Kabanata 29

166 1 0
                                    

"Scarffe ..."

Siguro si Celsius na yan. Bigla akong nakaramdam ng excitement kaso nung lumingon ako at nalaman kong si Asul pala 'yong tumawag sakin bakit ako nalungkot?

Oo, umaasa kasi akong si Celsius ang tatawag sakin.

Pagkalingon ko kay Asul ay wala pang ilang segundo ay binalik ko na lang muli ang atensyon sa ginawa ko. Disappointed ako.

"Galit ka ba sakin?" Nilagay nya ang palad nya sa balikat ko pero hindi ko 'yon pinansin dahil alam kong si Asul 'yon.

Ewan ko ba, bakit parang nag-iba ang hangin sakin ngayong nawala lang si Celsius.

"Asul, mamaya na tayo mag-usap" sabi ko kay Asul at lumipat na ng pwesto dahil tapos ko ng punasan ang table na ito. Pero sinundan nya parin ako.

"May problema ba tayo, Scarffe?"

This time nilingon ko na sya. Binaba ko na rin ang basahang hawak ko at tiningnan sya ng seryoso.

"Asul, layuan mo na ako. Ayaw ni Celsius na maging close tayo. Sana maintindihan m--"

"Celsius? Hanggang ngayon parin ba ay si Celsius ang iniisip mo? Scarffe, nandito ako sa harapan mo, wag mong hanapin ang wala dito!" Bigla akong natigilan dahil nilakas na nya ang boses nya dahilan para lingunin kami ng iba pa naming kasamahan.

"Scarffe, sumama ka sakin!" Madiin nyang biglang hinawakan ang kamay ko. Pilit akong nagpumiglas pero hindi makawala ang kamay ko.

"Asul, ano ba! Bitiwan mo ako!"

"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sakin!" Mas humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko at sa isang iglap pagmulat ng mga mata ko at nandito kami sa ilalim ng tulay. Tulay hindi naman masyadong daanan.

"Asul, bitiwan mo ako! Ano ba! Nasasaktan ako!" Pilit akong nagpupumiglas pero mas hinigpitan nya lamang ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Hindi kita bibitawan hanggang sa hindi mo nalalaman kung sino talaga si Celsius" balak ko pa sanang pagpumiglas ng marinig ko ang pangalan ni Celsius.

Anong-- teka, may alam ba sya? Anong ibig nyang sabihing na kung sino talaga si Celsius.

Humarap sya sa pader at may sinabi syang salitang hindi ko maintindihan. Nagkaroon ng portal, nakikita ko ang other side at kakaiba ito. Malayong malayo ito sa mundo.

Nilingon ako ni Asul at hinila na lang basta papasok sa portal. Nang makapasok kami ay halos hindi ako makapagsalita. May mga lumilipad sa langit. Maraming magagandang bulaklak at halaman na hindi makikita sa mundo. Mga hayop na nakakapagsalita.

"Scarffe .."

Napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko at hindi ko inaasahan na biglang nawala sa isipan ko ang galit ko kanina pero nung nilingon ko si Asul at nagbalik ang gusot at galit sa sistema ko.

"A-anong lugar 'to at bakit tayo nandito?"

Sa hindi ko maintindihan na dahilan at napangisi muna si Asul bago sya sumagot.

"Nandito ka sa Crea." At pagkatapos nyang sabihin 'yon ay tumalikod na sya at nagsimula na namang maglakad.

Nakakainis. Kahit ayaw ko syang sundan ay kailangan, hindi ko naman alam ang lugar na ito, baka may mabangis na hayop pa dito? Hindi ko pa nakakamit ang pangarap ko.

Hindi ko pa naipagpapatuloy ang pag-aaral ko.

"Asul, sandali lang, hintayin mo ako!"

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon