Kabanata 22

171 1 0
                                    

Bigla akong nakaramdam ng matinding tensyon sa pagitan ng dalawang taong ito. Napalingon ako kay Celsius at Asul at nakita kong masama na ang titigan nila sa isa't isa.

Nakakatakot na para bang may mga electric current na dumadaloy sa mga mata nilang dalawa na kapag nag-overflow ang current ay maaaring sumabog.

"Celsius .."

"Asul .."

Hindi nila pinansin ang pagtawag kong ginawa kundi mas lalo lang tumalim ang tingin nila sa isa't isa. Natatakot na ako. Wala rin sa sarili kong napalingon sa mga kasamahan namin dito sa karinderya at nakita kong nakatingin sila dito sa gawi naming tatlo.

Meron ding pinag-uusapan na kami dito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Aawatin ko sila diba? Pero paano ko gagawin yun kung ang dalawang ito ay ayaw magpaawat.

"Celsius .."

"Asul .."

Kagaya kanina ay hindi parin nila ako pinapansin. Napalingon din ako sa mga kamay nila at naggagalit na ang mga ito na parang anytime ay kaya na nilang magsuntukan.

"Oy, wag na kayong mag-away oh. Pinagtitinginan na nila tayo oh"

Napapakamot na ako ng ulo ng muli akong lumingon sa mga kasamahan namin dahil nasa amin na ang atensyon nilang lahat. Napapapikit na rin ako ng madiin dahil sa nangyayari. Napapahiya ako dahil sa dalawang ito, idagdag mo pa ang katotohanang ayaw nilang magpaawat.

"Ano, ano pustahan na ito. Isang daan ano. Pupusta ako, magsusuntukan na yan"

"Hindi! Heto limang daan, si Asul ang unang mananapak" sabi ng isa sa mga kasamahan ko na kumuha pa ng limang daan sa bulsa nya.

Napapailing na lang ako. Ano ba 'yan, nagpupustuhan na sila. At ang nakakatakot dito, bigla kong naalala ung sinabi ni Boss kanina. Tatlong araw lang ang binigay nya samin pero unang araw pa lang, nagkakaroon na ng pustuhan.

"Hindi na pinapatagal yan! Suntukan na!" udyok naman ng isa.

Napalingon naman ako muli kina Celsius at Asul. Masyado ng nakakatakot ang tinginan nila. Masyado ng matalim. Nakakatakot na talaga.

At sa hindi ko malamang kadahilanan ay sumabay pa ang panahon. Biglang nagdilim ang langit na parang may bagyo. Kumikidlat na rin hanggang sa tuluyan ng nagbagsakan ang mga butil ng ulan.

Kasabay ng pag-ulan ay ang malakas na pagkulog at pagkidlat. Napatakip ako ng ulo at hindi ko na napansing umiiyak na ako.

"P-please, wag naman kayo mag-away oh" hindi ko alam pero siguro pabulong na ang pagkakasabi ko nun. Natatakot at umiiyak na ako.

Nagtago na rin ako sa ilalim ng lamesa at tumungo. Dito na lang muna ako sa ilalim ng lamesa.

"Suntukan ! Suntukan ! Suntukan!" patuloy parin ang inggay na naririnig ko.

Hindi ko na lang pinansin ang inggay sa paligid at madiin ko na lang tinakpan ang magkabilang tenga ko.

Hanggang sa may naramdaman na lang akong may kumilos din sa ilalim ng lamesa at natagpuan ko na lang ang sarili ko na may nakayakap sakin.

"Sshh! Wag ka ng umiyak, nandito na ako"

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon