Decision

2.7K 118 19
                                    

Guys sorry kung pinatay ko si Aiyah sa kwento. Pinagplanuhan ko talagang patayin siya hahaha. JOKE. Pero malalaman niyo yong purpose ko kaya namatay si Aiyah sa story. Thank you po sa lahat ng nagbabasa ng story ko . LOVE YOU All guys. MUAHHHHHH!!!

NOTE: PLAY NIYO YONG VIDEO:::

Kendal POV

Tumagal pa ang isang buwan simula nang magising ako. Lumipat na din ako dito sa bahay nila mommy at mama.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at naka upo sa kama ko habang nagbabasa. Ito na ang naging libangan ko dahil sa bawal pa ako ng mabibigat na activities.

My mom and si mama pinadama nila sa akin ang pagmamahal na matagal kong hindi ko naramdaman galing sa magulang.

Dito nadin ako tumira sa kanila dahil gusto daw nila bumawi sa taon na hindi nila ako nakasama.

Nakilala ko na din ang dalawa kong kapatid. Kambal silang dalawa at katulad ko product din sila ng virto fertilization. After kasing makatakas ni mama kay papa ay nag decide silag bumuo ulit ng family.

Nine years old ako nong tinangka ni mama na tumakas kay dad and mag ten years old ako ng sinabi ni dad that my mom is dead.

Si Uno ang oldest (boy) at si Blue Victoria Smith (Girl) and they both 15 years old.

Si dad naman, sinubukang makipag ayos sa akin. But I think it’s not the right time para patawarin siya.

Malalim ang iniwan niyang sakit sa puso ko simula nong bata palang ako.

Lumayo ang loob ko sa sarili kong ama dahil sa mga nangyari. Bawat isa sa amin ay bitima ng pagmamahal.

Napuno nang galit ang puso ko para sa kanya at hindi ko alam kong kaya ko pa ba na patawarin ang sarili kong ama.

Hindi nadin ako pumapasok at nag ho-home study nalang ako. Minsan pumupunta dito ang barkada nag kaayos nadin kami at lahat ng iyo dahil kay Aiyah.

Nalulungkot ako at minsan sinisisi ko ang sarili ko na sana hindi nalang niya ginawa ang bagay na iyon. Sana tinuruan ko nalang ang puso ko na mahalin siya. Mahalin si Aiyah siguro kahit papano napasaya ko siya. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi.

Nagsisisi ako sa lahat ng sakit na dinulot ko sa kanya. Bakit ba kong sino pa ang laging anjan sa atin at handa tayong mahalin, ay siya pang hindi natin kayang mahalin.

Kay Mia wala narin akong balita at wala nadin akong balak na malaman kong anong nangyari sa kanya o kong asan siya. Katulad ng sinabi ko sa kanya kakalimutan kong nakilala ko siya.

I need to forget all memories na kasama ko si Mia. Buburahin ko lahat simula ng makilala ko siya. Pati ang nararamdaman ko sa kanya.

At isa lang ang ala-alang ititira ko na si Mia Saavedra ay stepsister ko at hindi ko siya kahit kailan minahal. Na walang Mia ang dumaan sa buhay ko at minahal ko ng sobra.

Tama si Aiyah sasaktan at sasaktan niya ako. Nagawa niya nga akong iwan dati pano pa kaya ngayon. Nong nasa hospital ako umasa ako na sana magpakita si Mia sa akin. Pero kahit anino niya wala man lang akong nakita.

Totoo nga ang sinabi sa isang kanta LOVE HURTS na kahit sino pwedeng maging victim ng pagmamahal. Sa una masarap pero habang tumatagal nawawalan na ng kulay at hindi mo namamalayang nasaktan ka na pala o nakakasakit ka na.

Tok!

Tok!

Tok!

Sunod-sunod na katok ang gumising sa akin mula sa malalim na pag iisip.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon