S C A R F F E
Kagaya ng dati ay nandito na naman ako sa karinderya na pinagtatrabahuhan ko. At kagaya din ng dati ay nandito parin ang boss ko. Napapansin ko lang, simula nang nangyari ang insidenteng yon--- Teka, ayokong ikwento dahil ayokong muli akong masaktan.
Kalilimutan ko na dahil ayoko ng umiyak pa.
"Hoy, Scarffe, yung lamesa may kalat pa!" sigaw ng boss namin kaya wala na akong nagawa kundi takbuhin ang sinabi nyang lamesa kahit kasalukuyan akong nagwawalis dito sa harapan ng karinderya.
"Mabagal ka na ngang kumilos, ang lakas mo pang bumale!" hindi ko naiwasang mapatingin sa boss namin. Napaisip lang ako sa sinabi nya, teka, ni minsan ay hindi naman ako bumabale sa kanya a?
"Ako po?" turo ko sa sarili ko kasi nakatingin sya sakin.
"Diba ikaw lang ang utusan kong nagpupunas ng lamesa ngayon?" tinaasan nya pa ako ng kilay at tinitigan na kung hindi ako nagkakamali ay binubugbog na ako nito sa isipan nya.
"Opo, pero po hindi naman po ako sa inyo bumabale--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng basta na lang nyang hinagis sa pagmumukha ko ang panibagong basahan na basa.
"Tama ng satsat. Magtrabaho ka. Alam mo na ngang wala ka ng malamon salita ka pa ng salita. Teka, saan pala yung kaibigan mo? Anong oras na papasok pa ba 'yun?"
Naglabas na lang ako ng buntong hininga at nagpunas na lang ng mga lamesa. Siguro mas kailangan kong magsanay at sanayin ang sarili ko sa ugali ni Boss. Nakakainis, ayaw nyang tanggapin sa sarili nyang mali sya at tama ako.
"Hoy, anong tinitingin tingin mo dyan sa labas? Gusto mong umuwi?" narinig ko naman sa boses nya ang pagbabanta at nung nilingon ko sya ay nakita kong may hawak na syang walis tambo at ihahampas na sana nya ito sakin ng nakailag ako.
"Sa susunod wag kang umilag!" sigaw nya at pagkatapos ay nagmartsa na sya papalabas ng karinderya.
Pinanuod ko lang ang kanyang paglalakad papalayo. Medyo mabagal ang naging pag-alis nya dahil nga sa mataba sya.
Pagkatapos nyang makaalis ay tinuloy ko na lang ang aking pagpupunas ng mga lamesa nang may pumasok ng apat na magkaklase at pumuwesto na sila. Umorder naman sila at di nagtagal ay hinatid ko na sa kanila ang order nila. Pagkatapos kong gawin 'yon ay magwawalis na sana ako ng labas ng karinderya ng may nahagip ang mga mata ko.
Isang lalaking kakaiba ang damit. At dahil sa kakaiba ang kanyang damit ay pinagtatawanan na sya ng iba pero sa hindi ko maintindihan ay naramdaman kong nagkulay asul ang itim ng mata ko dahilan para mapapikit ako at kusutin ito pero nung muli ko itong minulat ay kulay asul parin ito kaya wala na akong nagawa kundi bitawan ang hawak kong walis at tumakbo sa loob at maghilamos.
Siguro, napuwing lang ako.
Pagkatapos kong maghilamos ay bumalik na ako sa mga table nang mabigla ako dahil nasa loob na ang lalaking 'yon at nakaupo na sya. Base sa kanyang pagkakaupo ay mukhang hindi sya taga rito.
Nakailang lingon na rin ang ginawa nya at nung nilingon nya ang pagkain na nasa nakalagay sa estante ay nakita ko syang naglaway.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, ang gwapo gwapo nya pero ganun sya umasta.
Muli ay nagpalingon lingon na naman sya. Napansin ko rin na hindi na nagkukulay asul ang itim ng mata ko. Hayys, tama lang talaga na naghilamos ako.
"Ano pong order nyo, Kuya?"
"K-Ku Liefde Deva ..."
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
The Path of Crea ✔️
FantasiAdetram Series Book 2 He's a prince. She's a commoner. He's a mage. She's just a human. He doesn't want to find his match. She's wanting to find his match. Ano na lang ang mangyayari kung malaman nila ng prinsipe na ang nakatakda para sa...