Tampo

3.8K 125 19
                                    


"Kendal Lee Pov"

Iginilid ko ang sasakyan malapit na ito sa bahay.

"Baba." Utos ko kay Mia.

Takang tumingin ito sa akin.

"What?" Gulat na tanong nito.

"I said baba." Utos ko ulit dito.

"No, haharapin natin si tito Robert ng sabay. Dahil kasalanan ko naman kong bakit hindi mo na isara yong transaction don sa malanding higad na yon."

Hindi ko siya pinakinggan nakatingin lang ako sa kanya at pina seryuso ang mukha ko. Humalukipkip lang ito at tiningnan din ako nang seryuso.

"Hindi ka talaga bababa?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi!" Matapang na turan nito.

Kaya wala akong choice bumaba ako at nag para ng Taxi sakto namang may dumaan.

Nang tumigil ito sa harapan ko suminyas ako na saglit lang.

Pumunta ako sa shotgun seat and then binuksan ko iyon.

Pero pag bukas ko di man lang ako nito tinapunan ng tinggin.

"Bumaba ka na jan.'' Utos ko sa kanya.

Pero hindi man lang ako nito pinansin sa inis ko binuhat ko siya papuntang taxi. Pero dahil sadyang matigas ang bungo nitong si Mia nag pumiglas siya.

"Ano ba Kendal ibaba mo nga ako... isa ibaba mo na ako! Siya habang nagpupumiglas at pinag hahampas ako sa dib-dib.

Wala na rin itong nagawa ng naipasok ko siya sa loob ng taxi. "Kainis ka arrrgggghhh.... bweset ka!!" Hindi ko pinansin ang galit nito at isinirado nalang ako pinto ng taxi.

Lumipat ako sa shotgun seat ng taxi para paalalahanan yong driver.

"Itong isang libo, ihatid mo siya ng maayos kapag may magyaring masama jan huhuntingin kita, maliwanag ba?" Pagbabanta ko sa kanya.

"Opo boss." Saad nito na sumaludo pa.

"Good. " dinukot ko sa bulsa ko yong phone ko at kinuhanan ko ito ng litrato.

"Mia." Tawag ko sa kanya para magpa alam pero dedma lang.

Wala na akong nagawa kundi ang isarado nalang ang pinto ng taxi at sumenyas sa driver na umalis na.

Pag alis ng taxi sunakay nadin ako sa sasakyan ko at nag antay ng 20 minutes bago sumunod.

Ayaw kong madamay si Mia sa galit ni old man. Ayaw ko ring malaman niya na may nakaraan kami ni Mia. Kilala ko dad kaya di pwede ang gusto ni Mia na magkabalikan ulit kami.

-------------------------------
Lee HOUSE

Pagkapasok ko palang ng bahay sinalubong na agad ako ng isa sa mga butler sa bahay. Yumukod muna ito bago mag salita.

"Do- ryeon- nim (Young Master in Korea) pinapatawag po kayo ng Daddy niyo sa office niya." Saad agad nito.

Hindi na ako nagsalita at tinalikuran ko siya at pumunta sa office ni tanda.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob.

"Pinapatawag niyo daw ako." Tanong ko sa kanya.

"Kendal alam mo ba magkano ang nawala sa atin dahil sa ginawa mo?" Sermon nito sa akin.

" Sino yong babaeng gumawa non kay Celine ha? Alam mo bang tumawag si mr. Fuentabella sa akin at galit na galit. Inurong narin niya ang investment niya sa company natin." Tumayo ito pumunta sa harapan ko.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon