♪♪Nakasimangot ka na lang palagi, parang ikaw ang nag-mamay-ari ng lahat ng sama ng loob....♪♪ Andidito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo. Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo ♪♪ (Awit ng Barkada by Apo Hiking Society)
(A/N: Ang mga sumusunod po na kabanata na inyong masasaksihan ay pawang kathang-isip lamang at bunga ng aking walang magawang imahinasyon. Sa madaling salita, huwag muna po tayong judgmental sa ating mga guests.)
"Kailan ka pa naging Indian, Tisoy? Malinaw ang usapan, Friday 7pm! Dumaan kami sa office n'yo, kaaalis mo lang daw." a furious Tope with Michael, burst into their apartment Saturday morning.
"Tuloy kayo! Huwag kayong mahiya, kahit nakaistorbo kayo ng natutulog. Michael, bro! Welcome back! Kumusta Singapore?" Richard gave the friend that he has not seen for a long time, a bear hug.
Si Michael ang isa pa sa barkada nila na kapareho niyang civil engineering ang kinuha pero napunta sa IT at dalawang taon nang nagtatrabaho sa Singapore. Ito rin ang isa sa nag-influence sa kanya na mag-self study ng programming.
"Huwag mong ibahin ang usapan! Wala ni isang sagot sa mga text at missed calls namin. That's it! Solian na ng kandila!"
Nag-inat-inat si Richard at niligpit and pinaghigaan niya sa sofa para makaupo ang mga kaibigan. "Bakit, kailan ba tayo nagkabigayan ng kandila?"
Naaalimpungatan pa siya nang sabihin ni mamang na nasa labas sina Tope at Michael. Nalimutan niya ang usapan nila kagabi. Itetext sana niya na susunod na lang siya at may overtime pa nang dumating ang message ni Maine. Priorities.
"Pasensiya na, overtime kagabi tapos may inasikaso lang na emergency. Bawi na lang ako mamaya. Labas tayo."
"Ano pa nga ba gagawin namin kundi tanggapin na pangalawa lang kami sa trabaho mo? Diba mamang?"
"Pagsabihan n'yo nga yang kaibigan n'yo. Puyat na naman sa trabaho. Hatinggabi na umuwi. Siya sige, maiwan namin kayo. Mamalengke lang kami ni Ryzza."
"Alam mo mamang, namimiss ko yung lugar n'yo sa Zambales nung nagbakasyon kami ni Tope. Andoon pa ba yung puno na kinahulugan ko sa tabi ng bahay n'yo?"
"Huwag mo nang paiyakin si mamang, binanggit mo pa eh. Sige na mang, umalis na po kayo. Ingat po."
Pinagtimpla niya ng kape ang dalawa at inaya na saluhan siya sa almusal na nakahain na sa mesa.
"Bakit anong nangyari, bro?" hindi napigilang magtanong ni Michael.
Kinuwento ni Richard ang problema nila sa bahay at lupa, pero hindi para humingi ng tulong.
"Kayang-kaya nating bunuin yung kulang sa 200k na yan. Diba Michael? Puwede rin akong lumapit kay mommy."
"No! Kilala n'yo ko. Ayoko ng utang, at lalong ayoko ng charity."
"Teka Tisoy, patingin nga nung papeles nung pagkasangla ng lupa n'yo?"
"Tama bro, nang mapakinabangan naman pagiging abogado nitong si Tope."
After scanning the document, Tope shook his head in disbelief. "Sorry, amigo, bakit hinayaan n'yong umabot sa ganito? She can pretty much do anything. Walang sinasabi na na-extend ang palugit. For all intents and purposes, lapsed na yung deadline. Goodwill na pinaabot pa niya sa katapusan ng buwan ang extension."
"Alam mo bro, may solusyon yang problema mo. Pahiramin kita ng kulang, sama ka sa akin sa Singapore pagbalik ko. Two years lang. After 2 years, bayad mo na lahat ng utang n'yo, puwede mo na tuloy studies mo, may pang-negosyo ka pa."
BINABASA MO ANG
There Was You (Completed)
FanfictionHave you ever wondered how different your life will be if you haven't met someone? Our lives are defined by the choices we make, the people we meet. Follow the story of Richard and Maine and how their lives were changed when they least expected it. ...