Kabanata 13

182 1 0
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyari at pumayag ako sa sinabi nya at napagtanto ko na lang na nandito na kami sa loob ng aking bahay.

Magaan ang loob ko sa kanya at aaminin ko gusto ko syang maging kaibigan pero bakit napunta ako sa desisyong pumayag akong makitira sya dito sa bahay ko?

"Ikaw lang mag-isa dito?" tanong nya habang nililibot ang paningin sa buong bahay. Napa-irap na lang ako ng makita ko ang konting pandidiri sa kanyang mukha. Mayaman siguro ang isang 'to.

"Opo!" sarkastik kong tugon at tumalikod na para sana kunin na ang kumot na gagamitin nya at panlatag sa sahig ng bigla nya akong tawagin sa title na di ko inaasahan na may taong tatawag sa aking ganun.

"Tagapagsilbi, pakikuha naman ako ng maiinom" narinig kong utos nya. Natigilan ako sandali at nung na-compose ko na ang sarili ko ay napakuyom ako ng kamao, nagtiim ng bagang at dahan dahan syang nilingon.

"Anong tinawag mo sa akin?" nagpipigil kong sabi kahit ang totoo ay gustong gusto ko na syang sugurin at sakalin.

"Tagapagsilbi." kulang na lang ay mabasag ang mga ngipin ko sa sobrang diin ng pagkakatiim ng bagang ko.

"Sino ka para tawagin akong 'tagapagsilbi'?"

Hindi nya pinansin ang sinabi ko kaya lalo na akong nagwala sa loob loob ko. Siguro'y magaling lang talaga akong magpigil dahil sa loob loob ko ay sumisigaw na ako dahil sa sobrang inis.

"Isa akong Hoang Tu at ang salita ko ang masusunod" buong pagmamayabang nya pang sabi habang nakapatong ang marumi nyang paa sa bagong laba kong punda ng unan.

Nailang labas na rin ako ng buntong hininga pero bawat segundong dumadaan ay mas lalo lang akong naiinis.

"At ano namang ibig sabihin non? At wag na wag mong dadalhin ang ugali mong bundok dito.Kung sa tribo nyo ay ginagalang ka at salita mo ang masusunod, ibahin mo ako nandito ka sa pamamahay ko kaya ako ang masusunod" sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Napuno na ako at kailangan ko lang talagang ilabas ang inis.

Nakita kong tumayo na sya at napuno na ng galit ang kanyang mga mata na nung una ay hindi ko pinansin pero kalaunan ay nakaramdam na ako ng takot at pangamba dahil duon.

"Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Isa ka lang Ihmisen at Ku Liefde Dev--" hindi na nya tinapos ang kanyang sinasabi at agad na lang syang lumabas ng bahay.

Natigilan ako. Anong Ihmisen? Anong Ku Liefde Dev? Ano 'yon? Hindi ba 'yon ang dish na balak nyang orderin sa karinderya kanina?

Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip ng ganung bagay. Napapikit na rin ako at sa hindi ko maipaliwanag na kadahilan ay biglang nagbalik sa aking mga alala ang mga panaginip na matagal ko ng nais kalimutan pero hindi ko magawa.

Isang batang lalaki ang naglalakad sa damuhan at masayang masaya sya. Tumigil sya sandali at naglakad papunta sa isang batis ay biglang lumitaw dito ang isang imahe ng isang batang babae na nakangiti at masaya.

Muli kong minulat ang aking mga mata dahil hindi ko na kaya pang pumikit dahil nagbabalik lang sa akin ang lahat ng panaginip na pinipilit kong kalimutan dahil sa mga panaginip na 'yon ay nawala sa akin ang aking mga magulang.

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon