34 - The Plot Thickens

5K 466 73
                                    


"Yes, I'm accepting the offer. And I can start in one week's time."

......

"No problem, I'll have that taken care of, and the necessary pre-employment requirements that you sent."

......

"No, thank you for the opportunity. Yes, see you in one week."

------------------------

Pagbukas niya ng email pagdating niya sa office, nabasa niya ang notice officially assigning him to the other division. Tamang-tama, hindi na rin siya magpapagod. Binuksan niya ang isang email niya na matagal na sa 'Drafts', binago ang date at sinend. Nagprint din siya ng isang kopya para pirmahan. Wala ng atrasan 'to.

Tinawagan niya ang admin assistant ng bago niyang division head para siguraduhing nasa office na siya. Kadarating lang daw.

Nagpalipas muna siya ng 5 minutes bago pumunta sa office ni Mr. X.

"Pasok, pasok. Have a seat Richard. Do you want coffee or tea?"

"No, okay lang po ako." Ni hindi niya ito matawag na 'sir'.

"Welcome to your new division. I'm sure you will enjoy for me."

"Yes, natanggap ko po ang notice. I'm sure you will enjoy ordering me around. Kaya uunahan ko na po kayo." Inabot niya ang kanyang resignation letter na naka-address sa HR at naka-copy si Chief at ang kaharap niya.

Matagal tinitigan ni Mr. X ang sulat. "Puwede kong sabihin sa HR na i-reject ito."

Tinuruan siyang maging magalang ng nanay kahit sa mga taong hindi kagalang-galang. "Sa pagkakalaam ko po wala akong maiiwang trabaho. You made sure na naalis ako sa lahat ng assignments ko. Marami din po akong naipong leaves kaya gagamitin ko na rin po as terminal leave."

"I'll make sure you'll regret this. Nobody has rejected my offer before. Akala mo ba magkakaroon ka pa ng career pagkatapos nito?"

"Ikinararangal ko pong maging una na tumanggi. At buti rin po na may tumanggap na sa akin. Siyanga po pala, salamat po sa regalong padala n'yo. Kaya lang po, sa dami ng naging kalat at nasirang gamit sa apartment ko, hindi ko makita kung ano pinadala n'yo."

"I don't know what you're talking about."

"Ay baligtad po pala, kayo pala ang may pinapahanap. Sayang po sana hindi na kayo naghirap. Ito po ba hinahanap n'yo?" Ipinatong niya sa mesa ang isang USB flash drive. "Andiyan po yung recording ng huling usapan natin. Yung report ko naman po, nakuha n'yo na."

"You're too impertinent for your own good, young man. Be careful."

"Nag-ingat po talaga ko. At dahil po nasa 21st century na tayo, may mga pinagbigyan na rin po ako ng kopya ng recording na yan. Ginaya ko po yung napanood ko sa mga movies. Kung may mangyari sa akin o sa pamilya ko, makakarating yan sa dapat makaalam. Puwede rin pong maging viral online. Uso na po yun ngayon. Maybe not enough to prosecute, pero sapat na po para pagdudahan kayo."

"What will make you think I will stoop down to your level? I don't work that way."

"Kung ganon po hindi siguro masyadong nag-isip yung inutusan n'yo nung isang gabi. Masyado pong halata."

"I hate to disappoint you, boy. We don't do riding in tandems. They're so yesterday. Why would I dirty my hands with your blood? You're not worth it. You're just this small, tiny fish in a big pond. What you deserve is a subtle move, but it will hit you where it will hurt. You're dismissed."

There Was You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon