Selda

3K 81 5
                                    

"Kendal POV"

Katatapos lang akong kuhanan ng mug shot at fingerprint. Andito nanaman ako sa loob ng selda pang ilang beses na ba to.

Paniguradong katakot-takot nanamang sermon ang matatanggap ko galing kay old man. Baka nga totohanin na niyang kunin ang mga credit card ko.

Hindi ko lang talaga napigilan ang inis at galit ko kanina na pati ang pakiusap ni Mia na tumigil ako ay hindi ko pinakinggan.

Nakaupo lang ako sa gilid sa loob ng selda habang nakayuko.

"Oh! The great Kendal Lee nasa loob nanaman ng mga rehas hahaha!"

Napaangat ang mukha ko at sumalubong sa akin ang mapang asar na mukha nitong bwesit na pulis na to lagi nalang. Tuwing nandito ako sa loob ng selda na to lagi nalang akong binu-bwiset niyan.

" Pwede ba Mondragon! Tumahimik ka nga at itago mo yang pangit mong mukha! Naaalibadbaran ako please lang!" May pag kainis sa boses na saad ko.

"Hahahahaha!." Ngunit malutong na tawa lang ang isinukli nito sa akin.

"Anong kaso nito?" Tanong nito sa isa sa mga pulis na nandoon.

"Serious physical injuries mam. Waiting pa po kong mag fifile ng case ang pamilya ni gov." Saad ng pulis na pinag tanungan niya.

"Na inquest na ba yan?" Tanung niya ulit dito.

"Yes mam." sagot naman nito.

Humarap ulit ito sa akin. Napansin ko naman na may nakalagay sa kamay niya. ( di ko alam yong tawag basta yong kulay blue na nakakabit sa leeg pag napilayan or nabalian.)

"Tsk! Iba ka talaga dinali mo nanaman yong anak ni gov. Pangalawang beses na ito ahh!" Hindi makapaniwalang nakatingin ito sa akin.

"Bagay lang sa kanya yon! Wag lang ulit mag papakita yong manyak na yon dahil pag nakita ko siya ulit mas grabe pa ang gagawin ko sa pagmumukha non." Saad ko.

"Ano bang nangyari?" Tanong nito.

Kahit mapang asar yang si Ivo naging kaibigan ko narin yan ilang beses ba naman akong pabalik balik sa presento at makulong sa selda.

" Wag na nating pag usapan nakakapang-init lang ng ulo. Dapat mas grabe pa don ang ginawa ko." Saad ko.

Napailing nalang ito napansin ko naman si Rose sa likod niya at may inabot sa pulis na kausap ni Ivo kanina.

"Yong babe mo oh!" I said and the nginuso si Rose.

Pero hindi man lang nito binigyan ng pansin ang babae. Snob ang peg ni Inspector Ivo Mondragon.

" Oh parang may naamoy ako na hindi maganda." Ngumiti naman ako ng nakakaluko.

Binigyan naman ako nito nang nakakamatay na tingin kaya na patawa ako.

Umalis din agad yong Rose at bumalik sa desk nito. Walang pansin ang drama nitong dalawa.

(Guys promote ko lang yong isang story ko Warmest Love story po ni Ivo at Rose thank you.)

"LQ?" Tanong ko sa kanya.

"Pano mo nasabi na LQ ni hindi naman kami Kahit kailan hindi magiging kami." Walang emosyong sagot nito.

"Layuan ko daw siya kaya gagawin ko na! Kahit kailan hindi daw siya papatol sa katulad ko... natin." Dugtong nito sa unang sinabi.

Bigla namang naging malungkot ang tono ng boses niya.

"Wag mong ipagpilitan ang sarili mo may iba pa naman jan." Payo ko sa kanya.

Grabe din ang love story ng dalawang yan. Tsk! Ikaw ba namang manligaw ng isang taon grabe ang tagal nang nanliligaw yang si Ivo kay Rose. But until now puro pagtanggi lang ang ginagawa ni Rose sa kanya. Pareho silang pulis ano pa ba ang hahanapin mo kay Ivo.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon