Regrets

1.4K 125 17
                                    

"KENDAL POV"

"Hey babe sorry hindi na kita nasundo." nakangiting sabi ko sa kanya.


Pinag hila ko ito ng upuan. Pagkalapat ng pang upo nito.  Humalik ako sa pisnge niya habang sinusuot ko yong kwentas na pang piece offering  ko sa kanya.

.

Agad siyang napahawak don. Naka off shoulder na dress kasi siya kaya nahalikan ko ang makinis na balikat nito bago ako umupo sa harapan niya.


"Do you like it?" tanong ko sa kwentas na suot nito.



"No! Because I love it." tipid na ngumiti ito sa akin.



"May sasabhin sana ako babe pero pag usapan nalang natin after natin kumain."



Nag sinyas ako sa waiter para o serve na yong foods namin.




"Cheers?" saka tinaas ang glass wine na hawak ko.


Hindi naman ako napahiya kasi inilapat din nito ang glass wine niya sa akin.

Katatapos lang naming kumain and I think this is the right time para sabihin ko sa kanya ang napag desisiyonan ko.




"Bebe... Mia I know nag tatampo ka sa akin." walang paligoy ligoy na pahayag ko sa kanya.


Kaya napa angat ito ng tingin.


"No I'm not sino naman nag sabi sayo niyan?" she said pero alam kong nag sisinungaling siya.


"Sa action mo.. Kaya I decided na.... (hingang malalim) pumayag sa gusto mo na maging surrogate mother natin si MC." nakangiting sabi ko sa kanya.


Para namang natuklaw ito ng ahas dahil sa sinabi ko.


"Mia." pagtawag ko sa pangalan niyan.


"Talaga babe pumpayag ka na?" tuwang tuwang sabi niya ng maka recover siya.


Pero hindi ko pinansin ang tanong nito.


"Care to dance?" yaya ko sa kanya ang ganda kasi ng music.



Ngumiti ito saka inilapat ang palad niya sa kamay ko na ikinangiti ko rin.



Binigla ko itong hinila papalapit sa akin.


Kaya napayakap ito sa akin.


Hinalikan ko ito sa ulo at saka paulit ulit na binulong kong gaano ko ito kamahal.




Sana sa desisyon kong ito maging mas matatag ang pagsasama naming dalawa.



Niyakap ako nito saka kami sumayaw sa saliw ng musika.



Fast-forward



After ng usapan namin kagabi ni babe pinuntahan namin agad si MC sa condo unit nito.

At para narin ipaalam ang pagpayag namin sa suggestion or alok nito sa amin.



Excited itong ibalita sa kapatid ang pag payag ko sa pag dala ni MC sa magiging anak namin ni Mia.



Nasa sala kaming talo ngayon at tulog ang anak nito sa kwarto nila after lunch na kasi naming naisipan na pumunta dito.



"So anong atin?" tanong nito sa aming dalawa.

"Were here ate kasi we want you na maging surrogate namin if payag ka padin." Nakahawak sa kamay ko si Mia habang naka ngiting nagtanong ito sa kapatid.



Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ng mapatingin ito sa kamay naming dalawa na magkasugpon.



Pero agad din naman niyang inalis ang paningin nito sa amin.




"I'm glad na pumayag kayo para naman magkapamangkin na ako sa inyo." ngiting ngiting sabi nito.




"Kaya nga ate eh buti pumayag itong si Kendal." tumingin ito sa akin at pinanggigilan ang mukha ko.



"Babe masakit." I said.



Natawa namn ito saka ako hinalikan sa labi.



"Ahem." si Mc kaya napabitaw kaming dalawa sa kanya.



"So Kailan tayo mag start." nakangiting tanong nito.



Sa lalong madaling panahon ate." sagot ng asawa ko.


After 4 months.....




Mabilis lumipas ang panahon tatlong buwan na ang tiyan ni MC. At hindi ko nagugustuhan ang nangyayari.



"Sege na babe hindi makatulog si ate ngayon lang naman eh gusto ka lang niya makatabi alam mo naman pinaglilihian ka non. Naawa na nga ako kay ate kasi iyak siya ng iyak."


Nandito kami ngayon sa kwarto at dito na din naka tira si MC at ang anak naman  nito nakay  mama nila.



"No di pwede ayaw ko." i said na nanindigan sa desisyon ko. Nakaka bweset sobra ang hinihiling niya.



"Hon naman please!" pamimilit nito.



"I said no!" tumayo ako sa inis ko kay Mia.



  Gusto niyang tabihan ko ang kapatid niya. Hindi ba niya naalala na may relasyon kami dati ng kapatid niya.


Tapos ngayon gusto niyang magtabi kami ng kapatid niya.



Tumayo ako at pumunta sa veranda. Kumuha ako ng yosi sa bulsa ko dahil sa sobrang stress sa work pati sa bahay.



Sinindihan ko yon at bumuga.



"Diba I told you na itigil mo na yang paninigarilyo." saka nito kinuha sa kamay ko at tinapon.


Sinundan pala ako nito ayaw kasi nitong nakikitang naninigarilyo ako. Bweset na bweset ito . Pero kasi itong paninigarilyo ang pampakalma ko kaya minsan patago nalang ako kong manigarilyo.




Kinapkap niya ang bulsa ko at kinuha ang laman non saka pinag puputol.




Mas lalo akong nainis hindi ko na maintidihan ang ugali niya.





Iniwan ko siya don at tumalikod saka humiga sa kama at dumapa



Naramdaman ko nalang ang pag upo nito sa kama.




"Ano bang problema mo ha?" saka ako hinampas sa balikat.



Hindi ko ito sinagot kaya mas lalo itong nainis kaya pinag hahampas niya ako.




"Bweset ka kainis ka!!!" siya habang patuloy niya akong pinaghahampas.



Sa inis ko tumayo ako mula sa pagkakadapa sa kama.


"Ako pa ngayon ang nakakainis. Mia you know na may relasyon kami ni Mc dati tapos ganito.." Inis na sumbat ko sa kanya.





"Eh ano naman ngayon eh sa kailangan ka ni ate anak natin ang pinag uusapan dito. Saka isang gabi lang naman." baliwalang sagot nito na lalo kong kinainis.





"Gusto mo mag tabi kami. Then fine kong yan ang gusto mo!" kinuha ko ng padabog ang unan ko at lumabas ng kwarto.





Pabalibag ko namang sinara yong pintuan at nag tungo na sa silid ni MC.


Ngayon pinagsisihan ko nang pumayag akong maging surrogate namin ang kapatid niya.
"""""
May nagbabasa pa ba nito.

Sorry kong demanding ako pero please bigyan niyo ako ng 100 votes for this chapter and i promise magiging regular na ang pagsusulat ko nitong story. Para ma motivate naman akong ituloy pa to.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon