Kissable LIPS..

5.5K 171 7
                                    

MIA POV

Pagkaalis ni Kendal ay wala kaming imik na tatlo. Ngayon ko lang nakitang magalit si tito ng ganon. Dahil nakilala ko ito bilang kalmadong tao.

Kanina gusto ko ring sumabat dahil sa ginawa niya kay mama. Pero mas pinili ko nalang ang tumahimik dahil baka lumala pa ang gulo.

Nag sorry naman si tito sa inasal niya kanina.

Pagkatapos kumain ay agad akong umakyat sa kwarto ko para mag surf sa net. Ibang name ang ginamit ko sa mga social media account ko para walang makatunton ni isa sa mga kaibigan namin.

Dahil nahihiya ako sa pag iwan ko dati kay Kenny.

Hanggang sa naisipan kong eh activate ulit ang old Facebook account ko bago umalis ng Philippines. Halong kaba ang nararadaman ko ng enenter ko ito at nag open ito.

Enopen ko ang isang folder kong saan naka lagay lahat ng memories naming dalawa.

Hinaplos ang screen ng laptop ko.

"Ito ang araw kong saan masaya kaming dalawa at mahal na mahal namin ang isa't isa na higit pa sa pagiging magkaibigan." Napangiti ako sa ala-alang iyon.

Yong isa sa mga picture namin na hinalikan ko siya sa pisngi gulat pa ang mukha nitong mababakas mo sa picture.

Pero only me lang ang nakalagay na privacy dahil ayaw ko na malaman ng iba na nag mahal ako ng kagaya niya.

Ang alam lang nila ay bestfriend ko siya. Tanging mga kaibigan lang namin ang may alam na kaming dalawa. Alam ko that time nasasaktan ko si Kenny lalo na nang itanggi ko siya sa ibang tao.

Pero always parin itong nakangiti kahit alam ko nasasaktan ito. Masisisi niyo ba ako kong takot akong malaman ng iba na umibig at may karelasyon akong babae.

Dahil wala akong lakas ng loob na ipagsabi na mahal ko siya at siya ang nag papaligaya sa akin. Takot ang pinairal ko sa pagkatao ko at takot din ang naging dahilan para saktan ko siya.

Yong araw na iyon, yong araw kong saan niwasak ko ang puso niya sa rooftop ng school. Kung papano siya nasaktan at nagmakaawa na wag ko siyang iwan.



But at the end mas pinili ko pa siyang iwan at saktan. Tumulo ang luha ko habang inaalala ang araw na iyon. Kaya mas minabuti ko nalang mag log out. Naaalala ko naman si Kenny kay kendal lalo na sa mga mata nito.

Hindi ko rin alam kong bakit tinawag niya ako sa pangalan ko at kong bakit kilala niya ako. Hindi pa naman ako nakikita or pinapakilala ni tito sa kanya ngayon pa lang.

Kaya I decided to search information about Kendal. Para kasi may nag uutos sa akin na mag hanap ng info tungkol sa kanya. Nag start na akong maghanap at ikinagulat ko ang mga nabasa ko tungkol sa kanya.

Sino ka ba talaga Kendal Lee...

------------------------------------------------------

Bumalik agad ako sa kwarto ko pag katapos akong halikan at iwanan ni Kendal. Buti nalang at dumating si manang Rosa kundi saan pa napunta ang halikang yon, na nag pabilis ng husto sa tibok ng puso ko.

Hindi na ako pinatulog sa nalaman ko at sa paghalik niya sa akin. Alam ko sa sarili ko na kahit anong tanggi ko namiss ko ang labi at haplos niya. Inaasam ko ulit maramdaman ang labi at haplos na yon.

Hindi ko akalain talaga ang lahat ng nabasa ko. Mga picture na nagpatibay sa hinala ko.

Bakit hindi ko man lang nalaman agad kong sino siya. Lalo nang pinatunayan nito ang paghalik niya sa akin.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon