Love you!!! wife

1.7K 85 18
                                    

MIA POV

Four years na ang nakalipas.
Sa apat na taong pag sasama namin ni Kendal  hindi parin kami nabibigyan ng anak.

Anak na bubuo sa amin bilang pamilya. Ilang taon na kaming sumusubok pero walang nangyayari kong hindi mabuo, mahina naman ang kapit ng bata sa sinapupunan ko.

Naawa na ako sa asawa ko. Sa tuwing magkakasama kaming magkaka ibigan na halos lahat ay may anak na kaming dalawa nalang at si Rico ang wala pang anak na hanggang ngayon playboy parin.

"Babe!" tawag sa akin ng asawa ko na kakauwi palang.

Six na ng umaga mag damag ko pa naman siyang inantay.

Nag luluto ako ng breakfast ngayon. Every sunday kasi day off ng mga kasambahay namin parang quality time na naming dalawa ni Kendal.

Hindi ko ito pinansin kasi may kasalanan pa ito sa akin kagabi.

"Babe..." pagtawag nito ng pansin.

Hinango ko na yong egg nilagay sa plate saka nilagay sa mesa.

Akmang yayakap ito ng umiwas ako sa kanya.

Nawalan na ata ito ng pasensya kaya napabugtong hininga ito bago magsalita.

"Okay sorry hindi ko naman kasi akalain na ma extend yong meeting. Hindi na tuloy ako naka text or call sayo. I'm so sorry na babe." pakiusap nito.

Umaga na kasi itong naka uwi kaya bweset na bweset ako at don pa siya natulog sa apartment ng babaeng hitad na secretary niya.


Binato ko sa kanya yong basahan na hawak ko.

"Mag sama kayo ng babae mo." i said to her saka akmang aalis ng kusina ng hawakan ako nito sa braso.

"How many times do I have to tell you na hindi ko babae si Angela." alam kong naiinis na ito pero dala ng selos naging sarado na ang isip ko sa sinasabi nito.

"I told you na tanggalin mo na siya as your secretary bakit nakinig ka ba? Diba hindi? Tapos malaman laman ko pang doon ka natulog sa apartment niya." galit na galit na sigaw ko sa kanya.

Napakamot ito ng ulo dahil sa inis na nararamdaman niya. Halata ding nauubusan na ito ng pasensya.

"Pinakiusap sa akin nila mommy si Angela. Alangan namang tumanggi ako. Saka nakakahiya sa tao na aalisin ko nalang siya bigla dahil ayaw mo sa kanya. Pinapairal mo nanaman yang pag seselos mo na wala sa lugar. Saka yong kagabi I told you na napilitan akong bantayan yong tao dahil iyak ng iyak nasubrahan kasi siya ng inom don sa event na napuntahan namin. Naawa lang ako sa tao kasi kakahiwalay lang non sa boyfriend niya." mahabang paliwanag nito na nakapag painit pa lalo ng ulo ko.

"Naawa ka sa tao sa akin hindi ka naawa na nag antay ako sayo kagabi hanggang magdamag ni hi ni ho wala. Siguro kaya ganyan ka sa akin kasi hindi kita mabigyan ng kahit isang anak. Dahil wala akong kwenta para sayo ganun yon diba." sinuntok suntok ko siya sa dibdib niya gamit ang libre kong kamay.

Pilit nitong hinawakan ang kamay ko nag tagumpay naman ito nahawakan ang mga kamay ko.

"Mia stop!!!" sigaw nito kaya tinigilan ko na siya.

Hinila ko ang kamay ko saka tinalikuran siya at kumuha ng tubig sa refrigerator.

Sinundan naman ako nito.

"Mia naman simula palang nilinaw ko na sayo na kahit hindi tayo mag ka anak ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko." senserong sabi nito.

Uminom ako ng tubig at masama siyang tinitigan. Nag titigan kami sa huli siya din ang bumitaw sa titigan namin.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon