Kabanata 19

184 2 0
                                    

"Namiss kita Scarffe" napangiti ako dahil nakita kong muli ang bestfriend ko pero naguguluhan ako kay Celsius dahil hanggang ngayon ay matalim parin ang tingin nya kay Asul.

Hindi ko maintindihan.

Nauna ng maglakad papaalis si Celsius pero bago sya tuluyang umalis ay may narinig akong sinabi nyang salita na halos pabulong na nung natapat sya kay Asul.

Hindi na lang namin 'yon pinansin ni Asul at magkukwentuhan na sana kami ng bigla na lang nadulas si Asul. Nabigla ako at agad ko naman syang tinulungan.

Hindi ko maintindihan. Tuyo naman itong sahig kanina a, paanong naging basa ito?

"Okay ka lang?" tanong ko kay Asul na syang ikinatango na lang nya.

----

Scarlet's Point of View

Ilang araw na rin ang lumipas ng pinaalis namin ng kaharian ng Adetram ang aming nag-iisang anak at tagapagmana na si Celsius.

Nalungkot ako halos ilang araw na rin akong umiiyak pero ang mahal na Hari ay pilit na tinatago ang kanyang kalungkutan. Halos maghapon lang syang naglalakad sa hardin ng kaharian at kung hindi naman ay pinapanood ang pagsasanay ng mga Tovenaar na nagnanais na mga maging kawal ng kaharian.

Nilapitan ko sya sa kanyang paglalakad.

"Mahal na Hari ..." bungad ko. Tumigil naman sya sa kanyang paglalakad at nilingon ako.

"Mahal kong Reyna" pinakita ng aking asawa ang kayang ngiti pero alam kong hindi talaga sya masaya.

"Huwag mo na akong lokohin, mahal ko. Batid kong ika'y nalulungkot din para kay Celsius." hindi nya ako nilingon at ibinaling na lang ang atensyon sa mga Tovenaar na masayang nasa paligid.

"Nararapat lamang ang ating naging pasya, mahal kong Reyna. Nararapat lamang na pinatapon natin sya sa mundo ng mga Ihmisen para ..." hindi ko na pinatapos ang kanyang sinasabi ng bigla ko na lang syang bigyan ng mabilis na halik sa kanyang mga labi.

Natigilan naman sya at napangiti.

"Mahal na mahal kita, Fahrenheit. Alam na alam mo yan, at hindi masamang mag-alala ka sa anak natin. Anak natin si Celsius kaya kapag kinailangan nya ng tulong natin, nandito lamang tayo para sa kanya" napangiti naman sya at nabigla na lang ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Mahal na Hari at Reyna .." agad akong napabitaw ng yakap kay Fahrenheit ng may narinig akong nagsalita. Si Mandee ang ex girlfriend ni Celsius, kasama ang Ku Liefde Deva nya.

Sandali naman itong nagbigay galang samin at nabigla ako ng bigla nyang yakapin ang Ku Liefde Deva nya na na nalaman naming bestfried nya pala. Parehas silang nakangiti.

"Maraming salamat po at tinulungan nyo po akong ma-realise na si Cedrid po pala ang Ku Liefde Deva. Nanghihingi ko po ako ng kapatawaran dahil sinagot ko po si Celsius, akala ko po kasi ay hindi ko po makikilala ang Ku Liefde Deva ko kaya ..." hindi na nila tinuloy ang kanyang sinasabi ng sabay na lang silang tumungo ng bestfriend nyang si Cedrid.

"Patawarin nyo po kami .."

Napangiti naman ako at nilagay ko ang kamay ko sa balikat ni Mandee. "Hindi mo kasalanan ang lahat. Naging matigas ang ulo ni Celsius"

Pinatawad namin si Mandee at di rin nagtagal ay umalis na sila. Pinagpatuloy namin ni Fahrenheit ang aming paglalakad ng may narinig akong yabag na papalapit.

Sabay kaming napalingon ni Fahrenheit sa isa't isa.

"Mahal na Hari . Mahal na Reyna .."

Sabay kaming napalingon dun sa nagsalita.

Itutuloy ...


The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon