MILK TEA

1.8K 114 44
                                    

"Kendal POV"

Lumipas ang limang buwan wala akong ibang ginawa kundi ang umiinom pagkagaling sa company or after meeting. Naging tubig ko na nga ang alak.



Ilang beses akong sinubukang kausapin ng mga kaibigan ko at pamilya ko pero ako na ang umiiwas lalo na kila Rico.




Gusto ko munang mag focus sa work at libangin ang sarili ko sa mga bagay bagay para hindi ko maisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang taon.



Simula ng may mangyari sa amin ni Mia at ng malaman kong kasal si Mc kahit isa sa kanila ay hindi ko pa nakita.


Dapat sana hindi na ako bumalik dito sa pilipinas siguro tahimik ang buhay ko walang gulo at sakit akong nararamdaman dahil sa lintik na pagmamahal na yan.


Ang nakakatawa lang naging kabet ako ng hindi ko alam. Yong taong pinili kong makasama for the rest of my life ay pinili na pala ng iba.



Buti pasa lang sa mukha ang inabot ko at hindi ako natulad sa mukha ni ace.


Nakakatawa lang isipin sa dami ng naging babae ko noon sa mg aniloko at pinaiyak ko ito na siguro ang karma ko.




Sa bahay na ngayon ako naka tira kasama ni mommy at mama habang ang mga kapatid ko nag transfer n dito sa pilipinas para mag aral.



"Hey guys good morning?" pag bati ko sa kanila at isa isang humalik sa pisngi nila at nakipag fist bump naman ako at nga nakaw ng isang halik sa pisngi ni Uno.


"Ano ba ate kadiri ka ha!  I'm not a baby anymore. Ilang beses kong sinabi na wag mo akong hahalikan sa pisnge." naiinis na pinunasan nito ang pisnge.




Pag naiinis kasi ito ate ang tawag niya sa akin ang sarap niya kasing asarin.


"Haha ikaw talaga bakla isumbong kaya kita sa girlfriend mo na may kasayawan ka sa club last week." pangiinis ko sa kanya.


"Mama, mommy oh." sumbong nito sa parents namin pero nag tawanan lang kami.


Napatingin ako sa relo ko mag 7:30 na pala may meeting ako ng 8:30 baka traffic pa.


" Guys I need to go may meeting pa ako ng 8:30 baka ma late ako." Pag paalam ko sa kanila.




Tinapik ko sa balikat si Uno at humalik sa pisnge ni blue. Tumayo naman ito at yumakap sa akin.
Nakita kong nagtinginan si mama at mommy pero binaliwala ko yon.




"Kuya next week sunday pwede mo bang eh clear yong schedule mo?" naglalambing na saad ni bunso.


"Nag lalambing si bunso, ano bang meron?" Tanong ko sa kanya.



" Namiss ka na kasi namin mag bonding naman tayo." may pagmamaka awa sa boses nito.
Simula kasi umuwi sila dito sa pilipinas hindi pa kami  nakakapag bonding. Napatingin ako kila mommy na naka ngiti sa akin.



"Please kuya.." humiwalay ito sa akin at pinagsaklob ang palad niya na nagmamaka awa.

" Oo naman para sa pangit (pak!!)( hamas nito sa akin) I mean maganda at sexy naming bunso hehehe!" pati MN please clear my schedule sa  sunday." utos ko sa secretary ko.


Pabalik kami ngayon sa company para sa iba pang meeting na tungkol sa bago naming project para gumanda pa ang hotel na tinatayo namin matatapos na ito kaya double effort ako for this project.



"Copy sir... Nag confirm na po ang V complex furniture company sir about sa additional order nating mga furniture and they said mamadaliin nila ang pag gawa noon para umabot sa opening." pag rereport nito.



My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon