3 - My Pemily

7.6K 435 37
                                    

A/N: Sorry for the late update

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Sorry for the late update. Nakatulog po.

♪♪ Magpakailanman, hindi magbabago, ang isinisigaw nitong aking puso...Magpakailanman ♪♪ (by Wency Cornejo)

Sinilip ni Richard ang natutulog na kapatid at kinuha ang mga gamit niya sa kuwarto na kailangan niya. Paglabas niya sa sala, nadatnan niya ang ina na nakatingin sa TV pero halata namang hindi talaga nanonood.

Naninibago siya sa nakitang lungkot ng nanay niya. Kilala niya itong matibay ang loob at hindi basta-basta natitinag sa harap ng mga problema. Tinabihan niya ang ina at inakbayan.

"Tulog na po si Ryzza, puwede ka nang magkuwento 'mang. Ano pong ibig n'yong sabihin kanina? Diba 200,000 na lang ang kulang natin kay Donya Aurora at matutubos na natin yung lupa't bahay? Akala ko binigyan niya tayo ng palugit hanggang katapusan ng taon?"

Tumulo na naman ang luha ni Mamang Rose. "Yun na nga Tisoy, pumunta siya kahapon para sabihin na binabawi na niya yung palugit, hanggang katapusan na lang daw ng buwan kasi kailangan daw niya yung pera. Eh wala naman tayong pinanghahawakan sa palugit na sinabi niya. Saan tayo kukuha ng 200,000? Yun lang ang kaisa-isang pamana ng lola mo sa akin at yun din ang ipapamana ko sa inyo, mawawala pa! " 

(A/N: Excuse me, ano ba spelling ng tunog ng iyak ng matanda? Never mind.)

"Mamang, marinig ka ng kapitbahay. Hahanapan natin ng solusyon yan. Halos tatlong linggo pa naman bago magkatapusan."

"Malapit na kong maniwala sa malas, anak. Biruin mo, nagkaasawa nga ako ng Amerikano, ayun wala ka pang 2 taon, iniwan din tayo. Tapos, ang Tito Tonyo mo, namatay naman at nagkautang pa tayo."

"Mabuti pa mang, magpahinga na po kayo. Pagod kayo sa biyahe at sa kakaiyak. Hindi ako sanay na malungkot ka. Pag-usapan natin kung ano gagawin natin bukas ng umaga. Ikaw rin ang palaging nagsasabi sa akin, 'may bukas pa'"

-------------

Ang istorya ng buhay namin. Faulkerson ang apelyido ko, Reyes si Mamang at si Ryzza. Simple lang naman, na-inlove ang nanay ko sa isang Amerikano na dating nagtatrabaho sa military base sa Olongapo. Kinasal naman sila at lumabas ako, Richard Faulkerson Jr. pero sa di malamang dahilan, iniwan daw kami at bumalik ng US kasunod ng pag-alis ng US military bases sa Pilipinas.

Napalaki naman ako nang maayos ng nanay ko kahit mag-isa siya pero wala eh, tumibok ulit ang puso. Enter Tito Tonyo or Tito Robert, mahaba kasi pangalan niya, Antonio Roberto Reyes. Mabait naman at responsible at dahil sa kanya, nagkaroon ako ng kapatid na babae, walang iba kundi si Ryzza Mae, ang kapatid kong may kaliitan at katabaan pero sobrang cute at matalino. Masaya na sana, nakapagsimula ako sa college. 2 taon na lang at gagraduate na 'ko kaso biglang nagkasakit si Tito Tonyo, kidney failure at kinailangan niyang magpa-dialysis. Sa madaling salita, naisangla ang lupa't bahay namin sa Zambales pero nawala din si Tito Tonyo. Hindi naging kasing-haba ng pangalan niya ang buhay niya.

There Was You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon