko… sumasakit ang ulo ko. Nanahimik na lang ako,  baka kung ano pa kasi ang masabi ko kay Manong.

“Andito na po tayo senyorito.”

“Salamat po manong.” Bumaba na ko at sinalubong si Lolo at MGA tagaBARIO. Parang Pista na agad. Ang daming tao at may handaan pa.

“Lolo. Ang aga ng Pista ahh Hahahaha :D”

“WiniWELCOME ka lang namin dahil matagal na bago ka ulit nakaDalaw.” Kinamusta ko lang ang mga tao sumalubong sa akin… hindi naman ako snob. Marunong din akong ngumiti. Pero pagdating sa trabaho kailangan SERYOSO lagi.

“Christian, magbihis ka muna at magkita tayo sa library. May sasabihin ako sayo.” Sabi pa ni Lolo bago siya tuluyang pumasok ng Mansyon.

Pumunta naman ako sa Kwarto ko at inayos ang gamit ko… ibinaba ko ang sling bag na dala ko, laman lang nun ay mga papeles na dapat kong tapusin para sa mga transactions at presentations sa susunod kong meetings, may napansin ako na nakaumbok na kahon sa bulsa ng bag ko…
Titingnan ko na sana kung ano yung kahon na yun, nang may kumatok… *Tok *Tok

“Christian?” si Pasing… (-_______-“)

“Sandali lang… lalabas na, magbibihis lang ako.” Sabi ko sa kanya. Sigurado naman akong di yan aalis hangga’t di niya ko nakakausap… siya rin ang dahilan kung bakit ayoko magtagal dito.
Limang minute siyang naghintay…

“Oh, Pasing… bakit? May kailangan ka?”

“Buntis ako.” Di na ko nagulat.

“Congrats”

“Ikaw ang AMA!”

“Pasing… Alam mo at alam ng lahat na hindi magiging akin yan.. kung ako sayo puntahan mo na lang ang TOTOONG Tatay niyan.” Si Pasing kasi ang babaeng di mo aakalain na hindi malandi dahil sa amo ng mukha niya.. pero basang basa ko na siya…. Sinubukan niya kasi akong pikutin.. hindi natuloy dahil nalaman ng tatay niya ang plano niya at ngayon naman, ilang buwan na nakalipas ako DAW ang tatay ng pinagbubuntis niya… ganun na ba siya kadesperada?

Umiiyak na siya… wala akong magagawa sa problema niya… naaawa lang ako sa bata.

“Gusto mo ba na ako na magsabi sa Papa mo?” umiling-iling siya…

“Sino ba ang Tatay niyan?” tiningnan niya ko…

“Si Pedro.” Yung hardener naming.

“Hanggang maaga pa sabihin mo na sa kanya… pati na rin sa Papa mo. Siguro naman matatanggap ka nila.” Iniwan ko na lang si Pasing dun na umiiyak at pumunta na ko sa Library kung saan naghihintay si Lolo..

“Lolo.. andito na ko…”

“Maupo ka apo…”

“Si Pedro po pala pwede nyo po bang ipatawag?” tumango tango na lang si Lolo. At ginamit ang Telepono para ipatawag si Pedro.

“Tungkol ba kay Pasing yan?”

“Opo.”

Maya maya dumating na si Pedro.
“Pedro.. alam mo ba ang nagawa mo?” nakayuko lang ito at hinhintay ang susunod kong sasabihin.

“Buntis si Pasing.” Halata ang gulat at takot sa mga mata niya…. Alam kong inaalala niya ang Papa ni Pasing. Pagiging MAHIRAP at MAYAMAN?. Yan ang sisira sa kanila, at sa mabubuo nilang pamilya.

“Kailangan PANINDIGAN mo ang bata. Tandaan mo na kahit pa ano ang estado mo sa buhay ay hindi yun dapat maging dahilan upang hindi ka maging ama sa magiging anak niyo ni Pasing.”

“Opo Senyorito. Gagawin ko po ang nararapat.”

“Sige, makakaalis ka na.” Lumabas na ng Library si Pedro.

“Hindi ako nagkamali sayo apo… hindi na ko mag-aalala kung iiwan ko si Sea sa tabi mo.”

“Lolo ano bang pinagsasabi mo? Hahaha masyado ka naman atang seryoso.” Pagbibiro ko pero alam kong naghahabilin na si Lolo.

“Apo… may gusto sana akong hilingin…” pagpapatuoly ni Lolo… seryoso pa rin siya.

“Ano po yun?” kinakabahan naman ako sa kanya.

“Sa loob ng anim na buwan.. dapat ay may ASAWA ka na.”

(O______O)

HANUDAW? ASAWA?

---
A/N: Hahaha gulantang si kuya eh 👊👊👊
~Hyper'Ow (Sea)
#TWYLAM 😘

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon