Kabanata 28

168 1 0
                                    

Hindi ko maintindihan. Parang 30 minutes lang kanina ay okay kami. Nag-uusap ng maayos at nakakatawanan pa pero sa isang iglap ay napunta kami sa sigawan at taasan ng boses na para bang wala ni isa ang nais magpatalo.

"Why do you keep on defending him?" Sigaw nya.

Naiiyak na ako sa galit pero hindi ko na lang pinansin yon. Naiinis ako sa kanya.

"Bestfriend ko sya. Bestfriend ko si Asul. Mahalaga sya sakin---"

"Mas mahalaga pa sakin?" He interrupted me. Natahimik ako. Napatungo ako at hindi nakapagsalita at basta na lang nagsibagsakan ang mga luha ko.

"Scarffe, mahal kita. Kahit sandali pa lang tayo nagkakilala, mahal kita. Sa araw araw na kasama kita natagpuan ko na lang ang sarili kong mahalin ka ng buo. Dumating ang araw na halos hindi ko na kilala ang sarili ko, halos mabaliw na rin ako dati kakaisip sayo. Kung paano ako magtatapat sayo. Tapos ngayong naging tayo, masayang masaya ako kaso mas pinipili mo pa ata ang kaibigan mo kaysa sakin"

Magpapasalita pa sana ako ng basta na lang syang lumabas ng bahay at pabalang na sinara ang pinto. Bahala sya sa buhay nya.

Kasalanan nya! Sadyang makitid ang utak nya. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na wala namang ibig sabihin ang halik na yon.

Pumikit na ako ng madiin at pinunasan ang mga luha ko.

Wala naman akong kasalanan diba?

Dumaan ang gabi at hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi si Celsius. Aaminin ko, nag-aalala ako pero galit parin ako sa kanya kaya pababayaan ko na lang sya.

Uuwi naman siguro 'yon. Malaki na sya kaya na nya ang sarili nya . Oo, tama kaya na nya ang sarili nya, may sarili syang mga paa kung nais na nyang umuwi o gumala pa.

Nahiga na ako at pumikit. Umuwi sya kung gusto nya.

---

Maaga akong pumasok sa trabaho pero wala parin si Celsius. Nag-aalala na ako, siguro maling pinairal ko ang galit ko sa kanya kagabi. Kasalanan ko ba ang lahat kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sya umuuwi?

Hanggang sa nagsipasukan na ang mga kasamahan ko sa trabaho. Hindi parin nawawala ang pag-aalala dito sa puso ko. Napano kaya si Celsius?

"Hoy, balak mo bang bakbakin ang simento? Kanina ka pa nagwawalis dyan ha. At hindi ka na umalis sa pwestong yan! Alam mo ba magkano ang simento ngayon? Ang labor? Ang mga gagawa? Kaya mo bang gawin ang wawasakin mong simento?" Nabalak lang ako sa kasalukuyan ng narinig ko ang boses ni boss. Masama ang tingin nya sakin pero hindi ko na lang pinansin 'yon.

Mas iniisip ko si Celsius kaysa sa boss ko.

"Tapos ngayon titingnan mo lang ako? Aba aba, kung ganyan lamang naman pala, lumayas na ka sa karinderya ko. Makupad ka na, wala ka pang silbi. Dalawang oras ka ng nagwawalis sa pwestong 'yan. Nagkakaroon na ng marka sa simento!"

Napatungo na lang ako at humingi ng paumahanin.

"Sorry? Siguro, kung tinatanggap lang ng bangko sentral ng pilipinas ang sorry, mayaman na ako. Wala kang sinabi kundi sorry. Imbis na magtrabaho, walang inatupag kundi magbulakbol, magdadada." At pagkatapos ay umalis na lang si boss.

Naglabas ako ng isang buntong hininga bago umalis sa pwesto ko at nagpunas ng mga tables.

"Scarffe ..."

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon