C E L S I U S
Ilang beses kong sinisisi ang sarili ko. Sana. Sana gumawa ako ng paraan. Sana hinabol ko sila. Sana naipaglaban ko man lang ang sarili ko dahil sa kilos palang ng pinsan kong si Asul Affael ay panigurado ay nagtanim na sya ng masasamang ideya kay Scarffe para lumayo sya ng ganun.
Dalawang taon na ang lumipas. Dalawang taon na rin ang nadagdag sa edad ko pero hanggang ngayon ay hindi parin kami magkasama ng Ku Liefde Deva ko. Sa bawat araw na lumilipas ay unti unti akong nanghihina, ito ang senyales na nalalayo ako sa aking Ku Liefde Deva at kapag lalo pa itong tumagal ay may posibilidad na mamatay ako ng maaga at maging gintong abo.
Nakaupo lamang ako sa may hardin ng may isang batang lalaki ang lumapit sakin. Nabigla ako ng bigla nya akong niyakap.
"Papa .." masayang bigkas ng batang lalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatayo na sana ako para hanapin sana ang mga magulang ng batang ito ng may isang tovenaar ang lumapit at tumungo. Halos lumuhod na rin sya.
"Hoang Tu .." panimula nya habang nakatungo. "Patawarin nyo po ang aking anak. Napagkamalan ka nyang ikaw po ang kanyang ama. Patawarin nyo po--" hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya ng pinatayo ko na sya.
"Ok lang. There's no harm done."
At muling tumungo sya at nagpasalamat sakin bago sila tuluyang umalis ng kanyang anak.
Kung hindi lang sana umalis si Scarffe nung araw na 'yon edi sana sya na ang Reyna ng Adetram. Kung hindi lang talaga dahil sa lalaking ..."
"Bilis. Lumalakas na ang ulan!"
"Nagagalit na naman siguro ang Hoang Tu!"
Napalingon ako dun sa nagsalita. Ang mga Tovenaar na nandito ay mabilis na tumatakbo para humanap ng masisilungan.
Napatingala na lang ako sa kalangitan. Simula ng umalis ka, Scarffe lagi na lang umuulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat dito sa Adetram.
Miss na miss na kita.
------
"Hoang Tu .." tawag sakin ng mahal ba Hari at mahal na Reyna. Sandali akong nagbigay galang sa kanilang dalawa.Nilapitan ako ng mahal na Hari.
"Hindi lingid sa aming kaalaman na unti unti ka ng nanghihina, Hoang Tu. Bakit hindi mo gawin ang nararapat? Isipin mong mabuti kung bakit ka pinatapon sa mundo ng mga Ihmisen"
"Nakabalik ka dito sa Adetram dahil naniniwala kaming natagpuan mo na sya pero bakit sa isang iglap lamang ay binitawan mo sya?" Hindi ako nakasagot sa sinabi ng mahal na Reyna.
Tama si Mama. May kasalanan ako. At kahit umalis man si Scarffe pero wala akong ginawa ay kasalanan ko parin ang lahat. Kasalanan ko. Dapat hinabol ko man lang sya.
Bakit kasi pinabayaan na lang sya na kasama ang pinsan kong 'yon. Base pa naman sa pagkakakilala ko kay Affael. Hindi sya titigil hanggang sa hindi nya nakukuha ang nais nya.
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
The Path of Crea ✔️
FantezieAdetram Series Book 2 He's a prince. She's a commoner. He's a mage. She's just a human. He doesn't want to find his match. She's wanting to find his match. Ano na lang ang mangyayari kung malaman nila ng prinsipe na ang nakatakda para sa...