Takot

2.3K 118 23
                                    

"Kendal POV"



"San ba kasi tayo pupunta?" pangungulit ni MC sa akin.

Simula ng umalis kami ng bahay ay hindi na ito tumigil sa katatanong. Sa bahay nadin kasi ito natulog kagabi. Namiss daw kasi niya ako sino ba naman ako para tumanggi.

Walang araw o minuto kaming nag uusap mapa call or video call. Pero parehas kaming walang kasawaan sa isat isa. Napaka swerte ko sa kanya dahil hindi lang siya ideal girlfriend kundi ideal wife din.

Wag kayong mag isip ng kung ano-ano natulog lang kami magkasama. Wala din itong nababanggit sa family at kong kailan niya ako ipapakilala ayaw ko namang pangunahan siya sa desisyon about doon.

Gusto ko ding ipakilala niya ako pag handa na siya. Hindi naman ako nag mamadali.

Nirerespeto ko naman siya kahit official na ang relasyon namin wala pa ulit nangyayari sa aming dalawa. Ayaw ko namang pilitin ito sa mga bagay na ayaw niya. Lalo na pagdating sa ganoong bagay gusto ko pareho nmaing gusto.

"Ken saan ba kasi?" pangungulit ulit nito sa akin.

Pero ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Ang kulit kasi sobra.

"Bakit hindi mo nalang kasi sabhin kong saaan tayo pupunta." nakahalukipkip na sabi nito.

Pero isang malutong na tawa lang ang sinagot ko. Kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Nag dress pa naman ako at nagpaganda ng bongga. Hidi naman sinabi kong date ba to. Bakit kasi nahihiya pang mag aya ng date pwede naman niyang sabihin ng direct." Pabulong bulong na reklamo nito.

Pero rinig na rinig ko naman.

Hinarap niya ang tingin sa akin. "I hate you mmmmppphhh." biglang sabi nito.

Pasulyap sulyap lang ako at pinipigilan ko lang matawa. Para kasi itong bata. Grabe ang cute niya talaga. Wag kayong maingay na sinabihan ko siya ng cute baka maging dragon nanaman haha.

Hindi mo talaga sasabihin kong saan tayo pupunta kai.......?" hindi na nito natapos ang sasabihin ng iliko ko ang sasakyan napatahimik nalang ito.

Matagal tagal ko ding hindi napuntahan ang lugar na ito. Last na nong dinalaw ko siya bago ako umalis ng pilipinas. Haiiiissssst!!!

"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong niya sa akin.

"Basta malalaman mo din." tanging naisagot ko lang.

Ipinarada ko naman sa gilid ng daan ang sasakyan ko. "Nandito na tayo."

Excited na sabi ko sa kanya. Bumaba ako at mabilis na pinagbuksan siya.

Inilahad ko sa kanya ang kamay ko na agad niyang tinanggap.

"Thank you." pagpapasalamat nito.

Pagkasara ko ng pintuan ng kotse agad akong pumunta ng likuran para kunin ang favorite flowers niya na naka basket. Agad ko namang binalikan si MC sa pwesto niya kanina. Naka kunot ang noo nito ng makita ang dala kong bulak lak.

"Don't tell me... dito mo ako ede-dadate sa cemetery." nakapamiwang pa na sabi nito na ikinatawa ko.

"Hahahaha!! grabe iba ka talaga." iling na sabi ko sa kanya saka pinitik ang noo niya na nakagawian ko na.

Pak!!!

Nakatikim tuloy ako ng hampas sa braso sa dahil sa ginawa ko.

"Ouch ahh!! Lagi mo nalang pinipitik yong noo ko. Sabihin mo lang kong may galit ka bweset na to." mahahalata mo ang inis sa boses nito.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon