"Why do you keep saying na mahal mo 'ko?" Finally, nasabi ko na.
Tiningnan nya lang ako at isa isa ng bumagsak ang mga luha nya. Bigla akong kinabahan. May nasabi ba akong hindi nya nagustuhan?
"Scarffe ..."
Napatingin ako sa kanya. Diretso lang syang nakatingin sa mga mga mata ko habang may binulong sa hangin na hindi ko narinig.
"Usted sera cegado por el amos"
Sa hindi ko maintindihan ay biglang nag-iba ang tingin ko kay Asul. Biglang nawala sa isipan ko ang dapat kong isipin na gusto ko ng umuwi at iwan si Asul.
"Asul ..."
Nabigla na lang ako ng bigla nya akong niyakap. "Iniisip ko lamang ang kapakanan mo, Scarffe. Mahalaga ka sakin dahil mahal na mahal kita"
Natigilan ako. Bigla akong kinabahan sa sinabi nya.
"Scarffe, mahal na mahal kita matagal na. Simula nung unang beses kong makita ang iyong maamong mukha ay gusto na kita. Sadyang natatakot lamang ako pero ngayon aaminin ko, mahal na mahal kita"
Natitig ako sa kanyang mga mata. Napakagwapo nya! Bakit ngayon ko lamang napagtanto na napakagwapo ni Asul? Bakit parang gusto ko syang halikan?
Nakatitig din sya sa aking mga mata at sa isang iglap ay sinira nya ang space sa pagitan namin at sya na rin ang humalik sakin. Sa hindi ko malamang kadahilan ay nagustuhan ko ito at tumugon ako.
Bakit ko ito nagugustuhan? Gayong kaibigan lamang ang tingin ko kay Asul dati? May problema ba sakin?
"Scarffe .."
Agad akong lumayo kay Asul ng may narinig akong pamilar na boses at sa isang iglap ay biglang sumakit ang ulo ko at napapikit ako. Sa muling pagmulat ng mga mata ko, napagtanto kong bakit parang nagbago ang lahat.
Hindi ko maipaliwanag.
Nilingon ko ung taong pinaggalingan ng boses at nakita kong kalapit ko na sya at hinawakan ang kamay ko, kita ko rin ang galit sa kanyang mga mata.
Nag-aapoy ito sa galit habang nakatingin kay Asul na para bang may malalim na dahilan ang galit na yon sa kanyang mga mata.
*Translation to the conversation*
"I told you na layuan mo na si Scarffe, tapos anong naabutan kong eksena? You clearly kissed my girl!" Galit na galit si Celsius. Humigpit na rin ang kapit nya sa kamay ko dahilan para lingunin ko 'yon.
At sa hindi ko maipaliwanag na kadahilan ay mas lumakas ang hangin at dumilim na ang lahat na parang may nagbabadyang bagyo.
Natatakot ako.
"Hindi mo malalayo sakin ang bestfriend ko. Bago pa lamang kayo nagkita samantalang kami ay matagal na." Sa hindi ko malamang kadahilanan ay nakita ko pang ngumisi si Asul. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nila sa isa't isa o kung ano man ang kanilang pinag-uusapan pero iisa lamang ang masasabi ko, galit sila sa isa't isa dahil base pa lang sa mga mata, boses at kamao nilang parang nagpipigil lamang na suntukin ang isa't isa.
Lalong dumilim ang buong paligid. Lalo akong nakaramdam ng takot, hindi ko alam kung anong gagawin ko, tatakbo ba ako, magtatago o magtatakip ng tenga?
"Una pa lamang ay alam mo na ang lahat na mahal nya ako at mahal ko sya. "
"Marahil ay tama ka pero ilang mga araw na lang ang bibilangin mo bago ka tuluyang sumaya dahil sinasabi kong aagawin ko sya!" At pagkatapos sabihin yon ni Asul ay tumalikod na sya at umalis. Balak ko pa sana syang tanungin kung bakit sya aalis ng napigilan ako ng tunog ng malakas na kulog na sumabay ang kidlat at sumabay pa dito ang pag-ulan.
Napalingon ako kay Celsius na nakatingin sakin. Hindi ko alam kung bakit sya nakatingin ng ganyan pero siguro kanina pa sya nakatingin sakin.
Muling kumulog at kumidlat kaya napayakap ako sa kanya kaya natawa na lang sya. Awkward na lang din akong natawa.
Nag-aya na rin syang umuwi. Tumango na lang ako bilang tugon. Habang naglalakad papauwi napaisip ako.
Kung simpleng galit lang ung kanina ay bakit ang tatalim ng tingin ni Celsius at Asul sa isa't isa? May malalim bang dahilan ang galit na yon?
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
The Path of Crea ✔️
FantasiAdetram Series Book 2 He's a prince. She's a commoner. He's a mage. She's just a human. He doesn't want to find his match. She's wanting to find his match. Ano na lang ang mangyayari kung malaman nila ng prinsipe na ang nakatakda para sa...