Chapter 1

291 20 5
                                    

Michelle POV

*Kriiiingggg !
Nagising ako dahil may tumatawag sa CP ko... Hindi ko na tiningnan kung sino tumatawag basta sinagot ko na lang... Teka anong oras na ba?

"Hellooooh" mahina at antok na antok kong tanong.

"Apo? Kailan ka ba uuwi?"

"Lolo... Di ako uuwi." At ibinaba ko ang tawag niya.. asar.. panira ng tulog...

*Kriiiiinnggg nag ring na naman... 😒

"Ano ba lolo? Ayoko nga sabing umuwi."

"Apo. Nag-aalala lang naman ako sayo. Ilang buwan ka ng di umuuwi at nagpapakita sa akin."

"Lolo, alam kong alam nyo kung na saan ako. At sigurado rin ako na lagi kayong updated sa mga ginagawa ko. Halata kaya yung mga alipores nyo. At isa pa... Hindi ko naman talaga kayo iiwan eh, gusto ko lang mamuhay ng ako lang, ng simple. Na kahit papaano yung mga bagay na gusto ko atleast mapaghirapan ko naman makuha. Ayokong umasa sa yaman nyo."

Tama kayo ng basa.. mayaman si Lolo. At nakakabwisit yun. Ikaw kaya magkaroon ng bantay minuminuto, at lahat ng kilos mo at lahat ng lugar na pupuntahan mo may nakamasid, miski sa pagkain mo may nakatitig pa sayo.. ang awkward kaya. 😒

"Gusto ko lang naman protektahan ka Apo. Mahirap na, maraming may gusto na makuha ka."

"Tss... Di naman nila ako kilala. Pero dahil sa mga alipores nyo kaya ako napapahamak."

Naalala ko na naman yung nangyari sa mall nung isang araw.

Flashback

Naglalakad lakad lang ako sa mall ng mapansin ko ng may sumusunod sa akin... Naku! Isa na naman toh sa mga alipores ni lolo 😒 nung isang araw lang nailigaw ko na sila tapos ngayon eto na naman. Argh! Kailan ba ko magiging malaya??

Maya-maya mas binilisan ko ang lakad ko. Pumunta ako kung saan saan, sa arcade, shops, food court pero di ko sila maligaw, at parang mas marami sila ngayon...
Hayy hanggang sa... May mga guard na ng mall... Shocks ! Anong nangyayareh? Nakasunglass at jacket ako. Mukha na ba kong goons para sundan pati ng Guard? Naisip ko na pumasok muna ng CR. Siguro naman doon di nila ako masusundan.
Pero nagkamali ako, may mga pumasok na naka Suit and Tie na mga BABAE! Para silang Men In Black 😒 bago pa man ako makalabas may narinig pa ko
'Positive andito si Lady Michelle' at ng makalabas na nga ako, 'may artista ba?' tanong naman nung isang babae papasok ng CR.

Tssss... I hate attention! Nakakainis naman toh si Lolo.

Pumunta na kong parking para makaharap siya... Alam kong andun si Albert. Ang Buttler ng Pamilya Panganiban.

"Albert!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kung may makarinig sa amin.

"Young Lady" agad syang yumukod sa akin.

"Stop following me! Hindi na nakakatuwa!"

"Hindi po pwede Young Lady, ipinagbilin po ni Don Juan na bantayan namin kayo..."

"Tsss... Di na ko bata! Stop following me or I'll shoot myself." Seryoso kong sabi sa kanila... agad silang bumalik sa mga kani-kaniyang mga sasakyan... Tsss... Natakot din sila, di ba nila naisip na bawal magdala ng baril sa Mall... So? Pano ko mababaril ang sarili ko diba. Hahaha mga shunga 😂😂😂

End of Flash Back

"Apo..."

"Lolo, pwede ba?! Babalik naman ako... Kapag nahanap ko na ang hinahanap ko."

"Ano ba kasi hinahanap mo apo?"

"Asawa" pagkasabi ko nun ibinaba ko na ang tawag ko... Kailangan may gawin ako... Kailangan pumunta ako sa lugar na walang nakakakilala sa akin. Joke lang talaga yung sinabi ko kay Lolo na 'Asawa' ang hinahanap ko... Para lang matigilan na siya... Nag-ring na naman ang CP ko... Sa sobrang bwisit ko tinanggal ko na ang battery at isinuksok ko na sa bulsa ng bag ko...

Kahit antok pa ko ay bumangon na ko at nag-ayos... Agad kong kinuha ang bagpack ko...

5am na...

Nakahabol ako sa byahe pa puntang probinsya... (Kung saan man yun basta malayo) kinuha ko ang mask ko at inayos ang hood ko pagkaupo ko sa dulo ng Bus...

Maya maya ay napupuno na rin ng mga pasahero... Di ko na ang pinansin dahil mas gusto kong matulog na lang... Magliliwanag na rin ng magsimula ng umandar ang Bus. Kinuha ko ang CP ko sa bulsa at sinigurado ko na nakapatay ito. Para hindi na makatawag pa si Lolo at di na din nila ako matrack. Oo. May tracking device ang CP ko... Kailan ko lang din nadiskubre na may tracking device ang CP ko. Sa sobrang antok ko isinuksuk ko na lang ulit sa bag na nasa paanan ko.

Christian POV

Pauwi ako ngayon sa mansyon (Hacienda) Dahil galing akong meeting di na ko nag-abala pa na gumamit ng sasakyan. Magcocommute na lang ako, pagod din kasi ako sa trabaho kaya di rin ako makakapagdrive. Baka maaksidente pa ko. Sa bandang dulo na ko naupo...
Yun na lang kasi ang bakante. Pagkaupo ko dun napansin ko agad ang katabi ko na balot na balot... Nakahood na naka-mask pa... Baka naman may sakit siya? Hindi pa naman kasi gaano kalakas ang Aircon dahil nakabukas pa ang pinto at maya maya pa aandar ang Bus... Hinayaan ko na lang... Baka nga may sakit lang...

Maya maya umandar na ang Bus... Gumalaw naman ang katabi ko na akala ko natutulog... May kinuha siya sa bag niya.. CP. Pero di niya binubuksan... Narinig ko na lang ang pag 'Tsss' niya.

*Ring *Ring *Ring

"Hello? Bakit Sea?"

"Kuya? Pupunta ka ba kay lolo ngayon?"

"Oo. Nasa byahe na ko... Bakit?" Napansin kong yumuko yung katabi ko... Tinabi na niya siguro yung CP niya...

"Paki sabi naman kay Lolo na gumala kami minsan.. miss ko na siya eh"

"Okay sige sasabihin ko. Ang aga mo nagising ngayon ahh?" Mag6:30am pa lang kasi.

"Kailangan eh... Hahaha may school project ako... At may practice pa mamaya sa Theater."

"Talagang pinush mo yang pagtiTeatro mo ahh.. sige na. Ibaba ko na toh... Matutulog muna ako."

"Sige kuya ingat ka. Babay 😘."

Yun yung kapatid kong makulit. Ang nag-iisang Heirs ng King's. College na sya and she's doing well in school, in fact she's one of the deans lister. Sana lang ma-maintain niya para mas lalong matuwa si Lolo. Bakit kamo siya 'Heirs'? Kasi siya lang naman talaga ang totoong apo ni Don King. In short ampon lang ako. At kahit ampon lang ako, malaki ang pasasalamat ko kay Don King na tinanggap niya ako sa pamilya niya... At di lang niya ko tinanggap. Pinag-aral at pinagkatiwalaan niya rin ako sa mga negosyo nila... Malaki talaga ang tiwala nila sa akin kahit di nila ko tunay na kamag-anak...

Dahil sa sobrang pagod ko nakatulog na ko sa byahe....

Next: The First Look..

The Way You Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon