LUHA

2.5K 118 23
                                    

Alam kong matagal akong hindi nakapag update. Kaya humihingi ako ng sorry naging busy lang talaga ng sobra sa work at sa pag rereview pero pipilitin kong sundan to.

PS….

“Aiyah POV”

Nanginginig ang kamay ko habang nag aantay sa waiting area ng hospital. Mapapatay ko talaga yang si Mia kasalanan niya lahat ng ito. Simulat sapol siya naman na ang hadlang sa amin ni Kendal.

Wag lang talaga mag papakita o ipakita yang pag mumukha niya dahil lintik lang ang walang ganti.

Actually this is the second attack ni Kendal at dahil ulit sa babaeng yon. That girl na kahit anong gawin ko hindi ko siya mapalitan sa puso ni Kendal. Tinawagan ko na din si Tito Robert at Tita Lorien the ex-wife of tito Robert to inform them sa nangyari kay Kendal.

Yes may contact ako sa mother ni Kendal ang babaeng nag luwal kay Kendal si Tita Lorien Smith.

Matagal ko nang alam na Tita Lorien is still alive. Since the day ng inatake si Kendal ng sakit nito Mag fi- five years na tinutulung ko ito ng patago dahil ayaw nitong malaman ni tito Robert na dumadalaw sila tita Lorien at ang asawa nito kay Kendal ng patago.

Nag aantay ako sa labas ng emergency room habang ni re-revived ng doctor si Kendal. Umaagos ang luha ko.

Maya maya dumating nadin si tito Robert kasama ang bagong asawa nito na ngayon ko palang ma me-meet at si nanay Rosa.

“Aiyah what happen to my daughter.” Humahangos na sabi ni Tito Robert.

Lumapit ako kay nanay Rosa at yumakap. Inalo-alo naman ko ni nanay Rosa.

“ Ti-to si Kendal… Ba-baka naulit ulit yong nangyari nong fi-five years ago.” I said to him.

Napaupo at napahawak sa ulo niya. Umupo naman ang asawa nito sa gilid niya at dinamayan ito.

“Robert!” Napalingon kami sa gawing kanan namin ng may narinig kaming tumawag sa pangalan ni tito Robert.

Isang suntok ang dumapo sa mukha nito na ikinatumba ni tito Robert. Galit na galit na mukha ni tita Savanna ang nakita namin.

“Hon!” Gulat na dinaluhan ni tita Leny si tito Robert habang pinupunasan ang dugo sa bibig nito.

Habang si Tita Lorien pinipigalan ang asawa nito na sugurin ulit si Tito Robert.

“Sav please stop!” Pagpipigil nito sa asawa na muling sugudin si tito Robert.

“I told you before if ever may mangyari ulit sa anak ko. Papatayin kita hayop ka sinira mo ang pamilyang pinangarap naming buohin ni Lorien. Nineteen years Robert for nineteen years hindi namin nakasama ang panganay namin at dahil sayo yon. Dahil sa kasakiman mong hayop ka.” She said to tito Robert at ramdam mo ang galit sa bawat pagbigkas nito sa mga salita. Hawak hawak naman siya ni Tita Lorient para pigilin ang muling pag sugod ng asawa nito kay tito Robert.

“I’m a father karapatan kong makasama ang anak ko na kahit kailan hindi mo maibibigay kay Lorien sa natural na paraan.” Mapangisultong sagot nito tumayo ito yumakap naman ang bagong asawa nito sa kanya.

“Hahaha! Your the father! Yes ikaw nga pero Pasakit lang ibinigay mo sa batang sinasabi mong anak. Why naging ama ka ba sa kanya? Dapat hinayaan niyo nalang kaming maging buo at makasama siya. Pero ano pinairal mo yang kasakiman mo. May karapatan kami sa anak namin.” Nagigigil na saad nito.

Habang ang mga asawa nito ay tahimik lang na nakikinig sa sa pag papalitan ng maaanghang na salita ng dalawa.

“Umalis na kayo dito hindi kayo kailangan ng anak ko!” Bulyaw ni tito Robert sa mga bagong dating.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon