"K-Ku Liefde Deva ..."
Nakunot ang noo ko sa narinig ko. Ku Liefde Deva? May pagkain bang ganun? Ayy, tunog pang ibang bansa at pang mayaman. Hindi kami nagtitinda ng ganun dito. Dahil simpleng pagkain lang ang meron sa karinderyang ito.
"Ahh, Kuya .. Sir, wala po kaming Ku Liefde Deva-ng ulam dito. Try nyo po sa hotel baka meron" napangiti na lang ako. Sana wag munang dumating yung boss ko dahil baka isipin nun na tinataboy ko ang customer.
Umiling iling sya at sinamaan nya ako ng tingin.
O-kay! May ginawa ba akong mali dito? Teka -- Omo! Baka hindi nakakaintindi ng tagalog. Mygosh, bakit hindi ko naisip na baka ibang lahi ito. Grabe, ang hina ko naman kanina.
Sige, uulitin ko na lang.
"Sir, we don't serve Ku Liefde Deva dish here, we only serve filipino food. But if you want you can go to Manila Hotel maybe they serve the food you're wanting" napangiti lang ako. Hindi mo naman kasi maiiwasan e. Ang gwapo nya kasi.
Pero mukhang mas lalo syang nainis sakin dahil mas naging matalim na ang tingin nya sakin.
"Realmente no sé la razón de por qué eres mi Ku Liefde Deva"
Literal akong napanganga dahil sa aking narinig. Ano daw? Sa bagay, wala na akong pakialam kung bakit sya nagsalita ng ganun pero wala na akong pakialam.
Tapos nakita ko pang napangisi sya sakin. Kinikilig ako pero bigla kong naalala na lahat pala ng lalaking nagugustuhan ko ay sinasaktan lang pala ako sa huli. Kaya medyo nalungkot ako.
Mukhang wala naman talagang happy ending na nakalaan para sakin.
C E L S I U S
"Realmente no sé la razón de por qué eres mi Ku Liefde Deva"
Napangisi ako habang sinasabi ko sa kanya 'yon. Simula pa lang naglalakad ako kanina ay alam ko ng nandito ang Ku Liefde Deva ko kaya sinadya ko ang lugar na ito para makita sya at hindi ko alam kung bakit anong dahilan kung bakit sya ang tinadhana para sakin.
Oo nga't sya ay maganda pero hindi ko sya gusto. At higit sa lahat ay isa syang Ihmisen at isa akong Tovenaar idagdag mo pa ang katotohanang isa akong Hoang Tu na sapilitan lang na pinatapon dito sa mundo ng mga Ihmisen para hanapin ang Ku Liefde Deva ko.
"Sir, sorry I don't understand what you're saying .." sabi nya pa. Gusto kong tumawa kaso baka isipin nyang natutuwa ako sa kanya.
"Anyway, just give me what you have here that this place has to offer" Mukhang sandali naman syang natigilan at nginitian ako.
Naiinis ako. Oo, yan dapat ang maramdaman ko pero bakit masaya ako? Hindi ako dapat maging masaya dahil, dahil sa babaeng ito na ngayon ay nakangiti sakin ay sapilitan kaming pinaghiwalay ni Mandee.
Mayamaya pa ay dumating na rin ang pagkain ay hindi ko na pigilan ang sarili kong kumain na. Nagugutom na ako. Kain lang ako ng kain habang ang babaeng ito ay nanunuod lang habang ako ay kumakain.
Well, can't blame her, tinitilian ako sa Adetram.
Hanggang sa natapos na ako sa aking pagkain at kailangan ko ng nagbayad ay may bigla nga pala akong naalala.
Wala nga pala akong pera.
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
The Path of Crea ✔️
FantasyAdetram Series Book 2 He's a prince. She's a commoner. He's a mage. She's just a human. He doesn't want to find his match. She's wanting to find his match. Ano na lang ang mangyayari kung malaman nila ng prinsipe na ang nakatakda para sa...