PAG AMIN

4.4K 136 14
                                    


Mia PoV

One week na ang nakakalipas ng mag sagutan kami at isang linggo narin niya ako iniiwasan. Alam ko namang iniiwasan niya ako kaya sinadya kong antayin siya ngayon para kausapin.

Gusto ko narin liwanagin ang lahat ng mga nangyari noon. Ipaliwanag ko sa kanya yong totoong dahilan kong bakit ko siya iniwan.

Nasa hagdan lang ako habang iinaantay siya. Buti nalang tulog na sila mommy at tito kundi baka tanungin pa ako kung anong ginagawa ko sa hagdan.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na kasi mommy, tito inaantay ko po yong taong mahal ko na dumating.

May maya narinig ko na ang sasakyan ni Kendal na dumating at nakita ko itong pumasok na sa bahay. Kaya dali-dali akong tumakbo papasok sa kwarto ko.

Sinilip ko ito at kita kong pasuray suray itong maglakad. Ni halos hindi na nga ito maka lakad ng straight dala ng kalasingan. Papikit pikit narin ito mahahalata mo talagang nakainom siya.

Bago pa man ito makalagpas sa kwarto ko ay nagsalita na na ako. Mukha pa itong nagulat. Gusto ko sana na matawa pero pinigilan ko lang at pina seryuso ang mukha ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Sino ka para iwasan ko." sagot niya at nag patuloy nang naglakad.

Pero pinigilan ko siya at hinawakan ko siya sa braso. Pero tiningnan lang ako nito ng masama, iniwaksi ang kamay ko nag lakad ulit.

Sinundan ko lang ito ng tingin pero napahawak ito sa pader. Kaya dali dali akong pumunta sa likuran niya para alalayan at tama nga ako dahil muntikan na itong matumba buti nalang at nahawak ko siya.

"Wag ka na umangal tutulungan na kitang maka pasok." Inakbay ko ang braso niya sa akin buti nalang at hindi na ito tumanggi pa.

"Asan yong susi ng room mo?" tanong ko sa kanya kinapa naman nito sa bula ng pantalon niya at inabot niya sa akin.

"Binuksan ko yong pinto at sinarado rin pagkapasok naming dalawa gamit ang paa ko. Inihiga ko siya sa kama niya at tinanggal ang sapatos na suot nito.

Iniwan ko muna siya para pumunta ng cr buti nalang may nakita akong bimpo binasa ko iyo at bumalik sa nakahigang si Kendal.

Ipinunas ko ang bimpo sa mukha niya nakita ko pang nagmulat ito ng mata niya at tumitig lang sa akin naiilang naman ako sa pagkakatitig niya sa akin.

Aalis na sana ko ng hilain nito ang braso ko at napunta ako sa ibabaw ni kendal magkalapit ang mga mukha namin at amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito. Na kahit pa nakainom ito ay nangingibabaw parin ang mabangong hininga niya.

Tatayo na dapat ako pero niyakap niya ako pinilit kong kumawala pero lalo niya namang hinigpitan ang pag kakayakap sa akin. Ilang minuto kaming ganon ang pwesto kaya pinilit ko ulit na bumangon akala ko tulog na kasi ito.

Pero ang dapat na makawala ako ay hindi nangyari dahil pinag baliktad nito ang pwesto namin.

Sobrang pungay nang mata nito at halatang pinipilit lang nitong wag makatulog.

"Bakit ba ang ganda ganda mo habang tumatatagal Mia?" Magsasalita sana ako pero tinakpan nito nang daliri ang ang bibig ko.

Ang sumunod na sinabi nito ang nag patigil sa mundo ko. Na tila tumigil ang oras ng banggitin niya ang gusto kong marinig sa mga bibig nito.

"I still love you Mia." she said and then nilapit nito ang ukha niya sa mukha ko.

Ngunit bago pa man nito mailapat ang labi sa akin ay bumagsak na ito dahil nakatulog na siya sa ibabaw ko.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon