Kabanata 20

178 1 0
                                    

"Mahal na Hari . Mahal na Reyna .."

Sabay kaming napalingon dun sa nagsalita.

"Affael, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Fahrenheit. Hindi ko masisisi si Fahrenheit dahil simula ng lumaki si Affael ay nagbago na ang ugali nito. Sa hindi namin inaasahan nakuha nya ang ugali ng aking kapatid na matagal na nitong tinapon.

"Hindi na ba ako welcome dito sa kaharian? Hindi ibig sabihin na tinalikuran ng aking mga magulang ang kanilang mga posisyon dito sa palasyo ay maging ako ay tinalikuran ko na rin ang posisyon ko dito. Hindi 'yon totoo. Ako ang Hoang Tu ..."

"Hindi ikaw ang tagapagmana, si Celsius ang susunod na magiging hari ng Adetram." galit na saad ni Fahrenheit. Naalarma na ako kaya hinawakan ko na rin sya.

"Tito, sabihin mo. Nasaan ang magaling mong anak? Nasaan ang pinagyayabang mong si Celsius? Nasaan? Nasa mundo ng mga Ihmisen? Sa tingin mo ba ay mahahanap nya ang Ku Liefde Deva na simula pa lamang ay hindi na nya tanggap? Hindi linggid sa inyong kaalaman na matagal na nyang kinamumuhian ang Ku Liefde Devang nakatadhana para sa kanya."

"Tumahimik ka!" hindi ko na rin napigilan ang aking sarili at sinaway na rin si Affael. Nilingon naman ako ito at napangisi lamang.

"Kahit anong gawin nyo, ako parin ang kahati ni Celsius sa korona at kapag nagkaroon na ako ng Cong Chua ay hindi na malayong ako na ang susunod na magiging hari ng Adetram"

----

Scarffe's Point of View

Uwian na at nauna na akong lumabas ng karinderya papara na sana ako ng jeep dahil sa pag-aakala na sa nasa likuran ko si Celsius pero nagkamali ako. Nanatili lang syang nakaupo sa upuan sa loob ng karinderya kaya nagpasya akong lapitan sya at umupo sa bakanteng upuang malapit sa kanya.

"Kumusta ang first day sa trabaho? Nahirapan ka ba? Pasensya ka na ha kung hindi kita masyadong natuturuan, alam mo naman maraming customers dahil may ginagawang patahian dyan sa malapit at ngayon lang muli pumasok si Asul kaya kasama ko sya kanina"

Hindi man lang sya nakatingin sakin at nanatili parin ang tingin sa ibang direksyon.

"Galit ka ba sakin? Kasi kung galit ka man, pasensya ka na. Sorry na. Kasalanan ko, okay? Sige bukas. Promise, ikaw na ang sasamahan ko. Maiintindihan naman siguro ni Asul"

Hindi nya ako pinansin at tumayo na sya. Nauna na rin syang maglakad at pumara na rin ng jeep, nung may tumigil ay agad na syang sumakay ng jeep kaya wala na akong ginawa kundi sundan na lang sya. Sumakay na rin ako ng jeep. Nasa magkabilang direksyon kami, ako nakatingin lang sa kanya samantalang sya ay hindi nakatingin sakin.

Nag-aalala ako, pakiramdam ko may kasalanan ako. Sana pinakilala ko muna kasi sya kay Asul para hindi nangyari ung pangyayari kaninang halos masusuntukan na sila dahil lamang sa tinginan nilang 'yon.

Nagbayad na ako ng pamasahe naming dalawa ni Asul at hindi rin nagtagal ay nauna na syang bumaba ng jeep at sumunod na lang ako.

Iikot na sana nya ang doorknob ng nagsalita ako.

"Celsius, galit ka ba sakin? Kanina mo pa ako hindi pinapansin ha. Nagmumukha na akong tanga. Sabihin mo naman kung anong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo ako pinapansin."

Tumigil sya sa kanyang ginagawa at narinig kong nagsalita sya.

"Ayoko sa kanya. Layuan mo sya hanggang maaga pa!" at pagkatapos nyang sabihin 'yon ay basta na lang syang pumasok sa loob ng bahay at iniwan akong nakatayo dito at pinipilit I-sink in sa utak ko ang sinabi nya.

Paano ko gagawin 'yon? Bestfriend ko si Asul. Kahit na ulila na sya kagaya ko ay nagpapasalamat parin ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang kagaya nya.

Tapos sasabihin ni Celsius na layuan ko si Asul? Okay lang ba sya? Kilala ko si Asul, maaaring siya pa nga ang layuan ko dahil ilang araw ko pa lang syang kakilala.

Itutuloy ... 

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon