Kabanata 23

168 1 0
                                    

Natigilan ako ng makita kong si Asul ang yumakap sakin. Parang biglang nagslow motion ang lahat. Ang unti unting pagtahimik ng mga kasamahan namin dito hanggang sa kanilang pagbalik sa trabaho, ang galit sa mga mata ni Celsius habang nakatingin sa aming dalawa ni Asul dito sa ilalim ng lamesa.

Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot. Umaasa ba akong si Celsius ang pupunta dito at yayakapin ako kagaya ng yakap sakin ni Asul ngayon. Umiling iling ako, hindi tama. Hindi tamang mag-isip ako na si Celsius ang lalapit sakin dahil hindi naman kami ganung ka-close kagaya ng pagiging close namin ni Asul.

Nanatili lang akong nakatingin kay Celsius hanggang sa marinig kong nagsalita si Asul.

"Scarffe, huwag mo na lang pansinin si Celsius. Hayaan mo na lamang sya, siguro hindi pa sya sanay sa buhay ng may trabaho" hindi na lang ako nag-comment sa sinabi ni Asul at tumango na lang.

Natapos ang araw at hindi ko na lang din pinansin si Celsius. Hindi na lang din ako sumabay sa kanya papauwi. Naisip ko kasing mas maganda siguro kung bibigyan ko muna sya ng space baka kasi hindi pa sya sanay sa buhay ng isang may trabaho at kahapon ang first day nya.

Along the way, habang naglalakad kami ni Asul sa sakayan ng jeep ay hindi mawala sa isipan ko ang tingin na binigay ni Celsius sakin. Hindi ko maintindihan ang tingin nyang 'yon. May ibig sabihin, hindi ko lang maintindihan kung ano,

May gusto ba syang sabihin sakin na hindi nya lang masabi?

"Scarffe, yan na ung jeep, hindi ka pa ba sasakay?" napalingon ako kay Asul ng bigla syang nagsalita. Marahil ay nalunod na naman ako sa pag-iisip.

Napangiti na lang ako sa kanya at nagpasalamat at pagkatapos ay sumakay na sa jeep. Alam kong pagkatapos nito ay papasok pa sya sa gasolinahang pinapasukan nya.

Habang nasa jeep ay bigla ko na namang naisip si Celsius, pakiramdam ko may kasalanan ako. Ako kasi ang una nyang nakilala tapos hindi ko sya sinasamahan pero naisip ko rin na lalaki sya at kaya na nya ang sarili nya.

Hays. Napalagay ako ng kamay sa aking ulo. Nakakainis ! Ano ba 'yan. Ang gulo gulo na ng utak ko.

Pagkauwi ko ng bahay ay tahimik na ang lahat. Siguro tulog na si Celsius. Bibigyan ko na lang muna sya ng space. Baka kasi kailangan nya muna ng space. Kilala ko sya, kakausapin nya ako kapag okay na sya.

-----

Sa hindi ko malamang kadahilanan ay lumipas ang dalawang linggo at hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin ni Celsius. Nakokonsensya at nalulungkot ako. Nakakainis. Kasalanan ko talaga siguro, lumalayo na sya sakin at kapag nasa bahay naman ay hindi na rin nya ako pinapansin.

Gusto ko mang magalit at isipin, sarili kong bahay ito at umaasta syang ganun pero kapag naaalala ko ung nangyari nung nakakaraang dalawang linggo ay natatahimik na lang ako at nakokonsensya. Sana kasi kinausap ko na lang sya, sana nilinaw ko na lang ang lahat pero hindi ko ginawa.

"Celsius ..." lakas loob kong sabi ng papaalis na sya ng bahay at papasok na sa karinderya.

Hindi nya ako nilingon pero nanatili lang syang nakatayo at hinihintay ang sasabihin ko.

"Galit ka ba sakin?"

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon