Pain

2.8K 107 8
                                    

Gusto kong mag thank you sa nga nag comment na ituloy ko tong story. Kaya itutuloy ko na po hinihingi ko po ang support niyo until sa last chapter ng story na to.

Please vote and comment para mag maroon naman ako ng inspiration na sundan tong chapter na to agad. Thank you.

"MIA POV"

"Good morning ma."

Bati ko kay mama at humalik sa pisngi niya.

Umupo naman ako sa tabi niya para mag breakfast.

Sobrang saya ng date namin ni Kendal kahapon. Sana laging ganun walang problema at masaya lang kami.. Haiistttt.

Mamaya yayayain ko ulit siya para mag date.

Best date ever yong nang yari kahapon dahil sa pagka miss ko sa street food napadami ako tuloy ng kain. Buti nalang at hindi nag loko ang tiyan ko.

Syempre joke yon kasi umabot lang naman ako ng tatlong oras sa cr. Haha at ang walang hiyang panget na Kendal na yon tinawanan lang ako.

Ang sarap lang balikan yong happy memories namin together. Nong nililigawan palang niya ako.

Na kahit pinaparamdam ko sa kanya dati na nandidiri ako sa katulad niya. Nandyan parin siya sa tabi ko at hindi sinukuan pinagpatuloy niya ang panliligaw sa akin ng patago.

Hanggang one day nagising nalang ako na mahal ko na siya.

----------+----------

Wala si tito Robert dahil may business summit itong pinuntahan sa labas ng bansa. Kaya dalawa lang kami ni mama ngayon..

Nagsimula na akong kumuha ng hotdog, bacon and rice. Inilagay ko ito sa pinggan ko at nagsimula ng kumain.

Napatigil ang ako sa pag subo ng may lumapag na diaryo sa harapan ko.

"Anong ibig sabihin niyan Mia?" Galit na tanong nito sa akin.

Napakunot Noo akong dinampot ang newspaper at binasa ang nandoon.

Anak ng isang kilalang negosyante nakitang may kasamang iba at kahalikan kahit pa engage ito sa anak ng isa ding kilalang negosyante.

May mga picture pang naka attach sa diaryo pero tinakpan ang mukha naming dalawa. Pero alam kong kami yon.

Anong sinasabi dito sa diaryo na engage na si Kendal. Hahahaha nagpapatawa ba ang sumulat nito.

"Mia answer me anong ibig sabihin niyang nasa diaryo?" Mahinahong pagkakasabi nito pero alam kong nagpipigil na ito ng galit.

Inangat ko ang paningin ko at tiningnan siya.

"Ma!" Nanginginig ang boses na tawag ko kay mama.

Yong kabog ng dib-dib ko doble pa nong umamin ako sa kanya na mahal ko si Kendal.

Napatingin ito sa paligid namin.

"Iwanan niyo muna kami mag uusapan lang kami ng anak ko. " utos nito sa nga kasambahay na nakapaligid sa amin para pag silbihan kami habang kumakain.

Pag ka alis ng kahuli huliang katulong ay tumayo ito at isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ko na labis kong ikinagulat.

Buti nalang at naka upo ako kong hindi baka natumba na ako sa lakas ng pagkaka sampal nito sa akin.

My stepsister is my ex girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon