53 - Let the Love Begin

7.5K 620 203
                                    

A/N - Our chapter title is an OPM 80's love song originally sung by Gino Padilla


"Tita Terrie, have you seen the news?" (In British Accent)

"What are you talking about? And what's with the British accent?"

"Wala napanood ko lang yung commercial. Parang ang sexy pag British accent. Teka, ginugulo mo ko! Nabasa mo ba itong breaking news?" Kakai showed her the news item on her phone.

Tita Terrie immediately sat down as she started reading.

"Tinawagan mo na sila? Nakita na kaya nila 'to?"

"Cannot be reached e. Mukhang sa Zambales ang low pressure area according to the news."

"Maghanda ka Kai, bibiyahe tayo."

"Wait! Yung phone mo, nag-riring. Si Manang Lydia."

A/N: Asan ang sunog? Nasaan?

----------------

Back to the barrio. At dahil si Ricardo yan,  siyempre natuloy ang sakit.

"Kumusta siya Maine?"  Sinalubong ni mamang si Maine paglabas ng kuwarto.

"Natutulog po pero mataas pa rin po lagnat e. Basang-basa po kasi nung dumating kanina."

"Okay lang ba na dito muna siya? Umuulan pa rin e. Delikado kung isasama ko pag-uwi."

Inakbayan ni Maine ang biyenan at pinaupo. "Mamang, ano po ba sinasabi n'yo? Dapat nga po bumalik na rin kayo dito e. Kasi sa inyo na po ulit ito. Sa atin po."

"Alam mo Maine, salamat at hindi mo binitiwan itong bahay. Kung tutuusin, puwede mong ibenta."

"Naku, kahit kailan po, hindi ko po naisip na ibenta 'tong bahay. Kahit nga po kay Richard. Napamahal na rin po kasi sa akin."

"At katulad ng sinabi ko sa 'yo kanina, alam mo bang isang dahilan yan kung bakit hindi ako sumuko na ipagdasal na magkaayos kayong dalawa?"

Maine frowned. "Ano po ibig n'yong sabihin?

"Bukod sa naramdaman ko kung gaano ka minahal ng anak ko, nakita ko kung gaano n'yo pareho pinahalagahan itong bahay. Pareho kayong sentimental na tao, yung tipong minsan lang magmahal. Mga taong puwedeng ipinapahinga lang ang puso pag napagod na, pero hindi basta-basta bibitaw. Nakakapit pa rin kayo kahit hindi n'yo alam."

Napabuntong-hininga na lang siya. "Sana po tuloy-tuloy na. Ang dami na rin po naming pinagdaanan."

Hinawakan ni mamang ang mga kamay niya.

"At marami pa kayong pagdadaanan. Araw-araw. Maliliit at malalaking problema. Medyo kakaiba ang sitwasyon n'yo. Kasal na nga kayo, pero ngayon pa lang talaga kayo lubusang magkakakilala. Tandaan mo, hindi kailangang pareho kayo sa pananaw sa hilig at sa opinyon sa mga bagay-bagay. Ang mahalaga, pinakikinggan n'yo ang bawa't isa. Hindi masamang magkompromiso kung wala rin namang mawawala sa inyo. At alam mo ang dalawang pinaka-importanteng salita na natutuhan ko sa pag-aasawa bukod sa 'mahal kita'?"

"Ano po?"

"Sorry at salamat. At salamat sa pagmamahal sa anak ko. Pagpapasensiyahan mo na lang at minsan mataas ang pride niyan." Muli siyang niyakap ni mamang. "O siya, ako'y tutuloy na. Baka lumakas pa ang ulan, walang kasama si Ryzza."

Mahigpit na niyakap ni Maine ang biyanan. "Salamat po."

"Ikaw na bahala kay Ricardo. Dinagdagan ko na pamalit na damit niya. Pag matigas ang ulo, pingutin mo."

There Was You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon