I miss you Mom

5.9K 179 0
                                    



"Kendal Lee"

Nag taxi ako pauwi buti nalang at wala na sila sa baba nong bumaba ako galing sa taas.

Dahil paniguradong bu-bullyhin lang ako nang mga yon.

Pag kasakay ko nag taxi ay sinabi ko kong saan niya ako ihahatid.

Habang nasa biahe hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Ang mga tanong ni Ai sa akin about kay Mia.

"Siya parin ba?"

"Siya parin ba?"

"Siya parin ba?"

Parang sirang plaka na paulit ulit na naririnig ko.

Si Mia Saavedra, and babaeng una kong minahal at ang unang nanakit sa akin.

Nakita ko sa kanya lahat ng hinahanap ko sa isang babae na hindi ko makita kay Ai at sa iba pang babae.

Kung nandito lang sana si mommy. May masasabihan sana ako ng mga problema ko at masasandalan sa tuwing may problema.

" Manong sa South Cemetery po muna. Wag kang mag ala-la do-doblehin ko ang bayad." Napansin ko kasi itong napatingin sa akin at sinisipat ako.

" Ahh! Sege po sir." Sagot nito.

Gusto kong matawa dahil sa pag tawag nito sa akin na sir. Sa laki ng pinag bago ko simula sa pagiging boyish at ngayon sa pagiging butch lesbian. Sigurado ako if mag karoon ng pag kakataon na pag tagpuin ang mga landas namin.

Siguradong sigurado akong hindi na ako maaapektuhan sa kanya.

" Sir nandito na po tayo." Si manong taxi driver.

" Pakipasok nalang sa loob." Utos ko sa kanya.

Tumango nalang ako sa mga guard na nandoon. Dahil kilala na nila ako lagi ba naman akong nandoon para bisitahin si mommy.

"Manong jan nalang po sa tabi."

Itinigil naman nito. Tiningnan ko ang relo ko na regalo sa akin ni Ai last year. 5:30 am na din pala.

Nag labas ako ng pera at ibinigay sa kanya ang dalawang libo.

" Dadag-dagan ko pa yan kuya basta hintayin mo akong makabalik dito." Saka inabot ang pera.

"Areglado boss." Sabay saludo nito.

Bumaba ako at nagsimula nang mag lakad papunta kong saan nakahimlay si mommy.

Umupo ako at hinaplos ang lapida niya.

" Hai Mommy kamusta ka na. Sorry ngayon lang ako nakadalaw at wala manlang akong dala kahit bulaklak man lang dahil biglaan ang pag dalaw ko." Napabugtong hininga ako bago nang salita ulit.

" Nag pakasal si Daddy mommy and sorry wala man lang akong nagawa para mangyari yon. Di ko man lang napigilan nag promise siya sayo pero hindi niya tinupad." Parang bata na pag susumbong ko.

" I MISS YOU MOM" Saad ko dito habang hinihimas ang lapida niya.

Hindi ko alam kong bakit wala man lang luha ang bumagsak sa mga mata ko.

Siguro dahil sa sakit na naramdaman ko at sa mga nangyari sa akin.

Nag kwento ako ng kong ano ano kay mommy at saka napag pasyahang umuwi.

-------------------------------

Pag kadating ko ng bahay Si nanay Rosa ang sumalubong sa akin siya ang nag alaga at tinuring akong anak kahit pa katulong lang namin ito.

"Nanay si Dad at yong babae niya?" Tanong ko sa kanya.

Sa lahat ng tao naging cold ako except kila nanay at sa gang.

"Nasa garden sila ng tita Leny mo... Anak hindi sa nangingialam pero asawa na siya ng daddy mo sana naman tanggapin mo na siya. Ayos naman ang tita Leny mo at alam kong aalagaan nuya sng daddy mo at ikaw." Nanay Rosa said.

Ayaw kong magalit kay nanay kaya humalik nalang ako sa pisngi niya at pumunta sa garden

At hindi ko nagustuhan ang nakikita ko. Ang dalawang taong nag lalandian dito sa garden.

Tumikhim ako para mapansin nila ako.

" Ahem!" Agaw pansin ko sa kanila na ikinatingin nila sa gawi ko.

" Anak come here join us for breakfast habang mainit pa yong foods"Yaya sa akin ni Daddy.

" Tama ang Daddy mo Ken mas masarap ang pag kain kong mainit pa. Tara join us." Ngumiti ito pagkatapos.

" No need.... Baka masuka pa ako habang kumakain. Mukha kasing sarap na sarap ka sa kandungan ni Daddy. Just enjoy." Ngumiti ako ng fake.

Mukha namang nahiya ito at tumayo mula sa pag kakaupo sa kandungan ni Dad.

" Ken! Huwag na wag mong babastusin ang tita mo."

Bulyaw nito sa akin at napatayo pa ito na pinigilan naman ng babae niya.

Kahit kailan hindi ko matatanggap na asawa siya ng daddy ko.

NEVER!!!!!

"TSK!!!"

Tumalikod ako dahil ayaw kong salubungin ang galit nito.

" Ken!! Bumalik ka dito nag uusap pa tayo." Rinig kong pag tawag nito sa akin pero hindi ko ito pinakinggan at nag tuloy tuloy umakyat at pumasok sa kwarto ko.

Naligo muna ako para maginhawaan ang pakiramdaman ko.

Paglabas ko habang pinupunasan ang buhok kong basa ay seryusong mukha ni dad ang bumungad sa akin.

" Ayaw ko ng inasal mo kanina Ken be nice to your tita Leny or else..."

" Or else what itatakwil mo ako? Just do it." I said to him.

" Or else ipapasara ko ang foundation." Biglang nag bago ang mood ko sa sinabi niya.

Ang foundation na tinutukoy niya ay for the youth. Sa mga bata na wala nang magulang or guardian man lang.

" Hindi mo gagawin yan." Sabi ko sa kanya.

" Alam mong kaya kong gawin." May warning ang tono ng pananalita ni dad.

" Huwag mong ubusin ang pasensya ko Kendal alam mo ang kaya kong gawin.

Tumayo ito mula sa pag kakaupo at tumungo ng pintuan. Ako nama'y napa kuyom ang kamao ko.

" Nga pala may family dinner tayo mamaya. Dadating ang anak ng tita Leny mo from L.A and I'm warning you Kendal." Banta nito at tuluyan ng lumabas.

" Ahhh! Fuck !" Humiga ako sa kama.

Bakit ba nangyayari sa akin to.

Nag pasya akong matulog muna. Wala akong ganang makilala kong sino mang anak ng babae niya.

Kahit kailan hindi ko kikilalanin ang asawa niya bilang bagong asawa nito. Dahil isa lang ang kinikilala niya yon ang mommy ko.

���[Ǘ�

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon