Celsius' Pov
"Oh my gee, nandyan na. Nandyan na ang Hoang Tu. Bilisan nyo, parating na sya" narinig kong sabi ng isang babaeng Tovenaar na bakas sa mukha ang kasiyahn at halata din ang kilig sa mukha nito.
Nginitian ko na lang sya at sya namang nab0w sakin na may halong kilig. Payak pa akong natawa. Pinagpatuloy ko na lang aking paglalakad habang nakangiti. Nakakatuwa kasing isipin na despite na palaging kinukulit ako ng mga Eeil dito sa Crea at sa Adetram ay nagustuhan pa rin ako ng girlfriend kong si Mandee. Hindi sya ang Ku Liefde Deva ko na sinasabi nila na magkukulay asul ang mga mata at mararamdaman ka ng kakaibang pakiramdam kapag nakikita mo ang taong 'yon. Hindi ko Ku Liefde Deva si Mandee pero sana sya na lang ang Ku Liefde Deva ko. Hindi kasi ako mapalagay na isiping isang Ihmisen ang aking Ku Liefde Deva.
At kapag nakilala ko ang Ku Liefde Deva ay hinding hindi ko sya mamarkahan bilang akin. Dahil ayoko sa kanya at hinding hindi ko sya magugustuhan.
"Ho-hoang Tu .." sabi ni Mandee na nagawa pang magbow dahilan para matawa ako. Nakita ko namang namula sya kaya marahan kong hinawakan ang pisngi nya.
"Hanggang ngayon ba ay hindi ka parin sanay na ang ako ang boyfriend mo?" nakangiti kong tanong sa kanya. Napalingon naman ako sa mga babaeng tovenaar na nanunuod lang sa may likod, kinawayan ko sila dahilan para magtilian sila at yung iba naman ay nahimatay dahilan para mangiti na lang ako.
Nakita ko namang napatungo si Mandee kaya maingat kong inangat ang kanyang mukha para tingnan nya ako.
"Wala kang dapat na ikahiya. Ako at ikaw lang ang nandito at mukhang ang mga kaklase mo ay okay lang sa kanila na umalis tayong magkasama" nakangiti kong sabi na nakapagpa-blush sa kanya.
---
"Hoang Tu, natatakot ako" sabi nya na may pag-aalala sa kanyang mga mata. Nakaupo lang kami dito sa lilim ng isang Ard (Puno).
"Saan?" nilingon ko sya at hinawi ang ilang mga buhok sa tumatakip sa kanyang mukha.
"Sa lahat. I mean, parehas naman nating alam na hindi ako ang Ku Liefde Deva mo at hindi ikaw ang Ku Lefde Deva ko. At isa pa yung bestfriend kong si Benhurd, nung nakakaraan meron akong kakaibang naramdaman sa kanya, mga pakiramdam na hindi ko naman laging nararamdaman. Tapos yung sinasabi nilang magkukulay Asul--" hindi ko na napigilan ang sarili ko at hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya.
"Alam kong mangyayari ang bagay na ito kaya siguro kailangan ko ng sabihin sa'yo. Sa totoo lang, niligawan kita dahil gusto kita, totoo yon kahit na alam kong may isang Ku Liefde Deva ng nakalaan para sakin. Niligawan kita dahil gusto kita at para naman bago dumating ang araw na makilala ko na ang Ku Liefde Deva ay mahanda ko na ang sarili kong masaktan dahil iiwan kita pero mukhang mag-iiba na ata ang inaasahan ko" mapait akong napangiti.
"Pasensya ka na. Naging mabuti kang boyfriend at isang kaibigan, Hoang Tu. Naniniwala ako na kapag nagkita na kayo ng Ku Liefde Deva mo ay magugustuhan mo sya. Magiging masaya kayo at magiging Cong Chua sya" naiiyak nyang sabi dahilan para maluha na rin ako at yakapin sya.
"Mandee, pakiramdam ko ay hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang mawala ka sakin. 7 months din naging tayo. 7 months na naging masaya ako dahil nandyan ka para sakin. At sa loob ng 7 months na 'yon ay hindi natin pinansin ang buong Adetram kundi tayong dalawa lang ---"
"Pero kailangang magtapos ng lahat. Kailangang magtapos ng lahat, Hoang Tu." at walang sabi sabing basta na lang syang tumayo at umalis. Parang nag slow motion ang buong paligid. Ang mabagal nyang paglalakad papalayo sakin, ang hangin na mabagal ang pagdaan na parang sinasabing handa kong punasan ang mga luha mo, ang mga dahon na unti unting bumabagsak mula sa Ard.
Umiiyak na ako at unti unting nag-angat ng tingin sa kalangitan.
Ganito ba talaga ang dapat kong maramdaman?
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
The Path of Crea ✔️
FantasiaAdetram Series Book 2 He's a prince. She's a commoner. He's a mage. She's just a human. He doesn't want to find his match. She's wanting to find his match. Ano na lang ang mangyayari kung malaman nila ng prinsipe na ang nakatakda para sa...