PALABAN

1.1K 72 21
                                    

"Kendal POV" 

Pak!

Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa ina ng magkapatid.

Pagkatapos kong sabihin ang totoong nangyari.

Kahapon ko pa tinatawagan si Mia pero hanggang ngayon ay out coverage parin ang number nito.

Hindi man lang ako nito hinayaang mag paliwanag na ikinainis ko. Peeo kahit ganoon di ko parin magawang magalit sa kanya.

At kahapon pa walang malay si Mc. Ang sabi ng doctor normal lang daw yon dahil sa mga gamot.

"Pag katapos mong tuhugin ang mga anak ko ito nanaman Ken. Hindi ako tumutol ng siya ang nag dala sa magiging anak niyo ni Mia. Kahit pa tutol ang kalooban ko don. Pumayag parin ako pero itong saktan mo siya at pati ang nasa sinapupunan niya idamay mo ibang usapan na yon." galit na galit na turan nito.

Kaya isang sampal pa ang iginawad nito sa akin.

"Hon tama na!" sita ni daddy sa kanya.

Hinawakan ito ni dad at iniharap sa kanya.

"No.. Hindi na ako papayag na magkagulo ang mga anak ko dahil sa anak mo. "




Galit na humarap ito sa akin.

"Ito ang tatandaan mo Kendal once na may mangyari sa anak kong si Mc sisiguraduhin kong ilalayo ko ang asawa mo sayo at sana lang piliin mo ang anak ko kaysa sa anak mo kong dumating nag point na ganun.

Mabilis itong lumabas ng kwarto at padabog na sinara yong pinto.

"Hon!" tawag ni daddy saka sinundan ang asawa niya.

Habang sila mama tahimik na nakikinig kasama ang kambal.

Lumapit ako kay MC at hinawakan ang kamay nito. Napaluha nalang ako inilapat ang kamay niya sa pisnge ko.


"I'm sorry MC di ko sinasadaya." pinunasan ko ang luha sa pisnge ko.


Habang si Mc ay mahimbing na natutulog.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

"Lalabas muna kami anak." paalam ni mama.

Tango lang sinagot ko sa kanila ng isa isa silang nag paalam.

Pag ka rinig kong nag sarado ang pinto napatitig ako kay Mc. Tulog na tulog ito.

Napahawak ako sa tiyan nito pero hindi ko alam pero parang wala na akong makapang umbok. Pero binaliwala ko lang yon kasi sabi ng ob maliit lang talaga mag buntis Si Mc.

"I'm so sorry promise di na mauulit to." I said.

Maya maya ay dumilat ang mga mata nito. Nakangiti itong tumingin sa akin.

Napalaki ang mata kong naka tingin sa kanya.


"Thanks GOD gising ka na!" agad ko itong niyakap ng mahigpit.

"Ken di ako makahinga." saad nito na natatawa.



Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Inalalayan ko itong umupo ng pinilit niyang umupo.

Tumingin ako ng seryuso sa kanya.


"Mc I'm so sorry di ko talaga sinasadya." sabi ko sa kanya.
Ngumiti ito sa akin at hinawakan ako sa pisnge.

" Aaminin ko nagalit ako Ken. Pero mahal kita kaya di ko kayang magalit sayo ng sobra." Bigla naman nitong hinila ang batok ko at isiniil ako ng halik sa gulat ko agad kong hiniwalay ito sa akin.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon